ARIYA POV.
Kanina pa ko palakad-lakad sa loob Ng apartment, maglalakad papuntang pintuan para lumabas Ng apartment pero magdadalawang isip ako Kaya bibitawan ko ang doorknob at uupo sa sofa.
Ano ba Ariya? Lalabas ka ba o Hindi?
Hayss. Nakakabawas pala Ng fats Ang pag-aalinlangan kahit papano -.-
Nakita ko sa wooden table ko yung schedule Ng klase ko,
Ah! Nilagay ko nga pala Yan diyan kagabi.
Hindi ko pa pala nakikita schedule ko.
Matignan nga.
Kinuha ko ang kapirasong papel na naglalaman Ng schedule ko at binasa sa isip.
7-11am - Training.
Ahh training Ng umaga? Okay.
1-5pm - Training.
Ahh training din?
"Teka. Bakit training Lang ata laman Ng schedule ko? -_-"
Wala ba kong subjects? Hays, training? As in training? Bakit? Isasabak ba ko sa gyera? -_-
Bigla nalang pumasok sa isip ko si Cho. Musta na Kaya Yun?
Puntahan ko Kaya siya?
Tss wag na. Baka lagyan nya pa Ng malisya Mahirap na.
Wala namang malisya bat ako mag-alala? Hays.
Sige na nga. Mapuntahan na nga, para makapagpasalamat naman ako at niligtas nya ko kahapon.Habang naglalakad papunta kila Cho, may naramdaman akong sumusunod sakin.
Lumingon ako sa likuran pero Wala naman akong nakitang tao.
Weird.
Magpapatuloy na sana ko ng paglalakad pero hahakbang palang ako biglang umulan Ng napakalakas. Teka, mababasa na ko Huhu!
Medyo malayo na ko sa apartment ko kaya nagtuloy na ako kahit mabasa, Wala din naman kasing masilungan.
Ariya, you're so swerte talaga.Pagdating ko sa harap ng apartment ni Cho kumatok ako agad pero walang nagbubukas Ng pintuan. HAYS. Cho, basang-basa na ako!
"Cho! Si Ariya to! Buksan mo yung pinto!" Medyo demanding ba ko magsalita? Haha Di naman, desperada Lang, ang lamig kasi ng tubig ulan may halo ata na yelo.
"Cho ano ba? Buksan mo na to! Nakakabanas ka na eh! Asaaaaar!"
Bigla nalang ako nangilabot Ng may marinig na tumatawa sa likod ko, UWAAAA who's there?
Binilisan ko pa lalo Ang pagkatok sa pintuan ni Cho pero natigil ako Ng may umakap sakin Mula sa likuran.
Parang di ako makagalaw."Ss-Sino k-ka?" Ang nakapikit kong Sabi.
Sino Kaya to? Si Ryan? Or si Cho?
Ididilat ko Sana Ang mga mata ko para tignan Kung Sino pero naramdaman kong may humalik sa pisngi ko.Nanlambot ako. Ttt-teka, Sino ba talaga to? HUHUHU.
Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak Ng napakalakas. Kahit magmukang bata okay Lang, kakatakot HUHUHU. Bwisit na Cho yan!
"Anong iniiyak mo Jan?"
BINABASA MO ANG
Tyrone University: Light On Darkness
FantasyTYRONE UNIVERSITY Minsan mo na bang naisip na paano kung isang Araw mapunta ka sa lugar na Di pamilyar sa iyo? Isang lugar na nangyayari ang imposibleng mangyari sa tunay na mundo, isang lugar na puno ng mahika at mga bagay na sa imahinasyon at pana...