CS : 4 [Its Started]
[Raina]
"Anak? Wala ka na bang nakalimutang dalhin?" Tanong ulit sa akin ni Papa. Pang-apat na nyang tanong ito sa akin.
"Papa, wala na po" sagot ko at hinanda na ang bag na dadalhin ko sa fieldtrip namin ngayon.
"Sigurado ka? Teka? Suot mo ba ang kwintas na regalo ng mama mo sayo?" Tanong nya ulit sa akin. Nagtataka man ako e tumango naman ako para matapos na, baka mahuli pa ako at maiwanan ng School Bus.
"Halika ka na! Ihahatid na kita" masayang anunsyo nya sa akin. Napailing nalang ako sa inasta ni papa, mukhang sya ata yung pupunta sa fieldtrip e kase sya yung excited. Samantalang, ako e kinakabahan na at hindi ko alam kung bakit.
Sana mali talaga ang iniisip ko. Nakababa na ako nang makita ko si papa sa sala at chinecheck yung gamit na dadalhin ko sa 4 days and 3 nights na fieldtrip namin.
"Halika na anak? Baka maiwanan ka pa" sabi ni papa sa akin at lumabas na kaya sumunod naman ako sa kanya. Binuksan nya ang kotse at pumasok naman ako.
Mabilis naman kaming nakarating sa School at nakikita ko na rin sila na nagkumpol-kumpol sa tabi ng School Bus.
"Mag-iingat ka anak ha? Wag magpuyat dahil bawal iyon sa iyo at nilagay ko din dyan yung beeper mo para in case of emergency. Okay?" Habilin sa akin ni papa. Tumango naman ako para naman mapanatag na si Papa, humalik muna sya sa noo ko bago nagpaalam.
Nakangiti namang lumapit sakin sina Meera kasama si Robin at Kitkat.
"Naks. Alaga talaga sya ng papa nya oh!" Pang-aasar sa akin ni Meera.
"Ngayon lang naman kase naging ganon si papa" depensang sagot ko sa kanya.
"Talaga?" Manghang tanong nya kaya tumango ako bilang sagot.
Nabaling naman ang atensyon namin doon sa taong pumalakpak.
"Okay? Since we have our first fieldtrip, we will gonna enjoy. SS Class, Class 4A and 4B is everybody all here?" Tanong ng Accommodator sa amin. Nilibot ko ang aking paningin at parang kompleto na rin ang ibang section. Nakita ko namang nagtaas ng kamay si Meera kaya nakuha nya ang atensyon ng Accommodator.
"Ano yon, Ms. Campos?" Tanong nito sa kanya.
"Ma'am, kulang pa po kami ng isa." Sagot sa kanya ni Meera. Kulang? Sino pa ba ang wala pa dito?
"Aa. Okay. We will wait her/him before we depart." Sagot nito sa kanya. Tumango naman si Meera.
"Myghad! Sino nanaman kaya ang nagpapaVIP!" naiiritang sabi ni Khrishta habang nagpapaypay gamit ang kamay nya.
"Hindi tayo pwding aalis hanggat kulang ta--" Meera was cut by Fretzel appearance.
"P-patawad at nahuli na ako." Paghingin ng paumahin ni Fretzel sa amin.
"Ganon kana ba talaga kahirap?! Myghad!" Naiinis na tanong ni Khrishta sa kanya kaya di agad nakapagsalita si Fretzel, ramdam na ramdam ko na ang tensyon kaya bago pa--.
"Tama na yan! Pumasok na kayo sa Bus at pupuntahan ko na ang Accommodator para naman makaalis na tayo. Alexis, ikaw na bahalang mag-aassist sa kanila." Sabi nya. Sumaludo naman si Alexis sa kanya.
"Sige na. Sumakay na kayo sa bus, baka maging tigre pa si Pres." Natatawang pahayag nya. Napailing nalang ako sa sinabi ni Alexis.
Padabog namang sumakay ng bus si Khrishta kasunod ang mga kaibigan nya. Huli naman akong pumasok kasama si Fretzel na kanina pa nakayuko.
I tapped her shoulder, "chin up" I said habang nakangiti sa kanya. Tipid namang ngiti ang sinagot nya sa akin.◇◇◇
Buong byahe ay sobrang naming tahimik. Lahat sila ay tulog maliban nalang sa akin. Ewan ko ba, kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko e di ako makakatulog.
After some minutes, e nakarating na kami sa Villa Caridad, isa syang magandang Villa. Pagkatapos, sabihin sa amin ang mga Do's and Don'ts dito sa Villa e nagsipunta na agad kami sa mga assigned room namin. Tatawagan nalang daw kami kapag kakain na.
□□□
[Fretzel]
"Hahaha. Alam mo Fret, wala talagang magkakagusto sayo dahil mahirap ka pa sa daga!" Natatawang panglalait sa akin ni Klint kanina. Nandito kase ako ngayon sa may lawa.
Inaamin ko na mahirap lang ako. Maswerte nga lang ako dahil napasa ko yung Scholarship Exam dito sa Hellier Academy, pero ang hindi ko alam na samot saring panglalait pala ang matatanggap ko lalo nat sa Star Section. Hindi ko naman kase hinangad na mapunta sa SS Class pero dahil nga sa Scholar sa ako e wala na akong nagawa. Ang lahat na mga iyon ay tiniis ko para lang makapag-aral lang ako ng maayos. Dahil dito ko lang talaga mailalabas ang hinanakit ko lalo na sa pamilyang meron ako.
Flashback
Pababa na ako nang marinig ko naman ang pagtatalo ng Papa at Mama ko. Halos araw-araw na lang ata yung away nila.
"Ano ba?! Diba sinabi ko na sa iyo, wag mong idadala ang kabit mo dito!?" Galit na galit na sigaw ni mama kay papa habang yung kabit nya ang feel at home dito sa bahay.
"Pakialam mo ba?! Bakit? Pinapakialam ba kita kapag nagtatalik kayo nung kabit mo? Hindi naman diba?!" Pabalik din na sigaw ni Papa.
Puro ganyan ang maririnig ko araw-araw. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako pinanganak pa at binigyan na ganitong ka-irresponsableng magulang. Hindi nga ata sila nahihiya sa mga kabit-bahay namin. Daig pa kase ang World War 2 kapag nagtatalo sila.
End of Flashback
Naiinis ako kapag naiisip ko yun. Feeling ko ang malas-malas ko. Ugh!
Umiiyak akong nakaharap sa dito sa may lawa, nang maramdaman ko ang lamig ng hangin na humaplos kaya napayakap ko ang mga braso ko.
"You'll be dead."
Agad akong napalingon nang may narinig akong nagsalita. Kahit na takot na takot ako e nagawa ko pa ring magtanong.
"Sinong nandyan?" Malakas loob kong sabi kahit nakakaramdam na ako ng takot. Sa buong buhay ngayon lang ako nakaramdam na ganito. Mejo may kalayuan kase ang lawa dito sa Villa na tinutuluyan namin.
"You'll be dead!"
And split of a second. I found darkness at hindi ko na alam ang buong pangyayari sa paligid ko. Kung alam ko lang na ito na pala ang last ng buhay ko sana pala kinausap ko sina Papa at Mama.
□□□
Wiiie. Nahihirapan akong iexpress pero kaya ko to. :))
BINABASA MO ANG
The Cursed Section (On-hold)
Misterio / Suspenso" Ang Lahat Ng Nasimulan ay May Katapusan " - Unknown. ©missanimeprinces2016