Patuloy lang ang pagbaba ko sa balon na kanina lang hinulugan ng lalaki ng barya. Teka? Ano nga ba ang pangalan nya?
Nakakatuwang isipin na sa oras na to yun pa talaga ang inisip ko. Kung kelan tanggap ko nang mamamatay ako saka naman naging weird ang katawan ko. Hindi naman talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Totoo palang may taong nakakahinga sa tubig? Parang kanina lang binabasa ko yun sa librong binigay ko sa lalaking yun.
Teka, wala bang katapusan ang balon na to? Kanina pa ako bumababa ah. Wait lang nga. Ang pagkakatanda ko kanina nung hinulugan ng lalaki ng barya tong well e mababaw lang. As in mababaw lang talaga. Bakit parang anlalim ata?
Woooo. Im starting to feel scared. Sobrang dilim na. Di ko na matanaw ang ibabaw ng balon.
Paano kung mamatay ako dito? Baka maging Sadako ako? Haha.
Kinapa ko ang kinakatayuan ko. Puro lumot. Halatang luma na ang balon na to. Andami ding barya dito. Pero... mababaw lang talaga ang well kanina. Nakikita pa nga ang mga barya eh. Parang fountain lang ang lalim nya. There's something fishy here. Pwede kayang isa itong magical place? Pwe! Ano ba yan Kishana. Kung ano anong iniisip mo!
Napaupo nalang ako. What am I gonna do? Ayokong bumalik dun and makakabalik pa ba ako sa lagay na to? halos isang oras akong lumulubog dito.
Sinandal ko nalang sa tuhod ko ang ulo ko. Mabuti pa itulog ko nalang to. Malay mo panaginip lang pala to diba? sana hindi. Ayokong mag stay sa pamilyang yun.
Present Time
May malamig akong naramdaman sa noo ko. Pinilit kong idilat ang mata ko pero sobrang sakit ng ulo ko.
"Master! Gising na sya!" Isang boses ng babae ang narinig ko.
ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa kaya ko nang idilat ang mata ko.
tinanggal ko ang kumot na nakabalot sakin pati narin ang tela sa noo ko.
"Nasaan ako?" Tanging nasabi ko sa kabila ng kawirduhang nakikita ko.
Anong lugar to? At.... sino ba ako?
Ngumiti ang babaeng sa tingin ko mas matanda sakin. Ang ganda ng ngiti nya. Kamukha nya. Di sya maputi pero di rin sya maitim. straight ang buhok nya na nakatali.
"Hello. Ariya!" Bati nya sakin.
Ariya? Yun ba ang pangalan ko? Bakit di ko maalala?
"Nasaan ako?" Pag ulit ko sa tanong ko.
"Nasa Tyrone ka. Simula ngayon dito ka na titira. Im Lea by the way." Sabi nya at nilagyan ako ng kwintas. Nakaukit dun ang isang logo na di ko maintindihan kung ano.
Gumagalaw yung logo. Nagiging parang star sa kalangitan ang itsura. May kaunting gold na umiikot. Ano ba to?
"Tyrone?" Tanong ko na para bang naguguluhan sa lahat. Bakit ba wala akong kaalam alam sa lahat? Pakiramdam ko para akong isang batang bagong silang.
Teka. Ilang taon na ba ako?
"Oo Tyrone dito ka na ti---" naputol ang sasabihin ni Lea ng bigla akong magtanong.
"Gaano na ako katagal dito?!!" Di magkandaugagang tanong ko.
Natahimik sya na para bang nagdadalawang isip kung sasabihin sakin o hindi.
"ohh. Gising ka na pala. Iha." Masayang bati ng matandang babae na kaKadating. Muka naman syang mabait. Sa suot nya halatang manggagamot siya. Nakakwintas kasi sa kanya ang ibat ibang uri ng gamot.
BINABASA MO ANG
Tyrone University: Light On Darkness
FantasyTYRONE UNIVERSITY Minsan mo na bang naisip na paano kung isang Araw mapunta ka sa lugar na Di pamilyar sa iyo? Isang lugar na nangyayari ang imposibleng mangyari sa tunay na mundo, isang lugar na puno ng mahika at mga bagay na sa imahinasyon at pana...