CS : 5 [ Who's the Culprit? ]

20 1 0
                                    

CS : 5 [ Who's the Culprit? ]

[Raina]

Ring.....

Ring.....

Papungay-pungay kong kinapa ang cellphone ko sa may ulonan ko, at sinagot ang tawag.

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya pero walang sumasagot kaya tinignan ko ang phone ko pero nakacall pa naman.

"Hello? Who is this?" tanong ko ulit pero wala paring sumasagot kaya napabangon ako at nagsalubong ang mga kilay ko sa nadinig ko.

"T-tulun-gan m-mo a-ak-o!" hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa nadinig ko. Agad ko naihiwalay sa tenga ko ang phone at tinignang maigu kung sino yung tumawag pero # lang yung nakalagay doon. Pigil ang hininga ko at todo kaba ang dibdib ko. Sino ba iyon? Bakit sya humihingi ng tulong sa akin?

"Oh? Mabuti nama't gising kana." Napatingin kaagad ako kay Meera kaya kumunot ang noo nya.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko.

"Ngayon-ngayon lang. Galing ako sa cr kase" sagot nya. "Bakit?" Balik nyang tanong sa akin. Umiling naman ako at tumayo na.

"Sige. Uuna na ako sayo" paalam nya at umalis na sa kwarto namin. Tinignan ko naman ulit ang phone ko kung tumatawag pa ba yun pero laki ang ipinagpasalamat ko nung hindi na.

Pumasok na ako sa banyo at ginawa na ang morning ritual ko. Medyo, maaga pa naman kaya binilisan ko ang mga galaw ko para hindi ako malate sa meeting hall.

After some minutes, nandito na ako sa hall. Agad ko namang nakita sila Meera, pero feeling ko meron talagang kulang sa section namin. Pero, ipinagsabahala ko nalang iyon.

[Aliyah]

Nandito na kami ngayon sa hall, at late na naman si Raina. Tss! Why does people love being late? Ugh!

"This fieldtrip is a totally sucks!" Rinig kong sabi ni Khrista. Frustrated na ata sya. Well, sino naman kase ang nakaisip sa fieldtrip na ito?

"Hoy, Red?!" Tawag ko sa Nerd naming kaklase. Lumingon naman sya sa akin.

"Nakita mo ba si Lerio?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi e." Sagot nya. Asan nanaman kaya yun?

[Third POV]

Hindi magkamayaw sa ingay ang mga estudyante sa Hall. Usapan dito, usapan doon. Tawanan dito, tawanan doon. Sigawan dito, sigawan doon. Ito lang mga maririnig mo sa hall pero nagimbal ang lahat ng may biglang sumigaw. Ang lahat ay biglang tumahimik.

[Raina]

Natigil kaming lahat sa pag-iingay ng may marinig kaming sumigaw.

Pero, nabigla kami ng may biglang estudyanteng lalake ang lumapit sa amin.

"M-may n-nakita kami sa lawa." Hingal na hingal na sabi nya sa amin.

"So?" Pagtataray ni Khrishta doon sa lalake, kaya napaatras yung lalake.

"Ano ba, Khrishta!" Saway sa kanya ni Nirren. Kaya sinamaan ni Khrishta ito ng tingin.

"Ano ba yun?" Tanong ni Meera sa lalake.

"May nakita kase kaming babaeng nakalutang sa lawa." Kinabahan naman ako doon sa sinabi nya.

"Sino naman?" Tanong ni Alexis.

"Hindi namin kilala pero yung kasamahan ko ay kilala sya."

"Mabuti pa at puntahan nalang natin para malaman natin kung sino" suhestyon ni Bob kaya tumango si Meera sa kanya.

Sumunod kami doon sa lalake papunta sa lawa. Maraming mga estudyante ang nagkakumpol doon. Hinawi naman namin para makita namin kung sino ba iyong tinutukoy ng lalake, pero laki ang gulat namin nga makita namin ang katawan ni Fretzel na wala ng buhay. Lumubo ang kanyang katawan at dilat na dilat yung mga mata nya. Nakakatakot dahil makikita mo sa mata nya ang takot. Sino ang gagawa sa kanya nito?

"Sino ang may gawa nito sa kanya?" Rinig kong sabi ni Meera.

--
Short ud lang po.

The Cursed Section (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon