Prologue

22 3 0
                                    

SIMPLICITY HIGH SCHOOL
- School na hindi sikat pero may mga estudyante na siguradong hahangaan ng lahat. Maraming grupo, pero walang nagaganap na Bullying. Mga Cute, Pogi at Magagandang estudyante ang nag aaral dito. Hindi uso ang magpaganda, kundi ang mag aral. Kung gusto mong mag aral ng mapayapa, dito ka mag enroll.

Pero paano kung may isang estudyanteng nakapasok na hindi pasok sa standards nila? Magkaron kaya ng kaguluhan? O ipasawalang bahala na lang ang lahat upang mapanatili ang kaayusan?

TINY BRATZ
- Ang grupo na pinakasikat dahil sa angking talino at galing sa sports. Hindi Nerds, hindi rin maaarte tulad ng mga Populars, hindi adik sa sports tulad ng mga Jocks at hindi mahilig makipag away tulad ng mga Rebels. Kahit Matalino, Magaganda't Pogi, Magaling sa Sports, at Black belters, hinding hindi sila magiging ganyan dahil sila ang tinaguriang PERFECT TANDEM. Tiny daw pero matinik.

THE SASSY'S
-Grupo ng mga maarte sa mga gamit sa school pero hate na hate ang mag make-up. Simple lang din sila manamit. Kung gaano sila kaarte sa gamit nila, ganun din sila kaarte sa mga kagrupo nila. Ang pinipili lang nila ay yung magaganda at pogi , kaya pag cute ka lang? Tsupi ka sa kanila. Kumbaga sila ang maarteng simple. Pero kahit ganun sila, beauty with talent ang theme nila. Magagaling sila kumanta at sumayaw.

BOOKWORM'S UNITE
-Sila naman yung mga mahihilig magbasa. They can't live without books daw. Sa pagsasama sama nila naeenjoy daw nila ang reading dahil pare pareho nilang gusto ang salitang 'SILENCE' di daw tulad ng ibang groups na walang magawa kundi mag ingay.

COOL BUDDIES
-Sila ang mga mahihilig sa Sports na simple. Mawawala daw ang healthy lifestyle nila kapag hindi sila nakapaglaro sa isang araw. Cool daw sila dahil sikat sila di lang sa school nila kundi sa school din ng iba. Lagi kasi silang nananalo. Pero kahit ganun ang pagiging Simple pa rin daw ang priority nila.

THE CUTES
-Sila naman yung mga Cute na estudyante sa school na ito. Hindi sila mayayaman, kumbaga sapat lang upang mamuhay ng normal. Sila ang mga baby face at maliliit na estudyanye dito. Sila ang pinaka-ordinaryo sa lahat. Walang kaarte arte. Normal lang. Kumbaga best definition of Simple. Magagaling sila sa arts and Martial Arts. Lahat ata ng Arts e haha.

Ayan ang lahat ng groups na may name sa school na ito. Okay lang kung wala dahil hindi naman ito big deal. As long as my friends ka at sariling kaalaman at kasimplehan, pasok ka! Ang ibang students ay ayaw ng pangalan ng group. Kaartehan lang daw yan. Madaming population of students sa school na ito. Mahahandle ba nila ito kung sakaling magkagulo? Paano kung dahil sa isang lalaking kinaiinisan nyo ng sobra nangyayari ang kaguluhang hindi inaasahan? Paano kung sa grupo pa ng tinaguriang 'PERFECT'  mapunta ang magiging sanhi ng lahat? LAHAT NG YAN AY MAY KASAGUTAN KUNG BABASAHIN MO ITO.

Standards to Passed:
1) Simple Outfit
2) Not using make-ups (ONLY FACEPOWDER AND LIPSTICK ARE ALLOWED)
3) Good Attitude
4) High Grades
5) Friendly

Kung ganyan ang ugali ng makakasama mo, Why not?

~~~

Hays ang hirap pala maging Author. Mygosh. Haha. Sorry sa mga errors and grammars. Hope you like it :)

Simplicity High: Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon