AUTHORS NOTE:
YUNG EDUCATION SYSTEM NILA DITO PARANG K+12
6 YRS ELEMENTARY
3 YEARS JUNIOR HIGH / MIDDLE SCHOOL
3 YEARS SENIOR HIGH / HIGH SCHOOL
LEGEND:
*** - change of scene/place of scene
Slant – flashback
“…” – walang masabi / tahimik lang
===============================
EIJI’S POV
Monday. Pasukan na naman at huling taon ko na sa senior high. Habang mag-isa akong naglalakad sa hallway ng school, may mga ilang estudyanteng bumati sa akin.
“Hi Eiji”
“Good morning”
“h-Hello”
Ngumiti naman ako sa kanila bilang pagbati. Hindi naman kasi ako masungit sa mga taong nakakahalubilo ko. Pero hindi pa man ako gaanong nakakalayo ay naririnig ko na silang nagbubulangan.
“OMG! Nginitian niya ako!”
“Anong ikaw! Ako kaya yon.”
“Gosh! Ang gwapo niya talaga”
Napailing na lang ako sa mga naririnig ko at ipinagpatuloy ang paglalakad ko. Patungo ako sa classroom ng biglang may umaakbay sa balikat ko.
“Musta pre? Umagang umaga napakasuplado mo agad a?”,bati ni Terence habang nakangiti at kumakaway sa mga babaeng nadaanan namin.
“Tss. Hindi a, bumabati naman ako sa kanila a”
“Alam mo kung babati ka, magsalita ka naman gaya ng ‘hi girls’ hindi yung ngiti lang. Tsk, wala ka pa ding ipinagbago!”
“Ang sabihin mo, matagal na tayong nandito pero sila ang walang pinagbago”, sabi ko. Ito na kasi ang ika-anim na taon ko sa paaralang ito, pero kung makaasta sila parang bagong salta lang.
“Fan girls nga e! Fans! Taga hanga! Kalalaki mong tao choosy ka masyado.”
“Hindi ako mapili, sinasabi ko lang yung napapansin ko”
“Pre, kung ayaw mo ng fans bigay mo na lang sakin. Aray!”, binatukan ko agad siya dahil sa sinabi niya
“Loko! Ano tingin mo sa kanila? Bagay na pwedeng ipamigay kung ayaw?”
“Ay hindi ba? Sorry na. Ikaw kasi masyadong seryoso e. Problema?”
Ngumiti lang ako sa kanya at halata namang naguluhan ang mokong. Pero hindi na siya nagtanong pa dahil alam naman niya na kung ano man iyon ay ayoko ng pag-usapan pa.
Nang makarating kami sa room ay umupo agad ako sa bakanteng upuan malapit sa bintana at pinagmasdan ang mga estudyanteng nakatambay sa labas ng paaralan.
Napaisip tuloy ako dahil sa tanong ni Terence. Problema?
Napabuntong hininga na lang ako. Masasabi ko bang problema ang pagpapakasal?
Oo, tama ang nababasa niyo. Ako, si Eiji Tyllerson, ay kasal na. Pero walang nakakaalam, kahit ang matalik kong kaibigan na si Terence Suarez ay walang alam.
Hindi rin naman dito nag-aaral ang naging asawa ko e. Bukod pa roon ay arranged marriage lang naman ang lahat.
*FLASHBACK*
![](https://img.wattpad.com/cover/7433305-288-k952780.jpg)
BINABASA MO ANG
A Mess We've MAde (*EDITING*)
RomancePROLOGUE HIS POV: I still remember... Nung unang araw na nakita ko si ANNIE LOCKEHEART… I saw her body collapse habang nasa playground when I was in 3rd grade… That day I found out that she has a weak heart… That day I decided that I will take care...