Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi ni Mayu TT_TT
mali pala yung naging disisyon ko na ilihim sa kanya yung tungkol samin
inakala kong magiging Ok lalo ang lahat kung hindi nya malalaman... para hindi na sya masaktan >.<
kaso mali ako TT_TT pesteng utak to san ko ba nakuha? >.<
Pag gising ko kinaumagahan naabutan kong nilalagay ni Mayu sa maleta nya yung mga damit nya
hindi ako makapagsalita habang nag-eempake sya >.<
"Mayu.... hindi ko naman talaga sinasadya na hindi ipaalam sayo e... ang iniisip ko kase kung malalaman mo, makakaapekto sa relasyon nyo ni Kevin..." nakatayo lang ako sa likod nya >.<
"tama na Yumi... ayoko ng makinig sayo"
sinarado na nya ang maleta nya saka sya lumabas ng kwarto -___-
Pagpasok ko sa school nakita kaagad ako ni Kevin >.<
nakatayo lang sya dun sa gilid tapat ng main gate
bigla nya ko nilapitan
"Yumi..."
"ano bang kaylangan mo?!" binilisan ko ang lakad ko >.< ayokong may makakita pa saming iba
"Yumi mag-usap nga muna tayo"
"Kevin hindi ako ang dapat mong kausapin! si Mayu...... sya ang girlfriend mo.... kaya sa kanya ka makipag-ayos" binilisan ko pa lalo ang lakad ko >.<
lalo naman nya kong hinahabol >.<
"Yumi ano ba?! pwede bang ayusin muna natin to?!" hinawakan nya ko bigla sa braso para tumigil ako sa paglakad >.< sumisigaw na sya
"Kevin wala na tayong dapat ayusin!! kayo! kayo ni Mayu ang dapat mag-ayos.... ayokong masaktan yung kaybigan ko ng dahil sa kalokohan natin..." pagkasabi ko nun naglakad na ko palayo sa kanya
"KALOKOHAN?!" napahinto ako dahil sumigaw sya >.<
nararamdaman ko lumalapit na sya sakin
bigla nya ko hinitak paharap sa kanya
"kalokohan lang tingin mo?!! ALAM MO BA KUNG PANO NASIRA ANG BUHAY KO NUNG INIWAN MO KO?!" sumisigaw na sya >.<
"anong iniwan?! sino ba ang nang-iwan satin?! diba ikaw?!! tapos ako sisisihin mo sa pagkasira ng buhay mo?!" sumigaw na rin ako >.< nakakainis na eh! naglakad na ko ulit at hinila nanaman nya ko
"Yun naman talaga ang nangyare ah?! basahin mo man yung mga p***ng**ang email mo sakin!!! sinong hindi masisiraan ng bait sa mga pinagsasasabi mo?!"
"ako?!!! email?! eh ang mga sinasabi ko lang naman sayo eh bakit hindi ka nagmemessage! lagi kako kita hinihintay!!" sagot ko ng pasigaw >.<
"hinihintay?! eh eh ang nilalaman ng email mo eh kalimutan na kita?! wala ka ng pakialam sakin?! nakahanap ka na ng iba?! ayaw mo na kong maalala o makita!"
"wala akong sinasabe ng ganyan! wag mo nga akong binabaligtad?! ikaw tong nagmessage sakin ng mga ganyan eh! may sulat ka pa nga! gusto mo ng pruweba?! (binuksan ko ang bag ko at kinuha yung wallet ko, nilabas ko yung letter nya at sinampal ko sa mukha nya >.<) Ayan!!! basahin mo!!! at tignan mo kung sino talaga ang naglolokohan!!" pagkagawa ko nun naglakad na agad ako palayo >.< alam ko binuksan nya agad yung sulat
"Yumi!!!" tinatawag nya ko >.<
grabe pinagtitinginan na kami ng mga tao >.<
tumatakbo na sya saka nya ko nilapitan