*Franzine's POV*
Kanina pa umuusad ang sasakyan nito at kanina pa ako pumipikit. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking 'to, baka gusto na nitong makipag dinner date. Agad- agad? Huminga muna ako at iminulat ang mga mata. Agad ko namang tinignan si Ford na ngayon ay busy sa pag da-drive. In fairness, mas gwapo ito sa personal. Pinabayaan ko nalang ito kaya ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko. Sa soft nitong mag drive at sa katahimikan nito ay di ko na napigilang makatulog.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising.
"Hmm ang sarap ng tulog ko." Wika ko na nakapikit parin habang ini-stretch ang mga kamay nang bigla kong maalala na nasa sasakyan ako ni Ford kagabi!
Agad kong iminulat ang aking mga mata."Where am I!?" What the..
"Aaaahhhh!!!!" Sigaw ko nang makita ang suot kong isang malaking t-shirt na panlalaki. Kung hindi ako nagkakamali, kay Ford ang damit na ito. Inilibot ko ang paningin ko at hinanap ang damit kong sinuot ko kagabi. Hindi ko nakita kaya tumayo na ako at hinanap ang banyo ng kwartong ito baka nandun ang damit ko. Binuksan ko ang sliding door, isang malaking walk in closet ang bumungad sa'kin. Kay Ford ang kwartong ito base na rin sa mga damit at gamit na panlalaki. Pumasok na ako sa walk in closet nito at nagbabakasakaling makita ko ang damit ko ngunit sa kasamaang palad ay di ko talaga makita. Nang lumabas na ako ay nakita ko si Ford na nakaupo sa kama na hinigaan ko."What the eff am I doing here Ford and what did you do to me!?" At pinamaywangan ko siya. Kung maka asta parang close lang ang peg? e baka nga close sila ni Franzes.
Tinitigan lang ako ng lalaki kaya sasapakin ko sana ito sa ulo ng mapatingin ito sa bandang legs ko.
What the hell.. dahil sa pag angat ng kamay ko ay nakita konti ang underwear ko."Ang bastos mo!" At agad akong umupo sa kama.
"It's not my fault that you raised your hand lady." Wika nito na nakangisi pa.
"Where's my dress?"
"Laundry"
"Where's the laundry? I need to go home Mr. de Gaulle."
"So, we're in a formal basis huh?"
"Whatever." Tumayo na ako at akmang bubuksan ang pintuan na marahil ay labasan ng kwartong ito nang napapitlag ako at nakaramdam ng boltaheng dumadaloy sa katawan ko nang hawakan nito ang braso ko. Agad naman nitong binitawan at tinitigan ang lalaking parang nakukuryentehan din.
"Where are you going?" parang wala lang na tanong nito.
"Ano pa edi hahanapin ang laundry" I answered and composure myself.
"No. Dito ka lang."
So fluent talaga ito sa tagalog. Mukha namang walang lahing filipino ang lalaking 'to ah.
"At bakit?"
"Just wait here. I ask someone to buy your clothes."
"Nasaan ako?"
"You're in my house."
"Alam kong nasa bahay mo ako. What I'm asking is the exact location of this house nang matawagan ko ang driver namin. Anyway, nasaan ang pouch ko?"
"Deauville. Hintayin mo nalang ang bagong damit mo." Yun lang at lumabas na ito ng kwarto.
What the eff! We're in Deauville. Approximately 3 hours ang byahe papunta dito from Paris.
Napaupo nalang ako sa kama at naghihintay sa damit na sinabi nito. Ayoko namang lumabas na naka tshirt lang baka maraming tao sa baba at nakakahiya naman kung magkakalat akong nakaganito.
BINABASA MO ANG
Double Trouble
Roman pour AdolescentsFranzes Donata and Franzine Donata are Identical twins. Super magkamukha at magkapareha ng mga hilig sa fashion & style, boses, pati sa pangangatawan ay magkaparehas. Wala talagang pinagkakaiba sa kanilang dalawa kaya di mo ma identify. At dahil isa...