Chapter 8

5 0 0
                                    



May naisip na siyang pupuntahan kaya tinawagan niya ang tropa. Ibinigay niya ang address ng bar na pagtatagpuan nila. She needed a drink. Maybe a one or two. Or maybe a bottle of tequila could help her bear the pain just a little.

"Ang shakit lang guysh. Iniwan niya ako ng walang paalam taposh gushto niya'ng mag-explain taposh ngayon pa lang niya naishipan 'yon. Gago talaga shiya, noh? Ang gago!" iyon ang mga salitang nadatnan ni Cloud nang marating at makapasok siya sa bar na itinawag sa kanya nina Marjun. Pinapapunta siya dahil naglasing daw ang dalaga. Nagulat siya sa sinabi ng mga ito. Ang aga-aga eh naglalasing na ito. When he learned about it, nagmamadali na siyang pumunta doon. Kaya iyon nga ang mga salita na nadatnan niya.

Kasalukuyan pa ring nagtatalak ang dalaga. Halatang lasing na nga ito dahil sa pananalita nito.

"Pre," tapos nilapitan agad siya ni Marjun. "'Yan, kita mo na? Ano ba ang nangyari sa inyo kagabi?" pagtatanong nito sa kanya na may halong kalituhan ang mukha.

Bumuntong hininga siya bago sinagot ang kaibigan. "She told me that I can't make it up to her when I told her na babawi ako sa mga nagawa ko. She even denied me, na hindi niya ako kilala." Napabuntong hininga siya. "Pinuntahan kasi namin siya nina Daddy at Mommy sa bahay nila para magkakumustahan. Nakikipag-usap siya ng mabuti kina dad pero kapag ako naman," tapos umiling-iling siya. He can't find the right words to say to his friend kung paano siya pagsalitaan ng dalaga kanina. He can't blame her. Nasaktan niya talaga ito.

Umiiling- iling din ito. "Pagpasensyahan mo nalang, pre. She'd been through a lot," anito sa kanya. "Mas mabuti pa, lapitan mo siya at kausapin. Maybe it could help the both of you kung mag-uusap kayo ng masinsinan. 'Wag kang mag-alala. Drunk people are not liars."

Lumapit agad siya sa dalaga pagkatapos tapikin ng kaibigan ang kanyang balikat. Medyo kinakabahan siya na baka ipagtabuyan na naman siya nito, na sabihin nito'ng hindi siya patatawarin. Sumagap siya ng hangin bago niya tinapik ang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Pumiksi ito.

"Ano ba? 'Wag nga kayong ishtorbo. Kita n'yo na nagshashalita pa ako eh. Makinig na nga lang kayo. Baka mabuwishit rin ako sha inyo!" bulyaw nito tapos sumubsob sa mesa.

Tiningnan niya sina Queenie at Wendy. Napailing-iling ang mga ito sa sinabi ni Sunshine. Napakamot siya sa kanyang noo. Hindi niya alam kung paano sisimulang paki-usapan ang dalaga na itigil na nito ang paglalasing.

"Mabuti at dumating ka kaagad. Kanina pa 'yan tungga ng tungga ng alak." saad ni Queenie. Napabuga ito ng hangin. He knows that his friends are having problems in dealing Sunshine. Kung siya ang nasa kalagayan ng mga ito ay baka itinakwil na niya ang dalaga pero hindi. Dahil may kasalanan din siya dito kaya titiisin niya ang pananakwil at pambabara nito sa kanya para lang mapaamo niya itong muli. Para maging magkaibigan na uli sila kung saan makakausap niya uli ito ng walang pambabara mula rito, ng walang masasakit na salita mula rito. Maybe, just maybe he can have a chance to be with her again.

Tiningnan niya uli ang dalaga. Humihikbi na ito at may mga sinasabi na hindi niya masyadong naiintindihan dahil sa kalasingan nito. Umupo siya malapit sa tabi nito at tinitigan. Bakit nga ba nagawa niya'ng umalis noon ng walang paalam rito? Paano niya nagawang tikisin na hindi ito tawagan o e-email man lamang? Napakuyom siya ng kamay. Ang sakit ng nagawa niya kay Sunshine. At ngayon na hiniwalayan ito ng dating nobyo nito na minahal nito ng lubos, ay nasaktan na naman ito ng sobra at wala siya sa tabi nito para madamayan man lang niya ito sa mga panahong iyon. Naturingan siyang best friend nito pero wala siyang nagawa para maprotektahan man lang ito sa sakit na dulot ng dati nitong nobyo.

Tinapik niya uli ito ng mahina sa ulo. "Shine, tama na 'yan. Umuwi na tayo. Lasing ka na, eh." paki-usap niya rito.

Medyo nag-angat ito ng ulo. At nang makita siya nito ay bigla itong napangita. He looked into her eyes and there he saw bitterness and pain.

"Oy, Cloud! Ikaw pala mahal kong kaibigan. Ay, teka. Ikaw ba talaga 'yan? O baka ikaw 'yan Wendy? Baka niloloko niyo lang ako, ah?" tapos ngumisi ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Rain? Ish that you baby? Babalik ka na ba sha'kin? Bakit? Nagshawa ka na ba sha bago mong pet? Hik!" tapos tumawa ito ng nakakaloko. "Ah, bashta! Ikaw man ang lalaking 'yon, o kung shino ka man na Ponsho Pilato, I don't care! You know what? I really hate you. Oh, no. Hindi pala. I hate you to hell pala. 'yon! Tama!" tapos tumawa na naman ito ng malakas.

Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. "Ako 'to, Shine. Si Cloud." tapos medyo hinatak niya ito patayo para alalayang maglakad. Ihahatid na niya ito para matigil na ito sa paglalasing.

"Ano ba!? Kita mong umiinom pa ako eh!" sigaw nito sa kanya.

Napabuga siya ng hangin dahil mukhang mahihirapan siyang iuwi ito. "Lasing ka na. Tara, ihahatid na kita pauwi sa inyo. 'Wag ka na munang pumasok sa opisina. Magpahinga ka muna." utos niya rito. Pumiksi ito.

"Shino ka ba para utushan ako!? Pakialamero ka rin, ano?" bulyaw na naman nito sa kanya. "At isha pa, hindi ako lashing. Ano...ahm..hik! Nakainom lang," tapos humalakhak ito."Kaya kung magpupumilit ka na namang pigilan ako, umalish ka nalang. Nakakainish ka na ah!" tapos tumungga na naman ito ng alak. Nang mapansin nitong wala nang laman ang baso ay binalingan nito ang bartender sa counter. "Isha pa! Ang sharap eh!" at suminyas ito na palapitin ang waiter.

Bago pa ito makapag-order uli ay hinatak na niya ito patayo at walang sabi-sabing binuhat. Nagpumiglas ito at pinagbabayo ang likod niya. Hindi niya ito pinakinggan at tuloy-tuloy lang siyang lumabas ng bar at naglakad papuntang kotse niya. Pagkatapos ay isinakay niya ito. Iuuwi niya talaga ito sa bahay nito sa ayaw at sa gusto nito.

Sunshine Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon