Chapter 16

5 0 0
                                    


            Hindi na ito nagsalita pa pagkatapos niyon. Hindi na rin niya tinangkang magsalita pa. Pahuhupain niya muna ang tensiyon sa pagitan nila. Baka sakaling makikinig na ito sa kanya sa susunod. Gagawin niya pa rin ang binabalak niyang bumawi rito. Ibabalik niya ito sa dati. Pero kapag bigo talaga siya, babalik na lang siya ng Korea. He will have to leave her for the second time but when that time came, alam niyang hindi na ito masasaktan dahil wala na itong pakialam sa kanya. Siya na lang ang masasaktan. He will deal the pain alone. Sukat sa naisip ay nanikip ang dibdib niya. Now he knows how much it hurt her.

For now, he will show her the things she buried in her past. He will make her feel that she can still be happy despite the pain he caused. Oo, siya ang unang dahilan kung bakit ito nasasaktan ng ganoon at nadagdagan lang ng dating nobyo nito. He will paint her beautiful face a smile. But before he could do that, hihingi muna siya ng patawad rito. He will say his sorry. He will admit that he is guilty for hurting her. And tell Sunshine that he loves her, so much.

. . . . . .

Sa wakas ay nakarating na rin sina Sunshine sa lugar kung saan patungo sa camp site nila. 'Yon ang sabi sa text kanina ni Queenie habang nasa byahe pa lang sila. Maglalakad muna sila bago marating ang nasabing site. . Bumaba na ang binata ng sasakyan at lumigid patungo sa gawi niya. Pinagbuksan siya nito at inilahad ang kamay para alalayan siya. Pero hindi niya tinaggap ang kamay na nakalahad sa kanya, bagkus ay lumabas siya ng kotse na hindi ito pinapansin.

Inilibot niya ang paningin sa paligid. Malinis at presko ang hangin. Dahil nasa medyo isolated na lugar sila kaya medyo nakikita niya ang dinaan nila na zigzag sa ibaba. First time niyang dumaan sa isang zigzag na daan kanina kaya naman kahit naaaliw siya, pinagpapawisan naman ang mga kamay niya sa posibilidad na baga madisgrasya sila, mahulog at mamatay. Lumapit ang mga kaibigan nila sa kanila ng binata.

"Malayo pa ba tayo?" tanong niya sa mga ito.

Si Marjun ang sumagot. "Ahm...medyo. Mga two kilometers walk."

Napahugot siya ng malalim na hininga. Maglalakad pa sila ng dalawang kilometro. Okay lang naman sa kanya kaso may dala siyang backpack na may kalakihan at kabigatan. Nagsimula na ang mga ito na bitbitin ang mga gamit. Siya naman ay pumunta sa backseat at kinuha ang kanyang dala. Pagkasukbit ng bag ay nagulat nalang siya ng tanggalin ng binata iyon at kinuha mula sa kanya.

"Ano ba? Akin na nga iyan," utos niya rito.

Ngumiti ito sa kanya ng matamis. "Ako na ang magdadala. Baka mahirapan ka. Aakyat pa tayo ng bundok." sabi nito sa kanya.

"W-what!? Aakyat tayo ng bundok!?" gulat na bulalas niya rito.

"Iyon ang sabi sa'kin ni Ronald." tapos nagkibit balikat ito.

Bumaling siya kay Ronald na ngayon ay busy sa pag-aayos ng backpack ng nobya nito. "Ronald, totoo ba 'yong sinabi ni...ni..." hindi niya maibigkas ang pangalan nito kaya tinuro niya lang ito. "Ang sinabi niya na aakyat pa tayo ng bundok?" tanong niya rito.

"Oo. Kaya ihanda mo na ang sarili ninyo," saad nito kahit hindi siya nililingon. Busy pa rin kasi ito sa paghahanda ng nobya nito. After he's done, he gave Wendy a peck on the lips. She can saw how the two loved each other so much. Iniwas niya agad ang tingin niya sa mga ito. Naiinggit siya na totoo at hindi komplikado ang pagmamahal ng mga ito sa isat-isa. Kailan kaya siya makakaranas ng ganoon? Napabuntong hininga siya.

Binalingan niya ang binata. Nahuli niya itong nakakatitig sa kanya. His eyes were sparkling but after a few seconds, she saw sadness. Para saan ang kalungkutan nito? Kukunin na sana niya ulit ang bag kaso inilayo nito iyon sa kanya. Wala na siyang nagawa kaya sumunod nalang siya rito. Bakit naman kaya malungkot ito? O imahinasyon niya lang ang nakita niya na lungkot sa mga mata nito? Wala naman siyang makitang dahilan kung bakit ito magiging malungkot. Ito pa nga ang nagplano ng lahat ng ito.

Nang marating na nila ang bundok ay nagsimula na silang umakyat. Hindi naman matarik ang nasabing bundok. Para pa ngang may hagdan ito na inukit lang rin sa lupa nito. Hindi na siya sanay sa mga physical activities kaya medyo hinihingal na siya. Naunahan na nga siya ng mga kaibigan. Siya ng nasa huli. Tumigil siya saglit at itinukod ang mga kamay sa tuhod. Hihinga muna siya. Napapagod na rin kasi siyang umakyat. Habang naghahabol siya ng hininga ay may kamay na nasa harap niya, nakalahad. Hindi na niya kailangan pang hulaan o tingnan kung sino ang may-ari niyon.

"Halika. Take my hand," alok nito sa kanya. Bumalik pala ito. Nauna kasi ito sa kanila kanina. Mabilis kasi itong umakyat.

Hindi niya tinanggap ang kamay nito na nakalahad. Tumayo siya ng matuwid at tiningnan niya ito ng masama. She saw the corner of his lips twisted. Her heart went erratically. Imbis na makahinga ng maluwag, heto siya at naghahabol ng hininga dahil sa inakto ng puso niya. It's not deadly, though. It also felt like there are butterflies in her stomach. Nakikiliti siya sa nararamdaman. Iniwas niya ang tingin mula rito at nagsimula na uling umakyat.

Hanggat maari ay ayaw niyang marinig ang tinig nito. Ayaw niyang madikit man lang ang balat nito sa balat niya dahil kapag nagkaganoon ay baka ipagkanulo niya ang sarili rito. Ayaw niyang aminin rito na may masarap na epekto ito sa kanya. She want to protect herself kaya kailangan ay iwasan niya ito. Kailangan ay pigilin niya ang nararamdaman nito kung ayaw na niyang masaktan.

Hindi niya namalayang nakasabay na ito sa kanya. Tahimik lang ito kaya rinig na rinig ang paghinga niya na sanhi ng pag-akyat at pintig ng puso niya para dito. Malapit na sila sa tuktok. Kaunti na lang at makakapagpahinga na siya. When she stepped on the next step, her foot slipped. Ito na yata ang katapusan niya. Hinintay niyang bumagsak sa lupa at magpagulong-gulong hanggang ibaba nang may maramdaman siyang malakas na bisig na puma-ikot sa baywang niya.

When she turned to him, she saw fear in his eyes. Napalunok siya nang mapagtantong muntik na talaga siya. Nakahinga siya nang maluwag nang makatayo na siya ng tuwid. She wiped the sweat on her forehead nang kabigin siya nito at yakapin. Hindi siya nakagalaw. She was shocked of what he just did. She felt safe being in his arms. Masarap sa pakiramdam na nakapaloob sa mga bisig nito. Hindi niya kalain na mararamdaman pa niya ang ganoong pakiramdam na dulot ng yakap nito. It's been eight years since she last felt that kind of security in his arms.

May tumawag sa kanila mula sa itaas. Malamang ay mga kaibigan nila iyon. Naitulak niya ito. Hindi siya dapat nagpapadala sa mga yakap nito. His embraces meant pain. Nakakunot ang noo nito habang nakatunghay sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang titig nito. He just saved her, hugged her and made her felt safe but she pushed him away. She let out a sharp sigh and turned to him. She must thank him, after all, he saved her life.

"T-thank you sa pagsagip," aniya rito.

He smiled but it didn't reached his eyes. "It's nothing. Its just that you nee---"

"No. Salamat. And you should've done that." putol niya sa sasabihin pa sana nito.

Bumuntong hininga ito. "Really, Shine. It's nothing. Kahit sino siguro ay gagawin rin ang ginawa ko para masagip ka. At remember, I promised to make it up to you. I will do everything just to keep you safe, make you happy." tapos ay ngumiti na naman ito.

Iniwas niya ang tingin rito. "I already told you, you can't. Kahit ano pang gawin mo, you can't make it up to me. At ito na ang huling pagtulong mo sa akin. I can manage." sabi niya at nagsimula na naman siyang umakyat. Naramdaman niya hindi pa ito sumusunod sa kanya.

Sunshine Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon