Chapter 5: What's behind her

12 0 0
                                    

GABE'S POV

Hays asan na ba kasi yung lintik na aso na yun eh. Baka matalo kami kung sakali. Pag natalo kasi may isa pang Activity. Ayoko na pagod na ko.

"Hala hanapin natin."-Sungit

"Oo nga sayang yung points"Emilyn

"Kesa mag drama tayo dito tignan nalang natin kung saan tayo huling nagpunta"-Renalyn

Buti pa to may nasasabing tama kesa sa Galvez na yun. Ayy teka nga, bat ko ba siya iniisip. Wala naman akong paki sa kanya.

"Uhm sino ba yung may hawak dun sa Puppy?"-Nicko

Shit. Ako pala. Yari na.

"Si Bakla"-Sungit

Bakla daw ako? Sa pogi kong to. Hays.

"Ha? Ah eh-"

"See? Siya yung may kasalanan kaya siya yung maghanap."-Galvez

Maasar nga to para makaganti man lang.

"Tama Gabe ikaw na ang maghanap."-Emilyn

Ngumisi sakin si Sungit. Well ako ang magwawagi ngayon.

"Sige payag na ko. Aba samahan mo naman ako oh. Partner naman tayo diba? Pleaaase?" Nagpaawa pa ko nyan

"Anong Aba? Excuse me ang tumatawag lang sakin nyan ay yung close ko. Kaya wag mo kong tawaging Aba. Tsaka ako ba yung may kasalanan kung bakit nawala yun, hindi naman ah. Bahala ka maghanap mag isa mo"

"Sige na Aba samahan mo na siya, tsaka nakaposas pa kayo mamaya pa yan matatanggal. 3 hrs ang Duration nyan."-Nicko

"Oo nga"-Emilyn&Renalyn.

No choice na yan hahaha.

"WHAT?! 3 HRS? NO WAY. I'M GONNA DIE. AS IF I HAVE ANY CHOICE."

"TARA NA NGA BAKLA. BAGAL MO!"

"Okay Ms. Sungit. Lalalala~" napakanta pa ko para lang asarin sya.

"Bwisit talaga"

Hahahahaha nakakatawa siya. Ewan ko ba kung bat gustong gusto ko siyang asarin. Siguro pikon kasi siya. Tama pikon siya ansarap asarin.

"Oh ano yan?"

"Pagkain, ano pa nga ba."

"Kakainin mo?"

"Hindi ipapakain ko sa kalahi mo"

Huh kalahi? Sa poging katulad ko rin? Ako lang kaya pogi sa mundo.

"Ako lang ang Pogi wala ng iba. Anong kalahi?"

"Kalahi mong aso Hahahahahahahahaha" Parang katapusan na ng mundo kung makatawa eh.

"Akin na nga yan!"

"Hala bat mo kinain. Ang epal mo talaga." Bakit tumatawa pa din siya imbis na magalit.

"Yung palaman nyan may halong dog food. Hahahahahahahahaha" tawa na naman siya. Maluha luha na siya. Ako naman niluwa lahat ng nakain ko. Masuka suka ako dun ew. Ang poging katulad ko nakakain ng Dog food. Parang gusto ko ng masuka sa sobrang diri.

Biglang tumigil sa pagtawa yung masungit tapos biglang beastmode.

"Oh bakit naging ganyan itsura mo?"

"Paki mo?"

"Nagtatanong lang naman. Sagutin mo na nga lang!"

"Ano ba yung tanong?"

"Bat ba kasi nakatulala ka tapos pag nagtanong di mo alam ganyan ka ba palagi kahit sa room habang nagdi--"

"Pwede bang sabihin mo nalang yung tanong? Andaming dada e."

"Sabi ko Bat naging ganyan yung itsura mo. Naiinggit ka ba sa magnanay kanina na nakita mo kaya ka nagkaganyan? Uyy aminin"
"Oo." Nakayuko nyang sabi.

Seryoso siya? Pinagtripan ko pa hays wrong move.

"Paanong nangya--"

"Tara na ayun yung aso oh."

Tinuro nya yung isang puno at nakatali dun yung aso.

"Ay oo nga tara na, medyo matagal na din tayong naghanap baka hinahanap na nila tayo."

Alam ko na andun yung aso pero hindi sa mismong punong yun. Dun sa katabi. Sure ako kasi nilagyan ko yun ng sign na WAG PAKIALAMANAN. Panong nangyaring nalipat yun sa kabila. Hayaan na nga atleast walang kumuha. Bakit ko iniwan? Secret hahaha.

"Tara na" malungkot nyang pagyaya.

Hindi ako sanay ng hindi to nagsusungit. May problema ata to eh.

****

"Oh bat ang tagal nyo?"

"Uy kayo ha nagdate pa ata kayo eh yieeeee."

"Guys tama na. Dalawa nalang yung group na hindi pa nachecheck. Tayo and sila"

Buti nalang andito si Nicko. Laging saviour eh hahaha.

"Okay. For the last group, please come infront."

Pumunta na kami sa harapan at nagsimula na silang magbilang and guess what? Tinutukso pa kami dahil sa mga nakuha namin. -_-

"Okay ganto ang mangyayari. Since meron lang tayong 5 groups and walang nag tie sa mga nakolekta nyong mga bagay, magkakaron ang lahat ng chance na makapili para sa next activity natin next week pero syempre except sa pinaka-konting bilang ng nakuha para fair."

Ano ba yan may next pa. Tss.

"Ang may pinakamataas na rank ang siyang may pagkakataon na unang pumili ng Activity."

"Ang mga nakalagay diyan ang pwedeng mapili"

SPORTS
MIND ACTIVITIES
MARTIAL ARTS
THEATRICAL ACTIVITIES

FOR THE LOWEST GROUP:
ALL IN.

Rank 1: Group 3
Total points: 125
Next Activity: Sports

Antatangkad ng mga to. Kaya pala Sports pinili nila. Sporty ata.

Bawat gamit daw na makuha equivalent sa 5 points, ang iba naman ay ten points.

Rank 2: Group 4
Total points: 110
Next Activity: Martial Arts

Akalain mo yun. Pangalawa pa tong maliliit na to tsaka small but terrible ata to eh. Mahirap palang kalabanin to haha.

Rank 3: Group 1
Total points: 95
Next Activity: Mind Activities

No doubt. Mukhang mga nerd tong mga to eh.

Teka baka pang apat kami. Tama pang apat kami. Ayoko namang gawin lahat yan. Hirap kaya.

Rank 4: Group 2
Total points: 75
Next Activity: Theatrical Activities

Oh teka teka. Group 5 kami ah. Bat group 4 yung nanalo? It can't be. Nooooooo.

Nakita ko yung mga mukha nila. Iritang irita. Maliban kay Nicko at Aba. Blangko lang yung emosyon nila. Si Nicko natural lang pero si Aba hindi. May problema talaga to eh. Ako lang ba yung nakakapansin oh hindi?

"Bff are you okay?" Tanong ni Emilyn

Okay binabawi ko na, hindi lang pala ako.

"Hey!" Sinigawan na siya ni Emilyn pano kasi nakatulala.

"Ha ano yun?"

"Wala ka ata sa sarili mo. May problema ka ba?"

"Wa-wala. Okay lang ako."

Tignan mo to. Tinanong lang kung may problema, sumagot pa na Okay siya. May problema nga.

"Ahh guys. Tayo yung talo."

Pagchange ko ng topic. Ano kayang mangyayari samin next week. Kelangan ng practice neto. Pero kelangan din ng makakausap ni Aba.

Ano kayang tinatago nya? Napakabigat siguro ng dinadala niya. Malalaman ko din yan. Ako pa ba. Ako ata ang pinakapoging nilalang sa mundo.

Tinatanong niyo kung anong connect? Syempre Pogi ako.


Simplicity High: Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon