RENALYN'S POV
Napagpasyahan naming pumunta sa Grocery store. Gutom kami eh paki niyo. Haha.
"Wag na kasi yan Emilyn! Eto nalang mas mura."
"Wag ka ngang magulo Nicko. Mas maganda ang quality nito kesa diyan."
"Tignan mo to, mas mura at mas madami ang laman kumpara diyan. Mas makakatipid pa tayo."
"Oo nga Emilyn. Ayun nalang para madami pa tayong mabili"
Hulaan niyo kung anong pinagtatalunan nila. CHICHIRYA LANG NAMAN. Parang mga bata tong mga to. Pareho lang naman. Yun nga lang mas mahal yung isa.
"Eh 40 lang naman to eh."
"Eto 20 lang!"
"Guys tama na yan. Pareho niyo nalang bilhin. Basta ako etong tigsa-sampu lang."
"Psh" -Emilyn
****
Medyo marami-rami din tong pinamili namin. Pero ang pinakamarami kay Emilyn! Palibhasa richkid."Uy guys, wait. CR lang ako. Kayo na magbayad sa counter eto oh."
"Sge"-Nicko
San kaya pupunta si Emilyn. Parang may nakita kasi siyang tao. Weird.
"Nicko, ikaw na magbayad. Antayin kita sa labas."
"Okay"
NICKO'S POV
Nako naman. Nautusan pa ng dalawang babaeng yun.
"Ano ba naman tong si Emilyn. Andaming biniling Chocolate."
Pagbayad ko ng pinamili namin may nabangga akong babae.
"Sorry miss."
"Okay lang. What's your name? By the way I'm Mikee"
"Nicko" simpleng sabi ko sa kanya tapos umalis na ko. Ayoko sa mga taong madaldal.
Asan na ba kasi yung mga yun eh. Humanda talaga yung mga yun sakin.
"Hoy Renalyn. Asan na si Emilyn antagal naman nung babaeng madaldal na yun"
"Ahhh wa-wala. Hindi ko alam."
"Huh?"
"Uh ang ibig kong sabihin hanapin natin."
"Kahit kailan talaga yun."
Hinanap na namin si Emilyn at nakita namin siya sa tapat ng mall sa labas at umiiyak. Ano kayang nangyari sa kanya? Ang gugulo talaga ng mga babae.
"Emilyn? Bat andito ka sa labas? Tsaka bat ka umiiyak? Anong nangyari? Sinong nag---"
"Renalyn ang O.A. mo naman. Isa isa lang, umiiyak na nga yung tao oh." Tinanong kasi ng sunod sunod. Lalo tuloy umiyak. "Uh Emilyn? Bat ka umiiyak?"
"Huhuhu. Waaaahhhhhh.😭😭😭"
"Hala ka Nicko. Lalong umiyak."
"Uy wala kong ginawa diyan Renalyn"
"Emilyn, tara pasok na tayo hanapin na natin sila para makauwi na at makapagpahinga ka"
Tama tong si liit. Minsan talaga maayos yung utak nito eh. Sana makausap na namin to ng maayos.
"Si-sige" hays umiiyak pa din. Ayoko pa namang may umiiyak na babae.
****
"Oh anong nangyari diyan?" -Gabe
"Di nga rin namin alam eh. Nagpaalam lang yan mag-CR tapos nakita namin sa labas umiiyak"-Renalyn
"Baka broken hearted" biro ko.
Sinamaan naman ako ng tingin ni Aba. Nagbibiro lang naman eh. Sungit.
"Uy bestfriend okay ka lang? Sinong nang-away sayo, tara sapakin natin!"
"Ah hehe. Wala bestfriend okay na ko. Di na nga ko umiiyak oh" tinuro pa niya yung mata niya. Di na daw umiiyak eh may luha pa ngang tumutulo.
"Eh bestfriend mer---"
"Tara na guys. Mag-gagabi na oh. Baka mapagalitan kayo ng parents niyo."
"Mama ko lang"-ako
"Ako pareho!" Proud na sabi Gabe
"Same here Gabe!" nag-apir pa sila ni Gabe.
Si Aba kaya? Bat di nagreact? Tumingin kaming lahat sa kanya na parang nag aantay ng sagot niya pero wala, nakayuko lang siya.
"Ah guys let's go na, I'm just tired today"
Nag approve naman ang lahat dahil pagod na kami kakaikot sa mall at pagod na pagod na kong makinig sa kadaldalan nila.
****
"Uy anak kumain ka na ba?"
"Opo ma, kumain na po ako sa mall. Matutulog na po ako, wag ka magpupuyat ha. Goodnight."
"Sige anak, yung kapatid mo andun na sa kwarto niya natutulog"
Sinilip ko muna si Nica bago ako matulog. Di na ko kumatok dahil sabi ni mama tulog na daw siya, baka maistorbo ko pa, pero lagi namang bukas yun kasi alam niyang pupunta ko dun bago ako matulog.
Pagbukas ko ng pinto, nakita ko siyang tulog na sa higaan niya. Nung nilapitan ko siya para kumutan, nakita ko na may pasa sa bandang tiyan niya. Ano na naman kayang nangyari sa kapatid ko. Palagi nalang siyang binubully. Pag ako nakapagtapos patutunayan ko sa kanila na hindi kami kasing baba ng tingin nila. Sila ang titingala sa amin.
"Ma! Bat may pasa si Nica, alam mi po ba ang nangyari?" Bumalik ako sa sala para tanungin si mama kung may alam siya.
"Oo anak. Pasensya ka na, di ko nasabi. Ayaw kasi ipasabi ng kapatid mo eh. Pinagtripan na naman siya ng kaeskwela niya, Rence ang pangalan. Hayaan mo ako ng bahala dun. Sge na magpahinga ka na"
Napabuntong hininga nalang ako at pumayag.
Nang nasa kwarto na ako, kinuha ko ang Scrapbook ko. Pang babae ba? Hindi naman siguro. For memories din naman kasi to. Lahat lahat ng nangyari sa buhay ko nakalagay dito. Pinapaprint ko yung picture tapos nilalagyan ko ng caption.
Dinikit ko yung stolen picture niya na cinapture ko kanina at pinaprint ko bago ako makauwi at nagsulat ng caption.
Sobrang saya ko kahit ganun ang nangyari. Sana maulit pa. Nagugustuhan ko na ata siya.
Ansaya talaga ng araw ko. Sana magpatuloy to hanggang bukas.
BINABASA MO ANG
Simplicity High: Perfectly Imperfect
Novela Juvenil"TINY BRATZ" ~Isa lang sila sa mga grupo ng mga simpleng estudyante sa school na ito, ano kayang mangyayari kung ang kanilang school na pinangangalagaan ay mahaluan ng isang lalaking hindi pasok sa pagiging SIMPLE? . Ano ang mangyayari sa SIMPLICIT...