*FRANZINE'S POV*
Ring ng cellphone ang bumungad kay Franzine ngayong araw at kahit na sobrang inaantok pa siya ay pilit niyang inabot ang kanyang cellphone at tinignan ang caller I.D.
Daddy niya pala ang tumawag kaya agad niya itong sinagot.
"Hello Dad? napatawag ka?"
"Baby, punta ka+ dito sa bahay mamaya."
"What time dad? may lunch meeting kasi ako mamaya sa new client ko."
"Okay baby, punta ka nalang after ng meeting mo ha?"
"Okay dad."
"Bye baby!"
"Ahmm dad?"
"Yes baby?"
"I told you already. Don't call me BABY again."
"HAHAHA" yun lang ang tanging narinig ko kay daddy at in-end call na niya agad. Bakit ba ang kulit ng ama ko? Pag sinabi ko yun sa kanya. Tawa lang sagot niya.Tsk! Makaligo na nga.
"Lala, aalis na ko. Wag na kayong mag abalang magluto para sakin dun nalang ako kakain ng hapunan kina daddy."
"Oh sige po Ma'am. Mag-iingat po kayo sa lakad niyo." Nakangiting saad niya sakin.
"Lala, pakisabi naman kay Lulu na kailangan ko na yung pinapabili ko sa kanya."
Lala and Lulu. Sila ang mga katulong kong kambal din but no worries, di sila mapagkamalan kasi may nunal si Lulu.
"Sige po ma'am. Pag-uwi niya tatanungin ko agad siya. Baka bumibili na rin yun ma'am"
"Thank you Lala."
Pagdating sa meeting place namin ay...
Syempre wala pa yung bagong kliyente ko. I'm 10 minutes early.
After 30 minutes, Natanaw ko na siyang papasok sa pinto ng resto. Tumayo na ako at agad ding bumati with a firm handshake and smile.
"Good noon Mrs. Garcia."
"Good noon Ms. Lawrence. I'm sorry to have kept you waiting so long." hinging paumanhin niya sakin.
"It's okay Mrs. Garcia. Please have a seat."
"Thank you."
"Shall we order our lunch before discussing the details?" Oh ayan di na ako nakatiis. Nagutom na ang mga alaga ko.
Pagkatapos naming kumain ay pinag-usapan na namin ang mga detalye para sa gagawin kong design ng gown para sa anak nito.
"I want a simple but elegant gown Ms. Lawrence."
Balak daw kasi nitong surpresahin ang anak nitong mag de-debut na ayaw ng party.
Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako.
"It's so nice to meet you Ms. Lawrence."
"The pleasure is mine Mrs. Garcia. In three days time I might have done some sketches for you to choose from. Please let me know if you're free."
"I'll call you when I'm free."
"Thank you Mrs. Garcia."
5PM na akong nakarating sa bahay nila daddy dahil sa traffic. Rush hour na rin kasi.
Pagpasok ko sa bahay nila ay sinalubong agad ako ni Tita Elcid ng yakap.
"Donata, hija!"
"Hi tita! sabik na sabik tayo ngayon ah? hahaha"
BINABASA MO ANG
Double Trouble
Teen FictionFranzes Donata and Franzine Donata are Identical twins. Super magkamukha at magkapareha ng mga hilig sa fashion & style, boses, pati sa pangangatawan ay magkaparehas. Wala talagang pinagkakaiba sa kanilang dalawa kaya di mo ma identify. At dahil isa...