Chapter 3: Start of Something New

15 1 0
                                    

Aba's P.o.V.

Gising na cute na prinsesa
Gising na cute na prinsesa
Gising na cute na prinsesa..

Unat unat. Mulat mata. Patay ng Alarm Clock (tama alarm clock ko yun). Tingin sa orasan.

4:15am. Waaaaahh. First day of school pala ngayon. I'm so excited. Matawagan nga si bestfriend.

Dial 0912*******
Ring... ring.... ring....
"Hello?"
"Goodmorning Bestfrieeeeeenddd. Bangon na at maaga tayong papasok. I'm so excited."-me
"Obvious naman na excited ka eh hahaha sge na mag aayos na ko. See yah. Iloveyou 😘"

End call..

Sweet ng bestfriend ko no? hahaha ganun talaga lablab ako nyan eh.

Pagtapos ko gawin lahat ng dapat gawin nagpaalam na ako at naglakad na.

Kung tinatanong niyo ang nangyari kahapon ganito yun.

Flashback

"Uhm guys we have to go na."-bff sabay hila sakin.

"You're so mean naman kanina Bff bat ba parang nawala ka bigla sa mood?" Worried na tanong nya.

"Ah wala to. Nakakainis kasi sila eh. Feeling close." Inis na sabi ko. Wala naman silang ginawa sakin, hindi ko lang talaga alam kung bat naiinis ako.

"Ah ganun ba. Sge uwi na tayo :)"

"Sige." -ako

End of flashback

Hulaan nyo kung bakit ako naiinis? Hindi ako selos ha. Sabi kasi nila pag naiinis ka ng di alam ang dahilan selos daw yun. Pero ako? Hindi. First day ko lang naman. Oh diba kaloka. Buti di ako natagusan kundi ayoko nang pumasok sa school na yun.😭

Pasakay na ko ng tricycle ng makita ko yung lalaking fc kahapon. Nakalimutan ko name nya e tsaka wala akong pakialam.

Nicko's P.o.V.
Ako nga pala si Nicko Vistal :) 15 years old. (Nagpakilala lang para alam nyo haha)

Pasakay na ko ng tricycle nang makita ko yung babaeng masungit kahapon. Gusto ko lang naman makipag kaibigan. Dati kasi lagi akong binubully at walang friends kaya ayun.

"Hi, diba ikaw yung girl sa cafeteria kahapon?" Sabi ko. I'm trying to be nice para magkaron ng friends kahit masungit sya.

"Anong paki ko?" Sabi nya.

Hays. Sungit talaga. Pero bahala na. Sumakay na sya ng tricycle. Isa nalang yung vacant kaya sumakay na ko. Baka malate pa kami no.

"Uhm ate anong name mo?" Sabi ko

Di sya sumagot. Kaya tinanong ko ulit.

"Alam mo ang ganda mo sana, kaya lang masungit ka." Pabiro kong sabi.

"Ano bang problema mo?" Naiirita nyang sabi.

"Gusto ko lang malaman ang pangalan mo para maging magkaibigan na din tayo :)"

"MARIA ANGELA! OKAY NA BA? PWEDE KA NA BANG MANAHIMIK? Ang aga aga sinisira yung umaga ko."

Imbis na mainis ako natuwa pa ko sa kanya haha masyado kasi syang prangka. Mas maganda yung ganun kesa sa plastic diba. Ew so gay. Plastic -_-

Bumaba na agad sya pagkarating namin sa tapat ng school. Syempre nagbayad kami no. Nakita kong nilapitan nya yung kasama nya kahapon. Inantay siguro sya nun. Sana may friend na din ako. Ang cute talaga nya. Emilyn ata name nya. Mukha pang mabait. Opposite sila ng friend nya.

Simplicity High: Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon