Marco's POV
Hindi ko mapigilang mapaluha.. Clarisse... bakit hindi mo nalang sinabi sa akin na may sakit ka pala.. bakit mas pinili mo pang iwanan ako at sarilinin ang sakit na itinatago mo..
Binasa ko ulit ang sulat sa niya..
"Dear marco.... mokong ko,
Happy 5th anniversary mokong ko! Habang binabasa mo ito, siguro ay wala na ako sa mundong ito.. Gusto ko lang na sa huling sandali ko ay malaman mo ang totoo. Ang katotohanang mas pinili kong huwag sabihin sayo para hindi ka na mahirapan tanggapin na mawawala na ako. Mas pinili kong magmukhang masama.. mas pinili kong tanggapin ang galit mo.. mas pinili kong sarilinin lahat huwag ka lang masaktan.
Noong 15 years old ako, I was diagnosed with a cancer. Pumunta kami ng America matapos naming malaman iyon. Tumagal ang chemotherapy ko ng dalawang taon. After that, the doctor said na I survived. Sa unang pagkakataon, doon ako nakaramdam ng sobrang saya.. saya na akala ko ay hindi ko na mararanasan.. Then, my parents decided to go back in the Philippines. Naging excited ako dahil makalipas ang dalawang taong pagpapagamot ko ay makakabalik na ulit ako.. makakapamuhay ng isang normal na teenager. Nag-enroll ako sa UST to take business administration. Naging maganda ang takbo ng pag-aaral ko.. naging top ako sa class ko.. then I met you. Iniisip ko, mabuti nalang wala na akong sakit dahil malaya na kita magugustuhan at mamahalin. Minahal kita ng palihim.. Sinundan at binatayan kita. Same tayo ng course kaya mas naging madali para sa akin ang gawin iyon. And finally, you noticed me after that pageant. Sobrang saya ko dahil sa wakas nakita mo na rin ako.. napansin mo na rin ako.. niligawan mo na rin ako... After a year ng panliligaw mo, sinagot na kita... akala ko naging maganda ang magiging takbo ng relasyon natin.. akala ko tayong dalawa na.. pero after natin grumaduate, I noticed na may mga pasa ako sa likod ko.. madalas ay nakakaramdam ako ng pagod kahit kaunti palang ang ginagawa ko..
Naalala mo ba nung minsang nag-date tayo sa Enchanted Kingdom? Nagtampo ka pa sa akin nun dahil nagpahinga kagad tayo kahit na kapasok palang natin doon. Kasi pagod na ako. Masakit ang likod ko. Nung makita ko ang lungkot sa mga mukha mo ay pinilit kong maging malakas.. Hinawakan ko ang mga kamay mo at hinila.. natatandaan mo pa ang sinabi ko sayo nung oras na yun? ang sabi ko, handa akong magtitiis.. maging masaya ka lamang.. after nun, nakita ko na ang ngiti sa iyong labi.. kahit nsasaktan na ako, pinilit ko pa rin dahil mahal na mahal kita. Ikaw ang unang taong nagparamdam sa akin kung ano ang tunay na pagmamahal. Mahal na mahal kita mokong ko.
After ng date natin, pagdating ko sa bahay, hinimatay ako. Dinala kagad ako sa ospital. Natatandaan mo rin ba na hindi ako nakapagparamdam ng tatlong araw sayo? yun ang dahilan. Dahil nalaman ko na bumalik ang cancer ko. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sayo.. that time, I was having second thoughts.. Ang dami kong what if na naiisip.. What if iwan mo ako? what if hindi mo matanggap ang sakit ko? Pero nung nalaman kong pwede pa.. pwede pa akong gumaling, nakapagdesisyon ako. I am willing to give you up and have a life on your own habang ako ay nagpapagaling... lumalaban sa sakit na patuloy na pumapatay sa akin. I decided to let you go for the sake of your happiness. Ayoko maging selfish. Natakot ako na baka ibigay mo ang lahat ng oras mo sa pagbabantay sa akin at hindi ka na makapamuhay ng normal.. na makapagtrabaho ng maayos sa kumpanya ng pamilya mo.. natakot ako na baka sa oras na mawala ako ay hindi mo kayanin na umahon..
When I think about how life will be without you.. I feel sick. I feel low. I feel depressed abd I feel sad. When I think about how I will miss you real bad.. I feel miserable. I feel unwell. I feel down. I feel lonely.
Lahat ng ito ay para sayo. Hindi ko alam kung sa gagawin kong pagpapa-chemo ay gagaling ako pero gusto ko lang sabihin sayo na kung mawala man ako ay titiyakin kong ikaw lang ang laman ng puso ko. Hindi ko alam kung mababasa mo ba ito kaagad. Pero sana, sana mabasa mo kagad.
Sorry sa lahat ng pagkakamali na nagawa ko. Sorry dahil inilihim ko ito sayo.
It's time. It's time to say goodbye. I love you marco. Mahal na mahal kita mokong ko. "
Clarisse... bakit.. ang tanga ko.. hindi ko napansin..
pilit kong inalala ang mga araw na iyon..
PAST
flashback
MARCO'S POV
"moks pagod na ako..."
"ha? moks naman kakapasok palang natin. Wala pa nga tayong nasasakyan eeee. sige na moks pleeeease.. mamaya ka na magpahinga.. first date pa naman natin 'toooo dito sa EK.."
umupo ako sa tabi nya.. napansin kong pinagpapawisan na siya..
"moks, okay ka lang ba??" tanong ko.. nag-alala ako..
"okay lang ako moks.. wait lang.. 5 mins.. magpapahinga lang talaga ako.."
"sure ka ha. haaaay.. sige na nga moks.." nalungkot ako kasi pagod kagad siya.. sayang ang oras.. gusto ko na siya makasama sa mga rides..
bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at hinila..
"handa akong matitiis, maging masaya ka lamang.."
"ha? moks? anong sinasabi mo??"
"wala sabi ko.. mahal na mahal kita mokong ko.." ngumiti siya..
Napangiti na rin ako. Ang ganda niya talaga.. para siyang anghel na tumira dito sa lupa. Ang swerte ko naman sa girlfriend ko. :))
end of flashback
Akala ko napagod lang talaga siya.. hindi ko naisip na may iba na pala talaga siyang nararamdaman..
Napasabunot ako ng buhok ko.
"AAAAAAAAAAAH!" sigaw ko..
Hindi ko alam ang mararamdaman ko.. Hindi ko alam..
Ang tanga tanga ko..
Napaisip ako,... napatingin ako sa date..
Letter sent 2 years ago. May 6, 20**
Ang mismong araw ng anniversary namin..
buhay pa kaya siya? sana oo.. please.. live Clarisse.. please!
----------------------------------------------------------------------------------
please vote and comment for suggestions please!
I accept criticisms! :)))
BINABASA MO ANG
Diary Of A Time Being - A Second Chance - ONHOLD!
Novela JuvenilDo you know how it feels to let go of someone you really love for a long time just for them to be happy? - Zac Efron Follow me: @lyyyyyyyyyyyyn