Chapter 2

60 6 1
                                    

MEET PHILLIP, MY BESTFRIEND

                    TUMANGGI ako nang gisingin ako ni Mama para ayaing sumama sa kanya na um-attend ng Sunday Mass sa Saint John The Baptist Church. Sinabi ko sa kanya na gusto kong bumawi ng tulog mula sa puyat noong nakaraang linggo. At pumayag naman siya. Kaya heto at 10:30 na ay nakahilata pa rin ako. Ayaw ko pa at tinatamad pa akong bumangon.

          Nagising lang ako nang tumunog ang phone ko. Pinilit kong abutin iyon mula sa pagkakapatong sa bed side table.

          Text. Si Ranz. “Good morning, sweetheart. Ngayon ko lang nabasa text mo kagabi, did you like it?

          “Good morning. I liked it, pero next time h’wag kang masyadong magastos.” I replied.

          “Alright. I love you.

          “I love you, too.

          Bumangon na ako sa kama upang magpunta ng banyo. Pero bago pa man ako makapasok roon ay may kumatok na sa pinto ng kwarto ko. Si Mama na naman.

          “Chase, may bisita kang kanina pa naghihintay.” sabi niya.

          Sino kaya? “Lalabas na po ako, ‘Ma. Maliligo lang po ako.” sagot ko.

          “Bilisan mo, ha.” mahinang sabi niya na halos hindi na maririnig.

          Hanggang sa matapos akong maligo ay iniisip ko pa rin kung sino ang bisita ko. Mga JA kaya? Si Ranz?

          Lumabas na ako ng kwarto nang makapag-ayos na ako ng sarili. Nagtungo ako kaagad sa sala.

          “’Ma? Sino po—” naputol kong tanong sana kay Mama nang makita ko kung sino ang kakwentuhan niya sa sala. Halos malaglag ang panga ko. “Phillip?” utal na sabi ko.

          Si Phillip iyon. My childhood bestfriend. Magkaibigan kami mula kindergarten hanggang 6th grade. Palibhasa ay magkapitbahay lang kami kaya we became close friends, very close friends. Nagkahiwalay lang kami nang umalis sila papuntang London at doon na tumira.

          Natulala ako nang tumingin siya sa akin at ngumiti.

          He hasn’t changed. Cute as always. Medyo namuti lang at medyo nagmature ang itsura pero iyon pa rin ang mukha ng bestfriend ko na halos kadikit ko na ang buhay.

          “Hi, kulet.” nakangiting bati niya sa akin. Kulet ang tawagan namin noong maliliit pa kami.

          Ngumiti rin ako at awtomatikong napalakad-takbo palapit sa kanya. I hugged him. Ganoon kami ka-sweet sa isa’t-isa. We’re bestfriends, walang malisya d’on, okay?

          “I missed you.” masayang sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Halos maiyak ako sa tuwa dahil nagkita kaming muli.

          “Mas na-miss kita.” sagot niya naman.

          Nang maramdaman ko na medyo OA na ang pagyakap ko sa kanya ay binitiwan ko na siya.

          Tiningnan ko lang siya habang nakapaskil pa rin sa mga labi ko ang malawak na ngiti.

          “Kukuha lang ako ng juice.” sabi ni Mama nang makaramdam siya na kailangan namin ng oras para magkamustahan.

          Ngumiti lang si Phillip sa kanya at tumango. Habang ako naman ay maang na nakamasid sa mukha niya. I admit it, medyo na-starstruck ako sa kanya. Mas gwapo na siya ngayon. Palibhasa ay matagal ko ring hindi siya nakita.

Perfect Fake 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon