TA. 2 - Tyrone Paradise

33 4 0
                                    

halos malaglag ang panga ko ng lumabas ng bahay. Sobrang ganda ng lugar!

Puro Bricks ang daanan at andaming mga bulaklak na sobrang gaganda ng mga kulay. Madami ding butterflies na nagliliparan. Parang nagpapamudmod ng glitters ang mga paro paro. Ang ganda.

makikita mo rin ang Ilog sa tabi na sobrang linaw. Kitang kita yung mga isda na kakaiba ang itsura.

Andaming puno na namumunga ng kulay ginto na prutas. How beautiful! Kung dito ako titira siguradong sobrang saya.

Di ko naiwasang umikot ikot sa bermudda grass. Waaa. I feel summer.

.

Napatingin ako sa mga tao na pinagtitinginan ako. Ooops. Sorry naman, naignorante lang!

Parang natatawa sakin yung iba kasi naman. Kung alam lang nila na first time kong lumabas sa bahay na yun. Di ba nila alam na sobrang ganda ng tinitirhan nila?

"Hey! Tatamaan ka!" Napatingin ako sa babaeng sumisigaw sakin.

Di ko pa sya naintindihan nung una pero nung may tumama sakin na kung ano. Alam ko na -_-

Napahawak nalang ako sa ulo ko. Sakit nun ah.

"Bakit kasi hindi ka umiwas?" Naglahad ng kamay yung babae at inalalayan ako tumayo.

"Sorry ah. Dapat kasi ginamit mo ang magic mo." Sabi nya pa sabay kuha ng Bola ng Baseball na sya palang tumama sa ulo ko.

Magic? Wala naman akong magic eh. Si Manang Elma meron.

"Ok lang." Sabi ko.

Kahit papano pala mababait ang tao dito.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Di ko maiwasan na mabighani sa ganda ng lugar pero di ko na pinahalata..

Nung medyo mapagod ako. Umupo ako sa ilalim ng puno.

Ang lamig dito.

Napatingin ako sa bunga ng puno na kulay gold. Waaa. Nagugutom na ako. kaso ang taas naman nung bunga.

sinubukan kong sungkitin yun pero ala eh. Kapos sa height.

Umupo nalang ako. I give up. Bibili nalang ako mamaya ng pagkain. Pero saan?

Napangalumbaba nalang ako.

Nagulat ako kasi biglang nahulog yung bunga. Waaa. Finally!!!

Mabilis kong kinuha yun at hinugasan sa ilog. Ngayon ko lang napagtanto na Mansanas pala yun pero kulay gold. Weird.

Umupo ulit ako sa puno. Kakagatin ko na sana yun pero bigla itong pinana. Halla. Sino may gawa nun? Paano kung ako yung natamaan?

"Are you kidding?" Sabi ng isang lalaking papalapit sakin. May hawak syang Pangpana. Ahh. Siya yung pumana ng pagkain ko? Lagot sakin to.

"Oh Shut up! Alam mo ba ang ginawa mo? Pinana mo yung pagkain ko!" Galit kong sabi.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Then go eat it." Sabi nya na para bang inuutusan ako.

"Paano ko kakainin kung pinana mo na! Ikaw nga, makakain mo pa ba yan?!"

Gosh. I cant believe na nakikipag away ako dahil sa pagkain -_-

"Wala ka bang alam??" tanong nya sabay lapit sakin.

Uh-oh. Yan ang iniiwasan ko. Ang may magtanong sakin.

"Ofcourse meron. Im not an idiot." Sabi ko

Di sya makapaniwala sa sinabi ko. Duh. Bwisit sya. Pagkain ko yun eh .. huhu.

Tyrone University:  Light On DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon