Chapter 45- Coloring book

490 35 4
                                    

Napag pasyahan kong pumunta sa terrace para magpahangin at magpakalma ng emosyon.

Alam ko naman na yun eh, alam ko naman na hindi ang will ni Grandma ang dahilan kung bakit pupunta si Alex dito sa Boston, at lalong hindi din si Gab na para magkita sila at makapag bati. Alam ko na yun kaya nga natakot ako na pumunta dito dahil alam ko na si Sabrina ang dahilan ni Alex para mahanap sya at well who knows what's his next plan.

Okay lang naman kung mahal talaga ni Alex si Sab wala na akong magagawa dun pero ang hirap kasi dahil alam kong hindi na sya ang Sab ni Alex hindi ko makita sa Sabrina ngayon ang Sabrina na kweni-kwento ni Alex.

Napabugtong hininga ako sa bigat ng dibdib ko.

"My Yen?" Napalingon ako sa kabilang terrace at napangiti when I saw his smiling face.

"Tingnan mo to dali nakita ko sa mall naka sale" tapos excited nyang inabot sakin ang isang regalo nakabalot sa gift wrapper na pula.

"Anu to hindi ko naman birthday? Sabi ko habang excited na binubuksan ang balot tapos isang zen art coloring book yung nasa loob wow!

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Gab na nasa tabi ko na pala.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin sya at mapaiyak. With all the today's happening Gab clearly is my clarity.

"Oh bat ka umiiyak sibuyas ba yang binigay ko?" Pilosopong tanong ni Gab na nagpatawa sakin, ano ba to para tuloy akong buang iyak-tawa.

"Eh ikaw kasi pinapaiyak mo ko" sabay hampas sa kanya. Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan.

Hinalikan nya ako sa ulo at niyakap.

"Okay lang yan, tsaka no worries mura lang yan My L" sabi nyang nakatingin sakin.

Alam kong ramdam nya na malungkot ako at masaya akong nirerespeto nya ang hindi ko pagkwento.

"Kumain ka na ba Gab?" Tanong ko sa kanya habang pumapasok sa loob ng bahay.

"Hindi pa" sabi nyang nakasunod sakin.

"Ganun? Malas mo wala akong food eh" natatawa kung sabi sa kanya.

"Anu ba yan kala ko pa naman pakakainin mo ako" lumapit sya sa akin sabay akbay. "Buti na lang ako ang superman mo kaya na hulaan kong wala ka na namang pagkain kaya nag dala na ako".

Pumunta kami sa unit nya at totoo ngang bumili sya ng pagkain.

"Sabi ni Tita Meng di ka daw kumain nung dumaan ka dun" sabi nya habang nag hahain at ako nakaupo lang na parang princess eh no?.

"Sabi ni Tita Meng ibig sabihin dun ka galing?" Taka kong tanong.

"Oo" Tumingin sya sa akin na parang may alam sya. "And hindi kita pipiliting sabihin sakin kung ano ang nangyari sa inyo ni Alex, just tell me when you're ready okay?"

Tumango ako at ngumiti, Gab napaka swerte ng magiging girlfriend mo. Pano ba naman understanding, sweet, thoughtful. Hay... kung sana..

Kung sana ano? Ikaw na lang? Ambisyosa.

"Okay ka lang Yen?" Takang tanong ni Gab.

"Oo naman, bakit mo natanong?" Grabe ang utak ko nabuhay ata para kontrahin lagi ang puso ko.

"Nakangiwi ka kasi iniisip ko baka hindi mo nagustuhan ang food" Medyo may pagaalala nya pang tanong.

"Nu kaba hindi ah, may naiisip lang ako" Tumingin sya sakin na parang tinatanong nya kung ano ang naisip ko.

Tama kayang tanungin ko na sya?

"Uhmm.. pwede ba akong mag tanong Gab?" Medyo alangan pa ako kasi alam ko namang private life na ng pamilya nya to, at kahit nag panggap pa akong pinsan nila I'm still an outcast.

STILL INTO YOU (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon