Chapter 10: Volleyball

2 0 0
                                    


EMILYN'S POV

Andito na ko sa room at naghihintay sa mga classmates ko na dumating. Especially sa mga friends ko. Grabe talaga ang nangyari kahapon, di ko inaasahan. Pag naaalala ko nandidiri ako eh. Kung tinatanong niyo kung anong nangyari, Ganito yun.

Nagpaalam ako na magc-Cr sandali. Nakita ko na naman yung baklang yun na may inaaway na babae. Bakla talaga to.

"Hoy bakla! Nang aaway ka na naman ng babae. Naiinggit ka ba sa kagandahan niya?"

"Hoy sa pogi kong to, maiinggit ako? Hindi ako bakla no!"

"Eh bat mo siya inaaway?"

"Pakialam mo?" Grabe naiinis talaga ko sa lalaking to.

"Hoy napakasama naman ng ugali mong lalaki ka, lahat nalang ng babae inaaway mo! Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo na gumalang ha. Siguro pareho lang kayo ng tatay mo na walang puso sa baba----" napatigil ako nung bigla niya kong waaaaaahhhh HINALIKAN NIYA KO. First kiss ko yun eh. Humanda talaga to sakin.

"Bakit mo ginawa yun"naiiyak na ko.

"Hoy teka bat ka umiiyak? Halik lang naman yun ah. Aish."

"Huwaaaaaaahhhh. Huhuhu."

"Grabe anak! Girlfriend mo ba yan? Di ko akalain na nakahanap ka ng katapat mo. Haha."

Te-teka. Tatay niya yan?

"Dad! She's not my girlfriend. Look at her. She's not my type."

Aba't sumusobra na to ah.

"Ang kapal naman ng mukha mo huhu. Ikaw na nga tong nagnakaw ng first kiss ikaw pa ang may ganang magalit. Huhu. I'll tell this to my mom, malalagot ka. Huhu"

"What if I'll tell what you said earlier to my mom too? Oh not only to my mom, to my dad also."

Kinabahan ako bigla. Teka diba tatay niya yun. Patay na talaga ko. Kaya bago pa niya ko isumbong, tumakbo na ko palabas ng mall at doon umiyak ng super.

Ayan ang nangyari. OA ko ba? Paki niyo. First kiss ko yun eh. Kainis talaga yun. Gaganti ako pag nakita ko siya.

"Emilyn! Ang aga mo ata? Goodmorning."-Renalyn

"Oo eh naiinis kasi ako kahapon. Alam mo ba kung bakit? Ikekwento ko sayo. Gani--"

"Ay nako Emilyn wag mo na ikwento, alam ko na kung anong nangyari. Sinundan kaya kita kahapon" sinundan niya pala ko. Di man lang ako tinulungan.

"Di mo man lang ako tinulungan! I hate you!" Nagkunwari pa kong nagtatampo sa kanya haha.

"Uy sorry na. Di ko kasi alam gagawin ko. Pinsan ko kasi yun. Andun si Auntie tsaka si Uncle. Pagagalitan ako nun"

"We? Andun yung mama at papa niya? I want to die. Huhu ayoko na pumunta dun sa mall na yun.😭"

"Easy ka lang mababait yun. Sila yung may ari ng mall kaya di ako pwedeng umeksena. Ayaw ng mga yun ng gulo eh. Sigurado ako na pagagalitan yun si Roy, may mga investors pa naman na andun. May parusa na naman yun. Ang kulit kasi eh" buti nga sa kanya yun. Hmmp.

"Kaya pala iniwan niyo ko ha!"

Nako po. Si Nicko. Malaking problema to.

"Ah eh kasi gan--"

"Siguraduhin niyong matutuwa ako sa paliwanag niyo"

Pinaliwanag namin ni Renalyn lahat lahat. Kinwento pa namin na pinsan yun ni Renalyn.

Simplicity High: Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon