Chapter 11: Martial Arts

6 0 0
                                    


NICKO'S POV

Pagtapos naming kumain nagpunta kami dito sa likod ng building namin. Magpapractice kami ng Self defense. Yun kasi ang next Activity namin. Ang kalaban namin ay ang Group 3 which is The Cutes. Buti nalang nanalo kami kanina sa Volleyball. Medyo marunong naman ako, si Renalyn lang talaga yung di marunong. Si Gabe naman basketball player, pareho kami, pero marunong naman siya magreceive ng bola.

"Hindi ganyan Gabe! Ano ba yan. Kung ano anong tinuturo mo"

"Ganito yun Aba, ipapakita ko sayo!"

Itong dalawang to nag-aaway na naman. Konti nalang talaga iisipin kong may relasyon tong dalawang to eh.

"Huy Roy, napakawalang kwenta mo talaga. Wag ka ngang matulog diyan. Turuan mo kami ng Martial Arts! Black belter ka diba?!"

"Pano mo alam? Stalker siguro kita."

"Alam mo, ang kapal ng mukha mo, dali na kasi. Ayokong masaktan mamaya!"

"Edi umilag ka"

Isa pa tong dalawang to. Puro away haha. THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE pa naman daw. Pero di ako naniniwala sa ganun. Di ko naman siya Hate eh.

"Renalyn, marunong ka ba mag-Martial Arts?" Pano kasi nakatunganga lang. Parang wala lang sa kanya eh.

"Ah oo, pero konti lang, kaya lang nasprain yung ankle ko kanina"

"Ganun ba, punta ka kaya muna sa Clinic"

"Hindi wag na Nicko. Okay na ko dito."

"Ikaw ang bahala"

"Aaaaaaaahhh"

Sino yun? May narinig kaming tumili sa likod ng puno. Pinuntahan ko at sumunod naman sila, maliban kay Renalyn.

"Help me guys. Takot ako sa pusa waaaaah. Ilayo niyo yan sakin"

Psh. Pusa lang pala eh. Teka, parang familiar siya. Siya si Mickey ba yun? Ay ewan.

"Ohmyg. Ang cute ng kitten"-Renalyn

Palibhasa kakadating lang. Kinuha niya yung pusa since wala siyang magawa kasi nga injured yung ankle niya.

"Thankyou sa inyo guys. Takot talaga ko sa pusa eh"

"Okay lang"-Aba

"Pusa lang naman tss"-Roy

"Tumigil ka nga diyan Roy!"-Emilyn

Nagbulungan pa! Rinig naman. Pero sabagay, tama naman si Roy. Ang OA lang.

"Uhm. Diba nagmeet na tayo sa mall kahapon? Tama ikaw nga! Ano nga uling name mo?"

"Nicko" bored na sabi ko. Andaldal talaga.

"Uy kayo ha. May something agad."-Gabe

"Tumigil ka nga diyan Gabe, para kang baliw."-Aba

Andaldal din nitong si Gabe. Parang babae eh.

"By the way guys I'm Mikee Dichosa from Group 1."

Mikee pala name niya, akala ko Mickey. Para kasing daga.

"Aba"

"Gabe" nakipag shake hands pa ang loko.

"Renalyn here."

Nakatingin sila sakin. Inaantay ata ba magsalita ako.

"What?!"

"Tell us your name Nicko"

"You already said it Renalyn."

"Just say it!"

"Nicko" Sabi ko

Simplicity High: Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon