Chapter 7

44 3 1
                                    

LONESOME CHASE

          WALANG DUMATING sa bahay para sumabay sa agahan. Walang tumulong kay Mama sa pagluluto. Walang nakinood ng TV. Walang sumundo. Wala. Wala si Ranz.

          I texted him last night, saying sorry for what happened. I was trying to explain. But he did not reply. I was trying to call him naman this morning but I can’t reach him.

          I was on my way to school when I received a message from him. I felt some hope that he’s open to listen to me. Pero nanlamig ako nang mabasa ako ang text niya, saying, “Who’s this?”

          Ranz, gano’n lang ba ‘ko kadali kalimutan? I texted him again; “This is Chase.”

          And he replied, “Sorry. You must’ve texted the wrong number.”

          “Ranz, please. Can we talk personally?” I texted.

          “Oh, Ranz is still asleep. This is Minnie, his girlfriend.”

          Nangilid ang luha ko sa nabasa ko. Ranz...

          Ibubulsa ko na sana ang phone ko nang mag-ring iyon. My Sweetheart Ranz calling...

          “Hello, Ranz?” I asked.

          “No, this is Minnie. Do you have something important to say? Mukha kasing seryoso ang text mo kanina. Tulog pa kasi si Ranz, eh.”

          I bit my lower lip.

          “Why are you with Ranz?”

          “Huh? You’re wrong, I’m not with him, he’s with me. He called me up last night. He said he need some comfort, so we talked, he was drunk so I asked him to stay nalang the whole night for him to be safe. I’ve talked much. Who is this, anyway?”

          “His girlfriend.”

          “What?”

          Narinig ko siyang ginigising si Ranz. Ranz, wake up. Ranz, sa kabilang linya.

          “Can I speak with him?”

          “Wait.” Ranz, who is this girl? She says she’s your girlfriend.

          “Hello? Chase?” halata sa boses niya na bagong gising siya. Halata rin na parang wala siya sa sarili dahil sa kalasingan.

          “Ranz?”

          “Oh, sweetheart, break na tayo, ‘di ba? May kailangan ka pa?” he said.

          Tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigil. Nakatingin na sa akin lahat ng kasabay kong pasahero sa jeepney papuntang school.

          Nang hindi ko na makaya pinatay ko ang phone ko. Ayoko na.

          “CHASE, WAIT.” habol sa ‘kin ni Ivan habang papasok ako sa gate ng school. Si Ivan ang presidente ng Music Society.

          Ngumiti siya saka ako sinabayan sa paglakad. “Malapit na kasi ang orientation ng mga freshmen, nagpa-plano na kami sa production ng MS. Ang suggestion ni Ron, singing flash mob daw. Naisip ko naman ikaw ang gawing lead.”

          Nakatingin lang ako sa kanya, walang ekspresyon sa mukha. Ang totoo wala ako sa mood para pag-usapan ang kahit ano’ng bagay. Wala akong gana.

          “Is there anything wrong?” tanong niya bigla.

          I shook my head.

          “Umiyak ka, eh. Nag-away kayo ni Ranz?” pag-uusisa niya.

          Tiningnan ko siya. Katiwa-tiwala naman siya kaya ayos lang siguro kung mag-open-up ako sa kanya. “Break na kami, and I think he has found someone else.” sabi ko.

          “Woah, what? Gano’n kabilis? Ang ever-sweet couple break na.” napapantastikuhang sabi niya. “Hindi ako naniniwala, ‘yun pang si Ranz. Sagad sa buto ang pagmamahal sa ‘yo no’n.” dugtong pa niya.

          If that’s true, bakit may kasama siyang iba. “Totoo, kakatawag lang sa ‘kin ng babae, Minnie daw ang pangalan.”mapait na paliwanag ko.

          “Ganun-gano’n lang pinagpalit ka? Baka may iba pang naunang kwento?”

          Tumango ako. “Komplikado.”

          “I’m willing to untangle it.” he said, indirectly saying he’s willing to listen.

          “H’wag nalang. Balik tayo sa plano niyo, ano bang gagawin ko?” pag-iiba ko sa usapan, ang totoo nag-iinit na naman ang mga mata ko at baka maluha ako ng wala sa oras.

          “Punta ka mamaya sa office, papaliwanag ni Ron.”

          “Sige, mamayang vacant period ko.”

          “WHAT?” gulat na gulat na sigaw ng mga JAs nang ikwento ko sa kanila na wala na kami ni Ranz. Sabay-sabay pa silang nangag-react na para bang magkakakonekta ang mga vocal chords nila. Pare-pareho pa ng pitch. Pero kahit gusto kong matawa sa mga itsura at reaksyon nila ay hindi ko magawa. The pain was too afflictive to set aside.

          “Ano’ng nangyari? Bakit break na kayo?” tanong ni Elisse.

          “Kaya nga, kailan lang ang sweet niyo, ah?” sabad naman ni Kaye.

          “Baka tampuhan lang.” sabi naman ni Jhenne.

          “Sana nga tampuhan lang.” bulong ko.

          Nilapitan nila akong lahat at niyakap nang maluha-luha na ako.

          “Magbabati din kayo no’n.” sabi nila.

          “May kasama siyang ibang babae kagabi. Alam ko nagsimula sa ‘kin lahat pero ang ipagpalit ako ng gano’n kadali, hindi man lang niya sinubukang intindihin lahat.”

          “For sure, magbabati din kayo, we believe.” sabi pa nila.

          “Alam niyo mas okay pang sabunutan at bugbugin niyo ko kesa sabihin niyo ‘yan.” birong-totoo ko.

Perfect Fake 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon