CS : 1 [Star Section]

88 2 0
                                    

CS : 1 [Star Section]

[Raina]

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo dito sa harap ng Star Section. Namamawis na ang aking mga palad sa kaba at hindi na rin magkamayaw ang kabog sa dibdib ko na parang any minute ang hihinto na talaga sa pagpintig. Natatakot akong kumatok o pumasok dahil iba ang SS Class sa ibang Section Class, yung tipong binibigyan ng Special Treat ang mapapabilang dito at hindi ko alam kung ano ang nakain ni Miss Principal Brown na ilipat ako dito gayong hindi naman ako nararapat dito.

Flashback

Kakapasok ko palang sa Class 4E nang tawagin ako ng Student Council President namin.

"Ms. Torres, pinapapunta ka pala ni Miss Principal Brown sa Principal Office nya dahil may pag-uusapan daw kayo" pagkatapos nyang sabihin yun ay taka naman akong sumunod at pumunta sa Principal Office at sa totoo lang, e kinakabahan ako. Wala naman akong maalala na may kabalastugang ginawa at tsaka hindi naman ako nag-cutting class dahil magagalit sa akin si papa. Tuloy-tuloy ako sa pagpunta ng P.O at kumatok bago pumasok.

"Pinapatawag nyo po daw ako?" magalang kong tanong.

"Aa. Oo, kase hija, ililipat na kita sa Star Section." A--ano? Sa SS Class? Hala!

"P-po? T-teka? Miss Principal Brown, bakit po sa SS Class e pwedi naman po sa Class 4A"

"Miss Torres, you've got the highest score last year at tsaka sayang naman kung ilalagay kita sa ibang Class, and besides same lang naman ang pagtuturo sa SS Class though in a fastest way" nanlumo kagad ako sa sinabi ni Miss Principal Brown. Tsaka wala na rin naman akong magawa para kumontra.

Bagsak ang mga balikat palabas ng P.O at diretso na sa SS Class building.

End of flashback

Kaya heto ako ngayon, parang tuod na nakatingin sa pinto.

"Oh? You must be Raina Torres from Class 4E, right?" Nabaling agad ang tingin ko sa magandang babae na nasa gilid ko ngayon. Base sa nakita ko *gulp*. Oh no? Don't tell me, itong kaharap ko ngayon ay sa SS Class student dahil narin sa iba ang Upper blouse ng uniform though pareha lang naman kame ng lower part.

"Bakit di ka pumasok?" Tanong nya ulit sa akin.

"Ahh-- ano? Kase--" narinig ko naman syang humagikgik.

"Lets go? Kanina kapa kase hinihintay ni Miss Seras" aya nya sa akin at binuksan ang pinto ng SS Class at lahat sila ay napatingin sa gawi namin.

"Guys, we have a new classmate" anunsyo nya kaya lahat sila napatingin sa akin, na para bang may hinihintay.

"C'mon, introduce yourself"

"Pasensya na, mejo nag-aadjust pa kase ako. Ako nga pala si Raina Torres galing 4E" kaswal ko pakilala.

"Okay, Miss Torres you may take your seat at the back of Mister Castro" nagbow muna ako bago puntahan ang upuan. Weird dahil isang upuan nalang para sa akin. Reserved seat?

[Meera]

Pagkatapos ng klase namin ay nilapitan ko agad si Raina, since ako ang Class Pres ng SS Class, kaylangan ko parin syang iassist.

"Hi. Meera Santiago by the way"

"Hi din." Sagot nya.

"Lets go? " taka naman syang napatingin sa akin.

"Ha? Saan?"

"Sa caf. It almost lunch time na" I answered at hinatak. Geez. Gutom na kaya ako.

Cafeteria.

"By the way, hindi ka ba palaimik?" Tahimik lang kase pagdating namin dito sa caf.

"Naninibago lang kase ako" tipid nyang sagot.

Well, I guess. Nag-aadjust pa sya. Hays.

The Cursed Section (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon