TA. 10 - Blinking Light

14 1 0
                                    

The next morning:

      

"Ariya, san ka natulog? Im worried about you." Bulong ni Rayne sakin.

Kasalukuyang nagdidiscuss yung lebethian ng lessons kung paano maiimprove ang magic, tss, nakaka out of place, di ko maGets ang sinasabi ng lebethian.


"Ahhhh. Dun ako nakatulog sa garden. Ang ganda kasi, di ko namalayang nakatulog ako. Hehe" Yup, ang ganda ng palusot ko.

Hinawakan ko yung eyebag ko, ang laki, siomai shemay! Pambihira kasi si Cho eh! Di naman sya matutulog sa room nya pero pinagbawalan nya akong matulog sa kama nya. So hilarious.





"Parang puyat ka ata." And, that's it! May nakahalata na!



"Hmn? No, no, kinagat lang siguro ng lamok yung mata ko."

Nanlaki ang mata ni Rayne.

"May lamok dito sa school?" Sigaw nya. Nanlaki naman ang mata ng classmates namin sa sinigaw nya. Bakit imposible ba? Napakainosente naman nila.



"Are you kidding me?" Natatakot na sigaw ni Gia. Napayakap pa sya sa bag nya.


tinuro ako ni Rayne. "She said so." Napatampal nalang ako sa noo ko. Tss. Ano ba?! Rayne naman eh! Pahamak ka! Anong big deal sa lamok?!





"Ariya Trance, can you tell me what's happening?" Tanong ni lebethian na dahilan ng pagtigil sa pagpanic ng classmates namin.




Biglang nagtaas ng kamay si Ryan. "Excuse me lebethian?"


Tumingin ang lebethian sa kanya.



"Im really sorry to do this."


Biglang nakatulog yung lebethian. Oh! I know this! Ganito rin yung ginawa sakin ni Ryan dati. Eto yung mahika nya.




Nag-gasp yung classmates namin.

"Ryan! Why did you do that!?"

"Oo nga Ryan! Dont tell me pinagtatanggol mo yang hamak na Trance na yan?!"

Hamak???



"No, Im doing this for you guys." Sabi ni Ryan sabay angat ng dalawang kamay nya na parang sumusurrender.

"Ryan! ikaw ang pangalawa sa pinakamalakas dito sa University, Pero sarili mong magic inaabuso mo. Kelan ka pa natutong gamitin ang magic mo sa lebethian?!" Naiinis na sagot ng isa sa mga classmates namin.



Natahimik si Ryan.


May lumapit sakin na isang babae. "Ikaw Ariya, bagong estudyante ka lang, at TRANCE ka lang. Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nun? FYI ang Trance ang pinakamahina dito sa buong City. KAYA DONT YOU DARE NA MAGKALAT NG GOSSIPS DITO THAT DOESNT REALLY EXIST!"

Natahimik ako sa sinabi nya. Trance ang pinakamahina dito sa City huh. Not bad. Ako nga walang magic, kaya mahina nga ako. Tama naman sila.





Gosh! I cant believe nag aaway kami dahil sa LAMOK.






Parang di ko na ata kayang ihandle tong mga nangyayare.



Tumakbo ako palabas at nagpunta sa Comfort Room.


Pagkapasok na pagkapasok ko sa Comfort Room dun ako nag iiyak. Kahit kaylan napaka CRYBABY ko talaga. Tama si Cho.

Tyrone University:  Light On DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon