CS : 3 [Death is Near]

34 1 0
                                    

CS : 3 [Death is Near]

[Raina]

Another day came at pangtatlong linggo ko na itong sa SS Class. Wala naman nangyayari na di kaaya-aya. Pagkatapos ng konti tapatan namin ni Khrishta, e wala naman syang ginawa ng di kaaya-aya. Pero, panay ang irap nya sa akin na hindi ko naman alam kung ano yung dahilan nya, tsaka sa pagka-alala ko e wala naman akong ginawa masama sa kanya.

"Okay, class. Listen, Class SS will have our school fieldtrip. Make it sure na mapipirmahan ng parents nyo ang mga waevers para mapasama kayo" anunsyo sa amin ni Ms. Seras.

"Required po ba talagang sumama dito?!" Tanong ni Rainier kay Ms. Seras.

"Ofcourse, Mr. Castillejo. No one will except in this fieldtrip, dahil ito ang unang fieldtrip ng SS Class" First fieldtrip? Ewan ko pero parang iba ang pakiramdam ko sa fieldtrip na gagawin namin. Feeling ko may hindi magandang mangyayari sa amin, pero wag naman sana.

Pagkatapos maibigay ng Vice Class Pres, yung mga waever e hindi naman magkamayaw sa ingay sa loob ng room namin kung kesyo bakit daw may pa fieldtrip pa fieldtrip pa. E dagdag lang daw iyon sa pera at aksaya sa oras.

"Letse! Ano tingin nya sa atin mga bata para magfieldtrip" - pagmamaktol ni  Rainier, nung wala na Class Adviser namin.

"You know what Rainier, kesa na magtatalak ka dyan e pwde bang tumahimik ka nalang!" - sagot sa kanya ni Alisha na daig pang nasa bahay lang ang pustora.

Rainier is the Rebel Kid, ika nga ni Meera sa akin at si Alisha naman ang Warfreak. Hays! Akala ko pa naman mababait talaga ang mga ugali ng mga SS Class pero mukhang mali ata ang iniisip ko tungkol sa kanila.

"Raina, sasama kaba?" Agaw-pansin na tanong ni--? Eh? O.o?

"A-ah. H-hindi ko pa alam e" tipid kong sagot. Nakakabigla naman kase itong si Robin.

"Raina? Dapat sumama ka sa Fieldtrip ha? Kase monitored ang attendance e" sabi ni Meera sa akin. I think wala na talaga akong choice nito.

Tumango nalang ako. Kaya ngumiti sya sa akin.

□□□

[Tommy]

Maingay.

Magulo.

Yan ngayon ang nakikita ko sa klase namin.

"Dude! Kaylan mo tititigan si Sabrina?" Pang-aasar sa akin ni Daniel ang Casanova.

"Oo nga pre?" Segunda naman ni Santi.

"Tss! Gago! Wala akong gusto kay Sabrina no!" Sagot ko sa kanilang dalawa.

"Haha. Wala daw, parang nirerape mo na nga sa tingin uy" pangbubuska sa akin ni Alexis ang Vice President ng klase namin.

"Magsitigil nga kayong tatlo, pag kayo nadinig ni Sab ay ewan ko nalang sa inyo" natatawang sabi ko sa kanila.

"Narinig ko ang pangalan ko ha!?" Napatingin naman kami kay Sabrina na nakataas ang isang kilay habang nakapameywang.

"Hahaha. Ito naman si Babe oh!" Here comes the casanova moves. Napailing nalang ako sa ginawa ni Daniel. Napangiwi nalang si Sabrina sa turan ni Daniel.

"Yuck! Daniel? Do you think papatol ang ganda ko sayo? No way! As in N-O W-A-Y" pandidiring sagot sa kanya ni Sabrina at umirap bago umalis sa harapan naming tatlo.

"Pano bayan Casanova Boy, rejected ka ng ating Girl Next Door" natatawang pang-aasar sa kanya ni Klint. Hahahaha.

"Gago! Alam nyo naman ako diba? What Daniel's want, what Daniel's get. Pano pat pinangalanan akong Casanova kung wala akong nakukuha hindi ko gusto hindi ba? Makukuha ko yang si Sabrina, by crook or by hook" napatawa na lang kami kay Daniel. Imba talaga ang tama nya kay Sab. Gago! At itutulak pa nya sa akin na may gusto ako kay Sab, e isa lang naman ang gusto ko at yun ay si Ashly Amper.

□□□

[Robin]

Nandito kami ngayon sa Garden at hindi ko alam kung ano ang trip ni Meera at nagsama pa  sya ng dalawang kasama. Napatingin naman ako kay Raina na nakangiting nakikinig sa pagkukwento ni Nenia, pero agad syang napatingin sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin.

"Robin?" Tawag sa akin ni Kitkat.

"Bakit?"

"May nararamdam ka bang pagbabago sa klase natin?" Napatingin naman agad ako sa kanya habang siya ay di inaalis ang tingin sa librong kanina nya pa binabasa. At napatingin naman ako nina Meera na ngayon ay napatingin na rin sa amin. Tss! Kaya pala biglang bumigat yung atmosphere dito.

"Wala naman. Bakit?" Balik kong tanong sa kanya at humiga sa damuhan at pumikit.

"Something's weird. Is just that, I sense may hinding magandang mangyayari sa atin in whole year" sagot nya at itiniklop ang librong hawak nya. Napadilat naman agad ako at bumangon at tinignan sya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

□□□

[Third View]

Tahimik ang namamagitan ngayon kila Robin. Pati sina Nenia at Meera ay naging tahimik na rin, iniisip nila yung mga sinabi ni Kitkat. Samantala, si Raina naman ay hindi makagets sa pinag-uusapan nila, dahil mahina kase sya sa comprehension at hindi ko alam kung pano niya naperfect yung exam. Pabalik-balik ang tingin nya sa tatlo na kanina parin tahimik at ayaw magsalita.

The Cursed Section (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon