Chapter 21

6 0 0
                                    


Nang matapos ang halik ay napangiti siya ng maluwang. "I love you Cloud. So much that it brought me back to life," madamdamin niyang pahayag rito. "And thank you for loving me too and for not giving up on me kahit na itinataboy na kita." dagdag niya.

"I love you too so much babe, that it kills me every minute na hindi ko nasasabi ito sa'yo. And thanks for giving me a chance," madamdamin din nitong pahayag. He was about to kiss her again ng may marinig silang naghagikgikan. Pareho silang gulat na napabaling sa mga kaibigan na nanunuod pala sa eksena nila. Napatayo agad si Cloud at siya naman ay nahihiyang tinakpan ang mukha.

"Ang mga tsismoso at tsismosa ninyo!" pabirong sigaw nito sa mga kaibigan nila.

"Asus! Nahiya ka pa 'te! 'Wag mo nang takpan mukha mo." kantiyaw naman ni Queenie sa kanya. Hinarap niya ito kahit na may alam siya na namumula na talaga siya na parang hinog na hinog na kamatis. She felt shy being caught with that scene by her friends.

"So, ano na? Ayos na ang lahat? Pre? Mare?" kantiyaw naman ni Ronald na nanunukso rin.

"Kasalan na ba?" kinikilig naman na tanong ni Wendy. Binalingan siya ni Cloud at kinuha ang kamay niya at tinulungan siyang tumayo.

Tumaas baba ang mga kilay nito na waring naghihintay sa kanyang permiso na sagutin ang mga kaibigan nila. She smiled at him sweetly that it made her female friends to shiver literally. Kinilig talaga ang mga bruha.

Bumaling ang binata sa mga ito at taas noong nagsalita. "We're together now." And then turned to her.

Tiningnan siya nito na parang siya ang pinakamagandang babae na nakita nito. She can also see clearly the love in his eyes.

Impit na nagtilian sina Wendy at Queenie. Sina Ronald at Marjun naman ay tinapik tapik ang balikat niya.

"Ganyan nga pre. Huwag nang magpatumpik tumpik pa!" panunukso naman ni Marjun dito na ginaya pa si Vice Ganda sa pagsasalita.

Tumawa ang nobyo niya sa panunukso ng mga kaibigan nila.

"So, Shine. Hindi ka na single, manang! Akala namin, forever ka nang magiging bitter at manatiling Ice Queen hanggang sa tumanda." kantiyaw naman ni Wendy.

Napatawa siya sa mga hirit ng mga kaibigan. They had seen her through the worst kaya ganoon na lang ang tuwa ng mga ito. "No way! Sayang ang genes ko, noh?" natatawang sagot niya sa mga ito.

"O ano na? Let's celebrate!" anunsyo naman ni Queenie. Sinang-ayunan naman nila ito.

They spent the whole night talking ang laughing. Pinag-usapan din nila ang mga nangyari sa mga nakalipas na mga taon. Pagkatapos ng masayang kwentuhan ay nagpasya na silang matulog sa kanya- kanyang tent.

Pero ang nangyari sa kanya at kay Cloud ay nagtabi sila sa pagtulog. Ok lang naman sa kanya dahil sanay siya dati na natutulog ito sa kwarto niya o kay siya sa kwarto nito noong mga bata sila. But she knew it would be different now but she doesn't care.

Ang importante ay magkasama na sila.

"I love you, my Sunshine. Goodnight," saad nito at hinalikan siya sa mga labi niya.

"Goodnight," she answered and went to sleep with a smile in her lips.

Sunshine Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon