raduation na... wala na kaming klase, puro graduation practice nalang... madalas kaming nagkakasama ni Kevin sa school, dahil nga sa parehas kaming 4th year, dun sila sa bandang unahan nakaupo..xD tapos kami naman nasa dulo :)) anu ba naman kase yung section F? xD
Nagsspeech na yung principal ng school, grabe ang haba..xD nandito rin si mama, papa at si Hanna, sumama sya syempre..xD tapos yung magkapatid nandun sa harapan, tapos si France, ako at si Pia..
ang sarap ng feeling na graduated ka na ^__^ pero after nito di na ko mag-aaral... saka na kapag makakakita na ko^_^ ako ulit bahala sa pag-aaral ko.
"Yumi di ka ba inaantok?" bulong sakin ni France.. tabi kasi kami.xD
"hindi naman maxado.. baket?" tanong ko
"tignan mo sa likod si Pia, tulog na! ahihiih" pigil na tawa ni France... bruha to ah,.xD tignan daw :))
"baliw! batukan kaya kita para makatulog ka?!"
"ay.. oo nga pala, sorry naman! sa tagal natin nagkasama sama eh nasanay na talaga ako"
"alam ko naman yun e, dont worry kapag nakakakita na ko babawian kita :))"
"ssshhhh" epal ng katabi ni France na classmate namin >.<
yung class president kaya mahigpit Nakinig na ulit kami.. ang tagal iabot ng diplomas..xD isa pang speech para sa school guidance, maryosep..xD baket ba ang graduation pinatatagal ng dahil sa speech eh ikekwento lang naman nila ang buhay nila >.<
Maya maya pa ayun! abutan na ng diploma..xD kasama yung mga parents na pupunta sa stage^__^ ang papa sasama sakin paakyat ng stage... galing no?! ngayun ko lang makakasama tong pogi kong tatay..xD
"papa, wag ka nerbyosin hah, wala akong award" biro ko sa kanya..xD
"nakakatuwa nga anak e, nakatapos ka dito sa mamahaling paaralan na to, wala ka manlang nakuhang mayaman na magpapakasal sayo" bigla ko kinabig si papa! loko to wa >.<
"papa! di naman yun yung habol ko dito e!"
"eh ano? wala ka namang award"
"tss. yaan mo na nga!" Nagsimula na ang pag-akyat ng mga section A ^__^
"Yumi Yumi, si Troy na" bigla akong kinalabit ni France mula sa likod ko
"Troy Lopez, best in Math and Science" tapos marami pang sinasabi yung M.C.
"kasama ni Troy yung mama yata nila, ang ganda ganda ng mama nila Yumi!"
"Talaga?" yun lang sagot ko..xD sayang di ko makita T_T gusto ko pa mandin makita talaga >.<
"anak boyfriend mo ba yung tinutukoy nitong kaybigan mo?" biglang epal ni papa >.<
"hindi papa wa! kaybigan lang namin yun sa section A!" defence defence..xD
"yan po tito ang boyfriend ni Yumi" biglang tawag ni France sa papa ko >.<
"Kevin Lopez, varsity...." ganyan ganyan >.< umakyat na si Kevin sa stage sabi ni France >.<
"Anak yan ang boyfriend mo?!" gulat na gulat pa boses ni papa >.<
"aba anak mukhang mayaman! ang gwapo gwapo pa o?? ha! ha! ha!" tuwang tuwa pa nyang dugtong -_-
"papa! di ko po yan boyfriend! niloloko lang kayo ni France! >.<"
"hindi po tito, alam nyo po bang nagpupunta yan sa bahay ninyo?!" epal ni France sya nga naman!
"papa! hindi ko po yan boyfriend >.<"
"aba anak ipakilala mo naman ako ^__^ sakto kasama nila ang papa nya kaya mapapag-usapan na ang kasal nyo"