Prologue

87 4 0
                                    

Seven Years Ago


"Mom look! Ang ganda nung water!" Napatakip ako ng tenga sa tinis ng boses ng step sister ko na si Jaira.


Nasa Isang Highway Bridge kasi kami. To namang si Jaira akala mo first time makakita ng ilog!


Palibhasa kasi nagpapapansin.

Tinignan nya ako ng masama ng mapansin na nakatakip ako ng tenga.


di ko lang sya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagbasa sa Weird book na napulot ko nung pinatapon sakin ni Mamita ang halos isang sakong pocket books nya na inaanay na yung iba. Pag nabasa nya na kasi itatapon nya na. Rich kasi eh!

So yun nga, sinubukan kong buhatin palabas pero mabigat. Im just an eight year old child.
Kaya nagpasya ako na ilabas nalang yun ng paunti unti.

Habang tinatapon ko yun may bumagsak na librong sobrang kapal sa paa ko. Namatay nga ata ang kuko ko sa bigat eh. At ito nga yun. nagiging interested kasi akong basahin ang libro kapag makapal kaya binabasa ko to.

nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit parang matanda na ako kung magsalita at mag isip, sabi kasi ng teachers ko Advanced daw ang isip ko. Grade 4 ako that time pero tinransffer na ako sa High School. Ganun ba talaga kamatured ang utak ko? Baka naman naAbnormal lang ang utak ko sa pagkabaltog tuwing tinutulak ako ni Jaira sa hagdan tuwing umaga. Daily routine nya yun eh. Wala naman akong magawa kasi hamak lang akong ampon a.k.a muchacha nila. Mamita is not my real mother. Yung nanay ko daw ay dating yaya sa kanila na aksidenteng nabuntis ni Dad. Inampon nila ako dahil dun. Feeling ko tuloy hindi ako mahal ng tunay kong nanay kasi iniwan ako sa mga to.


Naku! Kung alam nyo lang kung ganong pagpapahirap at pang aapi ang inaabot ko sa mga yan pag wala si Dad. wag nyo nang balaking ipakwento sakin dahil baka mag super saiyan ako!

Napatingin ako sa librong binabasa ko. Nalukot ko na pala ang isang page sa galit. Wow. Gumagalaw na mag isa ang katawan ko huh.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nagkwekwentuhan ang pamilyang to. Actually, si Dad lang ang matino sakin. Mabait sya, binibigyan nya ako ng mga dolls. Pero dahil nga nuknukan ng inggit sa katawan Jaira, tinatapon  nya yun. Hindi naman ako makapag sumbong. Wala rin akong pakialam sa doll. Tss. Mas gugustuhin ko pa magbasa.

"Were here." Masiglang bati ni mamita habang nakangiti at halos kita na ang wrinkles.

"Lets go." Sabi ni Jaira sabay labas nadin.

Lumabas na din si Dad, napansin nya ata na di pa ako lumalabas kaya binuksan nya ulit yung pinto.

"Tara na anak." Nakangiting sabi nya.

Nabalot ng ngiti ang mukha ko. Pwede akong sumama?

"Daddy naman eh! Hayaan mo na siya! Magbasa nalang siya! Maiinosente lang sya dun kasi High tech dun sa mall e makaluma yang babaeng yan eh!" Sabi ni Jaira na halos isaksak sakin yung mga pinagsasabi nya.

Nawala yung ngiti sa mukha ko.

"Right hon. Baka makasira pa yan ng mga gamit dun siya pang babayaran." Sabi ni mamita. Kita mo to! Sarap sabunutan!

Tyrone University:  Light On DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon