Chapter 9

4 0 0
                                    


               Pagkarating nina Cloud at Sunshine sa bahay nito ay agad siyang pinagbuksan ng ama nito. Pagtataka ang nakasulat sa buong mukha nito. Siguro ay hindi inakala na makikita ang anak nito na tulog na tulog sa kalasingan habang pangko niya. Ang ina naman nito ay kalalabas lang ng kusina at katulad ng ginoo ay may pagtataka rin sa mukha nito.


"Inuwi ko na po siya galing bar dahil naglalasing po siya." pagbibigay-linaw niya sa mga ito.

"Hay. Naku-ng bata 'to o. Naglasing na naman. Ano na naman kaya ang problema nito?" saad ng ama ng dalaga.

"Oh, s'ya. Sige. Iakyat mo na lang siya sa kwarto niya hijo. Maghahanda lang ako ng meryenda mo," saad naman ng ina nito. Kung umasta ang mga magulang ni Sunshine ay parang sanay na ang mga ito na makita ng ganoon ang dalaga.

You really missed a lot of things, Cloud. saad ng isang bahagi ng kanyang isip.

Tumango siya sa mga ito at dahan-dahang pumanhik patungong kwarto ng dalaga. Inilapag niya agad ito sa kama at hinubad ang suot na sapatos at medyas. Umungil ito pero agad ding tumagilid. Napailing-iling na lang siya dahil wala talaga siyang ideya na umiinom na pala talaga 'to.

"Nagbago ka na nga, best friend." kausap niya dito kahit alam niyang tulog mantika na ito. "Really, Shine. You changed a lot." dagdag pa niya.

Lalabas na sana siya ng kwarto nito ng marinig niya itong magsalita.

"Cloud, bakit mo ba ako iniwan? Si Rain din, iniwan niya rin ako. Mahal ko siya pero parang hindi sapat 'yon para mapigilan ko siyang umalis," sabi nito bagaman ay tulog pa rin. Humikbi ito. Nananaginip pala ito at sa panaginip ay kausap siya. May tumulong luha sa magandang mukha nito kaya umuklo siya sa tabi nito.

"I hope you can forgive me for leaving you eight years ago Shine." kausap niya rito kahit alam niyang hindi siya narinig nito. Tapos pinahid niya ang luha nito. "I promise that I will never make you cry again." pangako niya.  

Hindi na ito kumibo pa. Tapos ay lumabas na siya ng silid nito. Pagbaba niya ay nadatnan niya ang mga magulang nito sa kusina.

"Kumusta na siya hijo?" tanong ng ina nito.

"Tulog na tulog na po siya, Tita."

"Pagpasensyahan mo sana ang anak namin, Cloud. Ganyan na talaga siya kapag masyado na siyang naaapektuhan ng mga problema niya." nagpapaumanhing saad naman ng ama nito.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "I never thought she can drink like that now. Marami na talaga akong namissed na pagbabago sa buhay niya." at yumuko siya. Totoo 'yon. 

Simula kasing umalis siya ng bansa patungong Korea ay wala na siyang ideya kung kumusta na talaga ito. Kahit sa tawag ng kanyang ina hindi niya ito tinatanong tungkol sa dalaga dahil hanggat maaari ay ayaw niyang may marinig tungkol dito dahil baka hindi niya kayanin ang pangungulila rito at uuwi na lang siya ng Pilipinas. 

At kapag nangyari 'yon, masasabi niya lahat dito kung ano talaga ang nararamdaman niya para dito and that would really end their friendship.

Friendship. Masakit pa rin isipin ang salitang iyon hanggang ngayon. Malinaw pa rin kasi sa kanya ng kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Na parang kapatid.

"You're my brother that I never had and I'm your sister that you never had." Ang sakit.

"Yeah. But don't blame yourself hijo. Naging okay naman siya ng maglaon mula pag-alis mo. Siguro ay may kinalaman ito kay Rain," pagpapagaan ng loob ng ina nito.

Napatingin siya sa ginang na ngayon ay nakaupo na katabi ng asawa nito. Bumuntong hininga siya. Tama ang ginang sa sinabi nito but he knew better. Sa bibig mismo ng dalaga galing ang dahilan ng paglalasing nito.

"Cloud, parang anak na rin ang turing ko sa'yo. I just want to ask a favor," ani ng ama ni Sunshine. Napatingin siya rito. "Please bring my daughter back. As a father, I want to have my child back." pakiusap nito sa kanya. Nakita niya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito. It was full of pity and worry and love for his "lost" daughter.

Hinawakan niya ang kamay ng mag-asawa. "I promise." saad niya sa mga ito.



-----------------------

      SORRY kung masyadong natagalan ang update na ito. Nawili lang po sa pagbabasa ng mga aklat at pagrereview.

I hope you're still enjoying my story :))

You can VOTE and COMMENT ...

tnxooooo <3lots!

Sunshine Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon