Chapter 1

20 1 0
                                    

Naalimpungatan si Sunshine sa tunog ng kanyang cellphone. She immediately felt like shouting at the person who's calling her right now. Ang aga-aga ay nang-iistorbo agad. Patamad niyang inabot ang kanyang cellphone at sinagot ito kahit hindi niya tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Matamlay niyang bungad.

"Ah, ma'am. May customer po na maagang nag-inquire kung pwede raw po ba nating i-organize ang wedding within three weeks," it's Kate, her secretary.

" 'Yon lang?" walang gana niyang tanong.

"Ah... May nagpadala na naman po kasi ng mga bulaklak sa inyo ma'am. Ipinalagay ko na po kay Roy doon sa table nyo para maki---"

"Ibalik ninyo 'yan sa may-ari at sabihin ninyo na masyado tayong maraming bulaklak para idagdag pa niya ang sa kanya at kung hindi nyo kilala kung sino ang sender ng mga 'yan, itapon mo nalang o 'di sa iyo nalang," putol nya sa sasabihin pa sana ni Kate.

"Eh, ma'am. May chocolates rin po na kasama sa ipina---"

"Sa'yo nalang. Ikaw na ang kumain nyan. And please Kate, you know I hate those kind of mushy stuffs so spare me with those. I already told you na kapag may mga ganyan, 'wag mo nalang ipaalam sa akin kahit kanino pa 'yan galing."

She heard Kate sigh. Alam na ng sekretarya niya ang problema nya sa mga bagay na ganoon. Kate understand her because she's one of her friend way back in college. Nandoon ito no'ng mga panahong para siya'ng ligaw na kaluluwa. She's been there wiping her tears, getting drunk with her because she wants Kate to join her drinking vodka, and most especially, she's the one who was there to help her realize that Rain was not worth of her tears. That what she and Rain had were all gone and it's time for her to move on. It's time for her to bring back her old self.

"Okay ma'am. Shall I call the client and inform him na pwede nyo nang pag-usapan ang mga detalye ng kasal pagdating nyo?" magalang nitong tanong sa kanya. Somehow, she felt relieved na hindi na siya nito pinagsabihan tungkol sa pagiging bitter na naman niya.

"Okay. I'll be there in an hour. Bye," paalam niya at agad siyang bumangon at naligo. Okay lang sa kanya na mahuli sa pagpasok sa shop dahil pag-aari niya naman 'yon. Yes. She owned a business that is so impossible na maa-apply niya sa sarili niya.

How ironic that she plans, organize, and make a wedding so memorable for her clients na gustong magpakasal. Napasimangot na naman siya pagkaisip ng salitang kasal. She is so bitter about it and most especially about love. Because she was badly hurt because of that damn thing and until now, she's still suffering. Hindi makalimutan ni Sunshine ang pakiramdam nang isang iniwan ng taong minahal niya ng lubusan.

Her dreams with the man she loved was crushed into tiny pieces na sa sobrang liit na ng mga iyon ay hindi na niya alam kung paano haharapin ang bukas nang wala ang taong 'yon. Muntik na nga niya yong ikamatay. From then on, she became cold, unfeeling, and bitter. She even shut those people that can give her so much to remember about him, about the pain.

Kahit na ang mga magulang niya ay naramdaman ang pagiging malamig ng pakikitungo niya sa mga ito kung minsan. And her friends said the same thing. Ito kasi ang malalapit sa kanya kaya ito ang madali niyang napagbubuntunan ng galit at hinanakit. But her family and friends didn't stopped understanding her. Ganoon siya kamahal ng mga ito para hindi siya sukuan sa pag-intindi. Pero kahit ganoon na puno siya ng pagmamahal at pag-unawa mula sa kanila ay hindi pa rin nabago ang tingin niya sa pag-ibig at mga lalaki.

She knew better. Love for her is a total hell.

Pagkatapos mag-ayos ay agad siyang bumaba at nagpaalam sa kanyang mga magulang para pumasok na sa shop. Nadatnan ni Sunshine ang ama na nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo at ang kanyang ina naman ay naghahanda ng almusal. Lumapit siya sa ama at hinagkan ito sa pisngi pati na rin ang kanyang ina. Niyaya siya ng mga ito na mag-almusal muna pero tumanggi siya. Naglalakad na siya papuntang pinto nang marinig niya ang tanong ng kanyang ina.

"Shine, anak. Kailan ka ba babalik? Miss ka na namin ng daddy mo," then she heard her mother sob. The question stopped her from walking. Parang pinipiga ang puso niya sa tanong nito.

She turned to them and smiled. Ayaw niyang magsalita dahil hindi pa niya kaya. At kahit kaya na niya, ayaw na niyang bumalik sa dati. Ayaw na niya sa dating mahina, mapagmahal ng sobra, at masyadong mabait na Sunshine. She knows that if she'll do that, madali na naman siyang masasaktan. People can't blame her. She's been badly hurt of being so weak, of being so loving and selfless.

Pagkalabas niya ng bahay ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan.

Damn that love!

Sunshine Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon