Chapter 14

3 0 0
                                    


             Agad na sinugod ng yakap si Sunshine ng mga kaibigan. Nagulat talaga siya sa inakto ng mga ito. Kung makayakap kasi ang mga ito sa kanya ay parang isang milenyo na ang lumipas simula noong huli silang nagkita-kita. Ngumiti siya ng pilit sa mga kaibigan. Hindi niya naman kasi feel sumama dahil kasama rin nila si Cloud. As much as possible ay iniiwasan niya talaga na huwag silang magkita o marinig man lang ang tinig nito. It just pains her heart.

"Mabuti naman at sumama kang bruha ka. Akala ko ay pahahalik ka talaga kay Cloud kung hindi ka talaga sumama." may halong panunudyong saad ni Wendy.

Nginisihan niya ito na parang nang-uuyam. "May magagawa pa ba ako?" matabang na saad niya.

"Meron pa naman. Hindi ka na lang sana sumama para nahalikan ka na niya," sabi ni Queenie sabay nguso kay Cloud na ngayon ay kausap na nina Ronald at Marjun.

"Yeah right. As if you gave me another choice," naiinis na sambit niya. At may bigla siyang naalala na itama ang mga panunudyo ng mga ito sa kanya. "Alam ninyo na hindi maganda ang mga bagay- bagay sa aming dalawa pero patuloy pa rin kayo sa panunudyo ninyo. For Pete's sake! He was just my friend! He was just my best friend!" inis na bulyaw niya sa mga ito.

Mabuti nalang at medyo nasa malayo ang mga kaibigan nilang lalaki kaya hindi siya naririnig ng mga ito. Plus, maingay rin ang videoke sa isang restaurant na nasa bandang likuran ng pinaradahan nila ng mga sasakyan nila.

Oh, eh. Ano naman kung marinig ng magaling na Cloud na 'yon? Galit ka naman sa kanya. Basta 'wag mo lang sasabihin na lumambot na iyang puso mo sa kaibigan na nanakit sa'yo. Sa taong minsan mo nang minahal, o baka hanggang ngayon? saad noong malditang bahagi ng isip niya.

Oo nga naman. Wala na siyang pakialam kung marinig man nito ang mga sasabihin niya. He deserves all the sarcasm and coldness she gave him. At mahal pa kaya niya ito hanggang ngayon? May nararamdaman pa kaya siya para dito? Kinapa niya ang sariling damdamin. She felt pain. Masakit talaga. But anger made it to the top of her emotions. Galit talaga siya rito dahil iniwan siya nito ng walang paalam at pangungumusta. She hates him, to core.

"Ows? Friends daw?" hindi pa ring sumusukong saad ni Wendy. Ngumisi pa ang bruha. Bigla siyang nakaramdam ng inis rito. Kung alam niya lang na ganito ito kung kausapin siya ng mga ito, eh 'di na sana siya sumama.

At magpahalik nalang sa lalaking kinasusuklaman mo? Ganoon ba? nang-uuyam na saad isang tinig na nasa ulo niya.

Ayaw mo bang mahalikan? Iyon na nga ang pinakahihintay mo 'di ba? Ang inaasam-asam mo sa mahabang panahon. sulsol naman ng isang bahagi ng isip niya.

Napabuga siya ng hangin. Wala naman talaga kasi siyang choice. At bakit naman nasingit sa usapan na naghihintay siyang mahalikan siya ni Cloud? Galit nga siya rito 'di ba? Inaamin niya, simula noong huli silang mag-usap ng ina ay nakaramdam siya ng kaunting kaluwagan sa dibdib. Hindi na siya masyadong nananahan sa poot. Ibig sabihin ba ay, natutuhan na niyang patawarin ang mga lalaking nanakit at nang-iwan sa kanya? Lumalambot na kaya ang puso niya?

Marahas siyang napabuga ng hangin. Ang aga-aga pa ay nagugulo na ang isipan niya. Parang sumasakit na ang ulo niya at nagsisikip ang dibdib. Tinignan niya ang mga kaibigan. Obvious ba siya para malaman ng mga ito ang tunay na damdamin niya para sa dating kaibigan? Hindi naman alam ng mga ito na may nararamdaman siyang pagmamahal na higit pa sa kaibigan para sa binata. Hindi niya sinabihan ang mga ito dahil natatakot siyang baka hindi siya matanggap ng mga ito bilang girlfriend ni Cloud. Dahil baka iniisip ng mga ito na hindi sila bagay. Hanggang pagkakaibigan lang talaga sila.

"Yes. He was my friend," pag-aamin niya sa mga ito.

Umismid sina Queenie at Wendy. "Was? Ay! Oo nga pala. Hindi na pala kaibigan ang tingin mo sa kanya," humagihik na saad ni Queenie.

Hindi na siya nakapagtimpi. Napipikon na talaga siya rito. Hindi naman dating ganito ang mga kaibigan niya. Ano at parang alam na alam ng mga ito iyon?

"Kung wala man lang kayong magandang sasabihin, uuwi nalang ako. Pupunta nalang ako sa shop. Mas mabuti na doon, kahit pulos paper work lang ang ginagawa ko, may kikitain naman akong pera. Hindi katulad dito na pulos walang kwentang bagay ang pinag-uusapan." mataray na saad niya sa mga ito.

Natahimik ang dalawa. May lungkot na dumaan sa mga mata ng mga kaibigan niya nang tingnan niya ito sa mga mata. Napailing si Wendy na parang may nagawa siyang hindi kapani-paniwala habang si Queenie naman ay nagyuko ng ulo. Nawe-weirdan na talaga siya sa mga kaibigan kung bakit ganoon na magsalita ang mga iyon.

Si Queenie ang unang nakabawi. "Ah. Just forget this conversation."

Si Wendy naman ay ngumiti ng nakaka-unawa. Siya man ay ngumiti na rin ng kaunti. Tama nga ang kaibigan. They just have to forget those things they've talked about. Lumapit na ang mga boys sa kanila dahil mukhang tapos na rin ang mga ito sa pinag-uusapan. Nagkasundo na by partner ang magiging biyahe nila total may dala naman na sasakyan ang mga boys. Tatanggi pa sana siya at makiki-usap kahit na kanino kina Wendy at Queenie siya pwedeng sumabay kaso agad siya tinanggihan ng mga ito.

"Kay Cloud ka nalang sumabay, Shine. Masikip na sa kotse ni Ronald eh." sabi ni Wendy at agad na siniko ang nobyo ng palihim.

"Ah...Oo nga Shine. Doon ka nalang kay pareng Cloud. Mag-isa nalang kasi siya kapag sumama ka kahit saan sa amin." susog naman ni Ronald at saka kumindat kay Cloud. Napasimangot siya dahil doon.

Bumaling naman siya kay Queenie at agad itong umiling at ang nobyo naman nito ay pasimpleng ibinaling ang tingin sa kabilang daan. Naiinis na talaga siya. Talagang pinagkaka-isahan siya ng mga ito. Napahalukipkip siya. Ipinikit niya ang mga mata para makontrol niya ang inis niya. Napadilat naman siya agad dahil may biglang kumabig sa kanya at inakbayan siya. Alam na niya kung kaninong braso ang umakbay. Mas lalong nag-init ang ulo niya dahil sa ginawa nito.

Sunshine Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon