Chapter 6: Birthday Plans

3 1 0
                                    

Emilyn's POV

"Goodmorning mom, Where's dad?"
"Ah eh anak busy sa work hayaan mo uuwi daw siya mamaya"

Bat kaya di umuwi si Dad. Super busy naman nya eh di naman kami ganun kahirap financially. Bat kelangan umabot sa point na mag Overtime siya sa work or Should I say Super Overtime?

"Ah baby. Let's eat na. I cooked this for you."

Hanggang ngayon talaga baby pa rin ako ng mama ko. Sweet.

"Yehey Thankyou mom. It's my favorite. I miss this."

Favorite ko kasi yung Fried rice with soy sauce and salt. Sarap kasi.

"Ang simple ng Favorite mo anak. Answerte ko talaga sa prinsesa ko."

"Thanks mom. By the way pupunta ko sa bestfriend ko. Mukhang may problema eh."

"Di mo pa din ipinakikilala yang Bestfriend mo sakin. Lagi mo lang kinekwento. Minsan naman papuntahin mo dito."

"Sge mom. Magreready lang ako ah. Iloveyou."

****
Kumatok ako sa Apartment nila. Gustong gusto ko talaga dito. Maliit yet so simple. I like simple things.

"Oh Bestfriend aga mo ah. 11am palang. Bat napadalaw ka?"

"Di mo ba muna ko papapasukin?"

Natawa naman siya sa biro ko. Pinapasok na rin niya ko. Bibili daw muna siya ng ulam at kanin para sa lunch namin. Di pa kasi siya nakakapag grocery. Ewan ko ba kung asan yung mommy nya.

Habang wala siya naglibot muna ko. It's so nice here talaga. Isang kwarto lang, pagkapasok ko sa kwarto niya may isang malaking kama. Oh wait. May Picture frame sa gilid. Ang nakalagay picture niya habang may kasamang isang girl and boy. I guess parents niya yun. Ang cute nila. Pero I was wondering kung nasaan sila?

"Uy bestfriend anong ginagawa mo diyan?"

Nagstop na ko sa kakaisip nang kung ano ano ng inaya nya ko papunta sa sofa.

"Uhm bestfriend Can i ask abo--"

"About my Family?"

"Uhm yes?"

"Don't worry It's okay. Ganito kasi yun"

***

Kaya pala parang may problema siya at naging masungit sa lahat. Hays I'm so proud of her kasi kahit na ganyan yung sitwasyon niya nagagawa pa din niyang mag aral ng less worries. Sana ganyan din ako pag nagkaproblema ako. Yung iba kasi hindi kinakaya and they commit suicide.

Andito na ko sa kwarto ko nung maalala ko yung MGA problema nya. yes MGA kasi madami.

"Ganito kasi yun, nung nag enroll tayo maayos pa kami ni mama. Bago ako umalis nung nagkakilala tayo, isusurprise ko sana si mama nun sa school na papasukan ko, kaso paguwi ko wala siya. Nag note lang siya sakin na bukas pa siya makakauwi. Kaya di ko nasabi yung school na papasukan ko. Tapos nung night before the first day of our class, nagkaron kami ng misunderstanding. Umalis kasi siya nung umaga tapos gabing gabi na siya nakauwi. Tinanong ko lang naman kung anong problema nya.at gabi na nakauwi tapos bigla nalang siyang nagalit. Pinagsisigawan niya ko sinampal kasi ang bastos ko daw. Lalayasan na daw niya ko kasi wala kaming kwenta ni papa. Si papa daw ang konti ng padala kaya ayaw na niya. Di naman ang padala yung problema eh. Siya. Kasi kulang yung padala sa pag aaral ko at sa LUHO niya. Kaya siguro naghanap siya ng iba. Mayaman daw tapos kayang ibigay lahat ng gusto niya, hindi daw siya ipagpapalit at magkaka-anak na daw sila . Naiyak na ko nun.Wala namang ibang asawa si papa eh. Andun lang siya sa probinsiya nagtatrabaho para samin. Kaya nagalit ako sa mundo. Pero dahil sa inyong mga friends ko hindi ko pinahalata lahat. Naging matapang ako. Ewan ko ba kung bat nangyayari to."

"Everything's happen for a reason naman diba?"

"I know, okay lang ako. Let's keep this a secret na lang."

"Uhm by the way, about your father. Don't you mind if I ask you why?"

"Its okay. Si papa naman matagal ng andun sa province namin. Dun siya nagtatrabaho sa company ng classmate niya dati. Sa province kasi pinatayo yun kaya dun din siya . Ilang years na din siya dun. Minsan lang din kami magkausap. Most of the time si mama lang. Kaya di ako naghihinala na may other family din siya. Pinapadalhan naman nya ko. Ngayon nga, kakadating lang ng padala niya eh. Sobra sobra to kasi magisa nalang ako. Pero okay na din to para sa projects ko. Magkakaron din ako ng savings."

Diba ang hirap nun? Sana hindi maging ganyan ang family ko.

Dahil 2pm palang, magpupunta muna ko sa mall. Wala naman kasing project.

***

Andito ko ngayon sa Department Store. Kaya lang ayoko naman ng mga andito. Pumunta ako sa mga blouse and shirts. May nakita akong tshirt na pang Bestfriend. Mukhang bagay to samin ni bestfriend ah. Kaya binili ko.

Nakapila ako sa Cashier. Ayan ako na ang next. Gutom na din kasi ako. Kaya lang may biglang sumingit. Ang epal naman nito. Ang arte pa manamit.

"Hey you! Nauna ako sayo! Matuto ka namang pumila!"

"I don't care"

Abat bastos to ah. Di pa din ako hinaharap. Ayoko pa namang tinatalikudan ako kapag kinakausap ko.

"Hoy mayabang na lalaki humarap ka nga dito. Ang kapal naman ng mukha mong sumingit dito!"

Pagharap niya. Ohmy. SYA NA NAMAN? Lalong nag init yung dugo ko.

"IKAW NA NAMAN?" SIYA/AKO

"MAKASIGAW KA AH!" SIYA/AKO

"Tss gaya gaya/ psh gaya gaya" Siya/Ako

Bwisit talaga. I don't care kung pinagtitinginan na kami. Naiinis na talaga ko dito sa lalaking to.

"Uhm excuse me Miss and Mr."-saleslady

"WHAT?!" -SIYA AND AKO

Gaya gaya talaga.

"Ah eh kasi po lima naman po yung available na counter dito kaya wag na po kayo magsigawan diyan."

"Pakialam mo? Gusto mo mawalan ng trabaho?"

Naririnig ko pa silang naguusap pero ako umalis na at nagbayad sa kabilang counter.

***

"Oh anak nakauwi ka na pala"

"Yes mom. I'm so tired."

"Okay magpahinga ka na."

Nung nasa kwarto na ko, tinignan ko yung mga binili ko. Dalawang books, dalawang shirt, dalawang bag and dalawang shoes. Bumili na din ako ng pang bake and pambalot sa mga pinamili ko. Hihi guess what? Birthday ng bestfriend ko bukas. Kahit di niya sinabi alam ko yun kasi nakita ko sa form nya. Magsisixteen na pala siya. Magbebake ako ng Cake and cupcakes tapos lalagyan ko ng 'Happy Sweet 16 My Bestfriend, I Love You'

Balak kong icelebrate yung birthday nya dito sa house namin. At ang visitors? Hmm pagiisipan ko. Naisip ko lang na pasayahin siya para naman mabawasan yung bigat na nararamdaman niya. Hihi I'm so excited na.


----

@aloneforever1627: hello sayo :) Ikaw ang kauna-unahang nagVote nitong Pinakaunang Story ko. Haha na-appreciate ko super. thankyou :)

Simplicity High: Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon