Chapter 6

61 3 1
                                    

HE KISSED ME

                   HINDI nagpunta si Phillip sa bahay kanina upang sumabay sa amin sa breakfast. At dahil nakasanayan ni Mama na lagi siyang sumasalo sa amin tulad ni Ranz ay kinausap ako ni Mama na dalhan siya ng pagkain sa kabilang bahay kung nasaan siya.

          “Kulet?” tawag ko sa kanya nang papasukin na ako ni Tita Riza. Sinabi nito na nasa dining room daw ito at mag-isang kumakain.

          “Ba’t hindi ka nagpunta sa bahay? Hinahanap ka ni Mama.” sabi ko nang makita ko nga siya sa roon.

          “Nakakahiya na, everyday nalang sa inyo ako nag-be-breakfast.” He smiled. “Have a seat.”

          Naupo ako sa tabi niya.

          “Nahiya pa daw. Si Ranz nga araw-araw nandun.” sabi ko saka inabot ang pinadalang pagkain ni Mama.

          Napansin kong agad na nabura ang ngiti sa mga labi niya nang banggitin ko si Ranz.

          “Boyfriend mo naman siya.” sabi niya.

          “Bestfriend naman kita, ah? ‘To talaga.”

          He looked at me intently for a while.

          Nang medyo mailang ako sa tingin niya ay inilipat ko ang mga mata ko sa buong bahay. “Walang pinagbago ‘tong bahay niyo, ‘no?” sabi ko.

          “Yeah. Just like me.”

          Napatingin ako sa kanya. “Hindi, ah? Nagbago ka na kaya.”

          “Really? Ano namang pinagbago ko? Mas gumwapo?”

          Natawa ako. “Yabang. Secretive ka na ngayon. Saka medyo weird.”

          “Hindi naman.”

          “Totoo.”

          “There’s just things na hindi ko kayang sabihin sa ‘yo ‘coz you’ll never understand kasi your a girl, y’know manhood matters.”

          I nodded. “Still I’m your bestfriend. Alam mong mapapagkatiwalaan ako sa kahit anong bagay.”

          Tinitigan na naman niya ako. “He’s a lucky guy.”

          “Who?”

          “Ranz.”

          “Ano namang kinalaman niya sa pinag-uusapan natin?”

          “Nothing really, I just thought that he’s lucky to have you as his girl.”

          “Ako din naman. Swerte rin ako sa kanya.”

          “Lucky guy.”

          “Sige na. Aalis na ako. I-enjoy mo ‘yang pagkain mo.”

          “Yeah, sure. Thanks.”

          Ilang hakbang palang akong nakakalayo sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko.

          “Chase.”

          Nilingon ko siya.

          “Can we go out tomorrow night?” tanong niya.

          Saglit lang akong nag-isip. Wala naman akong nakaplanong lakad. At hindi naman siguro magagalit si Ranz. Kaya... “S-sure.”

Perfect Fake 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon