Chapter 22

2 0 0
                                    



After a week of vacation ay nagsiuwian na sila. May mga trabaho din kasi ang mga kaibigan niya kaya kailangan na ng mga itong umuwi. Madaling araw pa lang ay bumyahe na sila kaya maaga silang dumating. When she arrived at their home pagkatapos siyang ihatid ni Cloud ay naabutan niya ang mga magulang na nag-aalmusal. Masaya niyang niyakap at kinumusta ang mga magulang.Napangiti ang mga ito kahit nagtataka kung bakit bigla siyang sumigla.

"Hi daddy! Mommy!" bati niya sa mga ito at hinagkan sa pisngi ang bawat isa sa mga magulang niya. Masyado talaga siyang masaya. Cloud made her so happy.

"Hello there princess! How's your vacation?" anang daddy niya. She can see her dad's eyes though still wondering what's happening to her, was full of joy.

"Y-you look so happy and different, baby..." puna naman ng mommy niya.

She smiled widely. Sobrang saya niya talaga. Napahawak siya sa pisngi dahil nag-iinit ang mga iyon. "It's about Cloud and I, mom, dad..." panimula niya. Nakatunghay lang ang mga ito sa kanya at hinihintay siyang tapusin ang sasabihin niya. " Were on! I mean, boyfriend ko na siya!" masaya niyang pagbabalita sa mga magulang. Napanganga ang mga ito but then her dad burst into tears. Nagulat siya sa reaksiyon nito kaya agad napalis ang ngiti sa mga labi niya.

Nagtataka niyang tiningnan ang ama. "Dad? B-bakit po? May mali po ba?" nagtataka niyang tanong rito. May kabang biglang bumangon sa puso niya. Hindi ba nito gusto ang ibinalita niya? Ayaw ba ng mga ito kay Cloud? Paano na 'yan? Kakasimula pa nga lang ng love story nila, mauudlot na agad?

Nagulat siya nang yakapin siya ng mahigpit ng daddy niya. Hindi niya nagawang kumalas nang maramdaman niyang may luhang pumatak sa pisngi niya. It was her dad's. Bakit ito umiiyak?

"Mom?" baling niya sa ina. Ito rin ay umiiyak but she found her mother smiling at her. Humiwalay na ang daddy niya sa pagkakayakap sa kanya at binalingan ang ina niya.

"She's back Thelma. Our Sunshine is back!" masayang bulalas ng kanyang ama tapos ay binalingan naman siya. "Thank God! You're back to your old self again, anak! I'm so happy for you!" his dad said. Naiiyak pa rin ito. Now she get it. Alam na niya kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ng mga magulang niya sa mga sinabi niya. Masaya ang mga ito para sa kanya. Dahil nagbalik na siya. Niyakap siya ng mga magulang niya.

She hugged them back and closed her eyes. She felt relieved dahil hindi naman pala tutol ang mga magulang niya. "Yes. I'm back," pahayag niya sa mga ito. Her heart swelled when he remembered the man who made all her happiness. The man who brought back her old self. Her great love. Her Cloud.

"Yes. A truck of red roses and tulips...Yeah. Doon ninyo ipadala sa address na ibinigay ko...Bukas ng umaga. Mga nine in the morning...Ok. Thanks." then Cloud cut off the call and dialed a number again. "Hello, Kate?" tanong niya sa kabilang linya.

"Oh, Cloud." bungad nito sa kanya.

"Ano, natanggap ba niya ang mga bulaklak na ipinadala ko sa kanya kanina?" tanong niya sa secretary ng nobya. Kaibigan ito ni Sunshine kaya kaibigan na rin ang turing niya dito at sa nobyo nitong si Roy na nagtatrabaho din sa shop ni Sunshine. Kinutsaba pa niya ang dalawa sa plano niya.

"Oo naman, syempre. Ako pa?" pagmamalaki nito sa kanya. Natawa siya sa bagong kaibigan. Palabiro talaga ito at ang nobyo nito.

"So, okay. Let's proceed with tomorrow's plan. I want it to be perfect and surprising, Kate. Gusto kong i-organize mo ito ng palihim. I want it to be special, so here's the plan..." then he discussed the whole plan para bukas. Nakikinig lang ito sa kanya at may isina-suggest rin. Pagkatapos ay nagpaalam na siya rito. "Ok Kate. Thanks. Bye." paalam niya rito.

Sunshine Is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon