Chapter 45:

2K 26 1
                                    

Hindi na ko makapagsalita noong sumigaw na sya... para akong talking doll na tinanggalan ng batirya

"sige.. titigil na ko" yun nalang ang nasabi ko.. hindi na ko nakatingin sa kanya kasabay ng pagpatak ng luha ko

"Yumi?"

"hinde... hayaan mo na, pwede bang lumabas ka muna? gusto ko lang mapag-isa.."

"hindi ako lalabas dito" sagot nya agad sakin

"lumabas ka naaa" mahinahon pa yan  ah?

"ayoko" lalo pa syang lumapit sakin tapos hinawakan nya ang kamay ko

"lumabas ka na sinabe!!!" sumigaw na ko sa inis TT_TT

"LABASS!!! lumabas ka na!!!"  nagwawala na talaga ko TT_TT tapos sya pilit kinukuha ang dalawa kong kamay

bigla nya kong niyakap ng mahigpit

"hindi ko na alam ang sasabihin ko pero ayokong mawala ka.... hindi ko naman talaga ginustong mangyare yun eh., kahit anong paliwanag ko ayaw mong makinig sakin pero Yumi?! alam mo naman diba?! na mahal kita?!! tama na please..."  narinig ko sa boses nya na umiiyak na sya kaya napatigil ako sa pagwawa

"hindi ko akalaing magagawa mong magtago sakin.." bulong ko sa kanya

lalong humigpit ang yakap nya sakin ng gabing yon... pero lalo lang sumasakit T_T

2 days ago

2 days na rin akong hindi nakikipagkita kay Kevin.... gusto kong mag move on about dun sa nangyare, maxadong masakit para sakin e, hindi ko pa sya kayang kausapin kung ganon

papasok palang ako sa room nakatayo na sa pinto si Derek

nakatingin lang ako sa kanya

"akala ko di ka nanaman papasok e" pagkasabi nya non pumasok na sya sa loob ng room

pumasok na rin ako

Habang nagkaklase kami bigla syang tumabi sakin

napatingin ako sa kanya

"ok ka lang?" tanong nya sakin

"hah? bakit?" sagot ko

"wala... stress na stress yang ichura mo, ang panget mo" >.<

"pwede ba wag mo kong asarin -_-" sagot ko sa kanya

"kamusta na nga pala kayo ni Kevin?" tanong nya sakin pero di sya nakatingin sakin

"no comment muna ko sa mga ganyang bagay" sagot ko

"huh? ang arte mo eh no? ano? ok ba kayo o hinde?" tanong pa nya >.<

tumingin na ko sa kanya ng masama nakakapikon e -_-

"hinde kami ok.. ok ka na?!" sagot ko para manahimik na

"ano ba dahilan at nagpakawala wala ka?" tanong pa nya

"nagsinungaling sya sakin.. may tinago sya sakin tungkol sa kanilang dalawa ni Via.. sinong girlfriend ang di magagalit" sagot ko pa with seryosong mukha..xD

"mainam ng nalaman mo na agad.. kesa kapag kasal na kayo, sigurado wala ka ng kawala nun" sabi pa nya sakin

"ikaw kaya?! yung inaakala mong di ka pagtataguan biglang nagtago sayo? yung bagay pa na pinakaayaw mo? ano tingin mo?" tanong ko sa kanya >.<

"depende yun kung may pakialam ako sa tao.." sagot nya

"pano kung may pakialam ka?" tanong ko pa..xD

"wala ka naman kaninang sinabi kung may pakialam ah?" sagot nya -_-

"pano nga eh diba? ayan na o?" tanong ko

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon