Lumapit si Kevin sa guard
"Pahiram naman ng motor, ipapasaoli ko nalang mamaya" tanong ni Kevin dun sa guard. Nakatayo lang ako sa likod nya, di ako makagalaw sa paa..xD nakita ko color violet na yung daliri ko T_T
6pm na non, sigurado ako gagabihin nanaman ako nito T_T
Ayun, inangkas nya ko sa bike dun sa likod tapos pinaandar na nya, ang lamig lamig grabe >.< di ko napigilan machatchoo!!
"HATCHOO!!" grabe! di naman malakas yon pero gumewang kami >.<
"wag ka nga magulo, baka sumemplang tayo" napatingala ako sa kanya kase mababa yung upuan sa likod tapos hinahawakan ko yung ilong ko, makate e..XD hahaha
Nakarating na kami sa bahay nila ^__^
Ayun ganun parin. Nakikita ko lang yung ilang maid tapos yung guard ata nila sa gate?
"paki balik sa guard house to" utos nya dun sa naggugupit ng halaman nila,
grabe wah >.< gabing gabi na naggugupit pa ng halaman
Inalalayan parin naman nya ko hanggang sa makaupo ako sa sala nila tapos umakyat sya sa taas ng bahay nila. Pagbaba eh nagpalit pala ng damit..xD tapos umalis ulit, kumuha sya ng ice bag.
"oh lagay mo sa paa mo" hah? pano? eh di ko nga maabot eh nahihirapan ako ibaluktot nakapalda ako eh ang palda namin taas ng tuhod ang ikli..xD
"di ko abot"
tumingin sya sakin ng masama tapos umirap "tss" TT_TT
kinuha nya bigla ang paa ko tapos pinatong nya sa kanyang legs =)) at ayun nilagay nya yung ice bag.
Wow ^___^ ang sarap sa paa, feeling ko nawawala yung stress kanina. Tinignan ko sya, nakatingin lang sya sa paa ko habang minamasahe nya ng ice bag..xD
Lumingon sya pero di sa mukha ko, parang.... sa legs ko? >.<
"Hoy!" tinawag ko sya, tapos tumingin naman sakin >.<
"ano?" mahina ang boses nya
"wag mo nga tignan ang legs ko, nakakaakit yan" BWAHAAHHAHAHAHHAHA XD
O_O nanglake ang mata >.< loko ata eh ang kinis ko kaya! >:)))
"asa ka naman, baket nung tinignan ko di naman" umirap pa si loko >.<
"eh baket mo tinitignan?!" hamon ko sa kanya! kala mo naman wah!
"ang panget kase ng binti mo, parang binti ng lalake"
grabe wah! pintasero talaga! kanina height ko! ngayon binti ko?! asa pa sya eh ang ganda ganda ng binti ko! >.<
"umayos ka nga!" ginalaw ko ang paa ko ng pasipa tapos nalaglag yung ice bag..xD tumingin lang sya ng masama tapos kinuha na. hahahaha
"hoy" nagkatinginan kami, anu nanaman kaya sasabihin nya >.<
"close ba tayo para ganyanin mo ko?" O_O
"ayan, ikaw na mag-ayos ng paa mo" bigla ba naman ba ibato sakin ang ice bag! tapos tinabig yung paa ko >.<
"Ano ba?! ang sama mo talaga!" no choice ako T_T kaylangan taas ang tuhod para abutin ang paa ko >.<
"wag kang titingin" sabi ko sa kanya para di makita.
"asa naman" umalis sya bigla tapos pagbalik may bitbit na juice ^__^ dalawang baso na! hahahaa level up si gago.
"uminom ka muna, tapos maghugas ka ng kamay, mabaho paa mo" TT_TT sira ulo! di naman!