Chapter 47- Bye Alex, I like you Gab

522 30 4
                                    

Yen's Pov

He was hugging me, the way we hugged in my dreams. Nung umpisa parang nailang ako gawa dun sa pinag tapat nya kanina pero dahil familiar na sakin ang ganitong yakapan namin napanatag din ako we just stay on this position.

Hanggang sa maramdaman ko na lang na parang hinatak sya palayo sakin tapos nakita ko syang bumagsak at may dugo ang kanyang labi kaya napasigaw ako.

"Gaaabbb"

Tiningnan ko ang sumapak sa kanya and it was Alex. Akmang susugurin nya ulit ng sapak si Gab pero hinarang ko sya nandun din pala si Anne na agad lumapit kay Alex at hinila sya palayo sa nakahigang si Gab na mukhang di makapaniwala na sinuntok sya ng kuya nya.

Sa sobrang inis ko kay Alex sa ginawa nya kay Gab nilapitan ko sya at pinag babayo sa dibdib.

"Who do you think you are? Huh?" Pasigaw kong tanong kay Alex.

"What the? Why are you mad? I'm just giving you a favor here, ako pa ang mali?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alex na lalong kinainit ng ulo ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko that Gab is trying to stand pero medyo hirap sya kaya nilapitan ko sya at inakay patayo bago hinarap ulit si Alex.

"Kung sa tingin mo Alex nakakatulong ka pwes mali ka, can't you see your presence is not needed here. Dito kami nag tratrabaho ni Gab, and you're not giving me any favor Alex" Kinakalma ko ang sarili ko dahil ayaw kong mag burst out at mag sabi ng kung ano-ano lang.

"Niyayakap ka nya Yen his taking advantage of you!" Paasik na sigaw ni Alex sa akin as if ang tanga tanga ko na hindi ko makita ang point nya.

"You know what Alex I like Gab so its not a big deal" madiin kong sinabi kay Alex ang bawat salita para maintindihan nyang mabuti.

"What! you like that bastard?" I saw betrayal flash across his face. "You know what he did to me Yen, you of all people know about that. At pano tayo Yen? Huh? Pinaasa mo lang ako ganun?"

Napanganga ako kulang ang salitang hindi makapaniwala sa nararamdaman ko. Bigla akong natawa, tawa ako ng tawa halos di ako makahinga fuck! Ako pa ang nagpaasa sa kanya?

Nilapitan ko sya at nang magkalapit na ang mga mukha namin.

"Sorry Alex ha, sorry talaga kung sa tingin mo I betrayed you because I like Gab but did you just even think or cross your mind na talaga bang masama ang kapatid mo? Ang kapatid mo nakasama mong lumaki, sa tingin mo ba galit o dissapointed talaga ang Papa mo kay Gab because of what he did? O ito lang ang mga bagay na gusto mong paniwalaan? Have you tried putting yourself on Gab's shoes, kasi baka maiisip mo na ang selfish mo din"

I know I draw the line, alam ko na wala akong karapatan na sabihin sa kanya to but the hell I care he started this eh.

"Sa ating dalawa alam mong ikaw ang nagpaasa Alex, one day you are too sweet then the next day... the next day na marinig mo ang pangalan ni Sabrina? Lalayuan mo na ako, at akong si tanga mag tataka kung bakit ang cold mo. Kikiligin sa mga paasa moves mo kaso lumipas na ang feelings ko sayo, pero thanks kasi nalaman ko ang kaibahan ng like sa love salamat talaga Alex"

Mangiyak-ngiyak akong umalis at pumunta sa kotse ni Gab na nakapark sa di kalayuan, sumunod lang sakin si Gab at tahimik lang nagmaneho.

Dire-diretso ako sa kwarto ni Gab at pumasok sa cr at nagkulong. Hindi ko na talaga alam kong anong mararamdaman, kinikilig, naiiyak, nasasaktan, naiinis... A mixture of different emotion that could drive me crazy.

Mahinang katok sa pinto ang pumutol sa pagiisip ko.

"Yen may binili ako halika kainin mo muna" Halata sa boses ni Gab ang pagaalala. Napangiti ako despite of whatever happened today si Gab pa din talaga ang magpapangiti sakin but ayaw kong masyado na syang maistorbo pa.

"Gab its okay, I'm fine go eat your food mamaya-maya lalabas din ako" sabi ko na pinilit pasiglahin ang boses. Pero sinong niloloko ko? Habang nagsasalita ako lalong tumutulo ang luha ko.

"My L pag hindi mo pa 'to binuksan kukunin ko yung spare key and I open this damn door" I can sense the determination on his voice meaning hindi na sya nagbibiro.

With a deep sigh, I looked at the mirror and I saw my reflection looking back at me. This girl with a messy hair, puffy eyes black shadows under her eyes. I didn't know her. Kasi yung Yen na kilala ko masyahin di na kikipag away sa kaibigan nya, understanding at higit sa lahat mapag mahal.

Ipinilig ko ang ulo ko at pinikit ng mariin ang mga mata ko at pilit na ngumiti. Inayos ko muna ang sarili ko at binuksan ang pinto.

Nakita ko si Gab na inaayos ang isang mesa na may mga foods sa kwarto nya.

"Gab nag set ka pa dito pwede naman tayong kumain sa sala nagabala ka pa" nahihiya kong saway kay Gab.

Ngumit lang sya ng pagkatamis tamis at hinila ang upuan."Halika na dito upo ka na" nang makita nyang nag aalangan ako lalong lumapad ang ngiti nya, hala ka sya naalog ata ang utak nung sinapak sya ng kuya nya.

"Or gusto mong kumandong sakin, good gracious Yen all you have to do is to ask" Napanganga ako at napairap bastos! Gwapong bastos.

Umupo na ako at kumain na kami ng tahimik nang bigla magsalita si Gab.

"You like me too" He said, naguguluhan akong napatingin sa kanya, anung pinag sasabi ni Gab?

"I mean kanina sabi mo gusto mo ako?" Halata ang pagaalangan sa boses ni Gab na para bang bigla syang hindi na sya sigurado sa sinasabi nya.

Tapos parang bigla kong naalala na sinabi ko nga pala kay Alex na gusto ko si Gab kaya biglang nag burst out na lang bigla ang galit ni Alex.

"Goodness Gab sa dinami dami ng nangyari ngayong araw natin ayun talaga ang naalala mo?" Natatawa kong tanong, God this man is really something.

"Eh bakit ba?" Nakanguso nyang sagot na parang nagtatampo na lalo ko pang ikinatawa.

STILL INTO YOU (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon