Chapter 1

48 6 2
                                    

"Maari ko bang makausap ang magulang?" sabi ng doctor

"Baby, maiwan ka na muna namin. Mag-uusap lang kami sandali." paalam ni mama at saka humalik sa noo ko. 

"Sige po ma." 

Tiningnan ko  sina mama kasama ang doctor na lumabas ng kwarto. Agad akong napaluha. Alam kong may mali. Alam kong mamamatay na ako dahil sa sakit ko. Alam kong malala na at huli na ang lahat. Pinilit kong tumayo para pumunta sa veranda. Tumingin ako sa kabuuan ng garden ni mama. Titingnan mo palang ang mga rosas ay mabibighani ka na sa angking ganda nito.. pero kapag nilapitan mo at hinawakan ay kailangan mo mag-ingat dahil sa mga patusok nito... maari kang masugatan... maari kang masaktan.. 

"Mag break na tayo"

"Ha? break? tinotopak ka na naman moks. Halika nga dito."

Niyakap niya ako ng mahigpit saka hinalikan. 

"Mwua. mwua. mwua. Moks talaga. I love you moks!"

Hindi ako sumagot. Napayuko ako. Ayoko makita ang mukha ng taong mahal na mahal ko. Ang nag-iisang taong nagpapasaya sa akin... baka hindi ko lang maituloy ang dapat kong gawin. Sa ikabubuti niya ito.. Alam kong maiitindihan niya ito. Kaya niyang wala ako..

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay pahigpit ng pahigpit.. 

"Moks... may problema ba?"

sumunod ay hinawakan niya ako sa mukha at pilit na itinataas para makita niya ako.. 

nagtama ang mga paningin namin.. si Marco.. Ang lalaking tumanggap sa kung sino ako.. ang lalaking nagtiis sa paiba ibang ugali ko.. ang lalaking nagpatunay na hindi lahat ng lalaki ay loko-loko dahil ipinakita niya sa akin ang tunay na pagmamahal na walang halong loko. 

Naramdaman ko na ang tubig sa aking mga mata na nagbabadya nang mahulog.. 

"Moks.. let's break up. Let's break up marco..Hindi na kita mahal."

Mahal na mahal kita marco.. mokong ko.. pero kailangan ko itong gawin para sa ikabubuti mo.. hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabubuhay kaya mas mabuti na maghiwalay tayo..

"Moks naman. tinotopak ka lang diba? Alam kong mahal mo ko."

Niyakap niya ako.. 

"Moks.. hindi ko kayang mawala ka. Hindi ko kaya. Pinaghirapan kong kunin ka kaya hindi ka na pwedeng mawala sa akin. mamamatay ako moks.. please!"

"Hindi na kita mahal! Hindi na! Ano pa bang hindi mo maintindihan ha?"

Pilit akong humihiwalay sa kanya.. hindi ko na napigilan na umiyak.. 

"Moks please.. " bumaba ang yakap niya sa aking mga tuhod.. narinig ko na rin siyang umiiyak..

"moks! mahal na mahal kita. hwag mo naman gawin yun. Alam kong mahal mo ako.. tatapusin mo nalang ba ang 3 years natin? marami na tayong pinagdaanan.. "

Kinuha ko yung phone ko at ni-dial ang number ng isa kong bodyguard..

"Prince.. get me out of here." binaba ko na ang tawag.. alam ko naman na andyan lang siya sa tabi tabi.. 

"Moks... please"

"Pwede ba? hindi na nga kita mahal.May iba na akong mahal!"

"Clarisse!" tumingin ako sa tumawag sa akin.. 

"Prince!" kinalas ko ang pagkakayap sa akin ni Marco at dali-daling tumakbo kay Prince..

"Clarisse...."

"Please.. just a moment.." niyakap ko siya.. para mapagkamalan ni marco na kami at para na rin hindi niya mahalata na umiiyak ako ng sobra.. 

"Siya? Siya ang pinagpalit mo sa akin Moks? siya ba?" sigaw ni marco.. napatingin ako sa kanya.. gulat na gulat dahil ito ang unang beses na sumigaw siya.. nakakatakot.. 

Huminga ako ng malalim.. naramdaman kong hinawakan ako ni Prince sa braso.. para bang nagsasabing mag-ingat ako.. at andyan lang siya para sumalo sa akin.. 

"please.. makisakay ka sa akin.. " bulong ko kay Prince.. 

"yes, Ms. Clarisse.." 

Hinarap ko ulit si Marco.. nakatayo na siya ngayon.. ang dating maamong mata niya ay ngayon parang nagliliyab na sa galit.. 

"Oo marco.. siya.. si Prince... na ang mahal ko.. " buong tapang kong sinabi sa kanya.. 

nakita ko siyang parang napangiti... 

"HAHAHAHAHA.. ang isang katulad lang pala ni Prince ang makakapalit sa akin.. " nakayuko niyang sinabi yun .. 


maya maya dahan dahan na siyang napatingin sa akin... pinunasan niya ang kanyang mukha... ang kanyang mga mata.. 


"Tandaan mo 'tong araw na ito Clarisse.. " 


kinabahan ako..  ngunit mas malakas ang nararamdaman kong pangungulila.. ang sakit.. iisipin ko palang na mawawala na siya ay nasasaktan na ako... parang dinudurog ang pagkatao ko.. 


"Clarisse.. tara na.. "

-------------------------------------------------------------

shemay. nasasaktan ako. hahahaha... 



Diary Of A Time Being - A Second Chance - ONHOLD!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon