Pagdilat ko nakita nakita ko nasa isang kwarto na ko >.<
walang tao dito kundi ako lang, eh malabo pa paningin ko T_T
Maya maya pa may pumasok na sa kwarto ko, malabo ang visual ko sa kanya... si Kevin ba yun?? alam ko sya nagdala sakin dito e....
"Kevin?" tanong ko sa kanya habang inaaninaw ko sya papalapit saakin
"Ako to......... si Troy" nagulat ako >.< si Troy pala.. buong akala ko si Kevin ang nagdala sakin dito, parang nakaramdam pa ko ng konting dissapointment..xD
"a--anong nangyare?" tanong ko sa kanya
"nag colaps ka lang naman... kamusta na pakiramdam mo?" tanong nya sakin
Napakahawak ako sa noo ko tapos sumagot ako
"ok na rin naman ako, malabo lang yung paningin ko?"
"Kelan pa ba lumalabo yan?" tanong pa nya
"hah? (nag-isip pa ko) alam ko matagal na e"
"pinacheck up mo na ba yan noon?"
nayuko ako...xD
"hindi e, sabi ni mama sa init lang daw to"
"aah, ganon ba?^_^ papunta na nga pala ang mama mo dito"
tumango lang ako sa kanya
"sige ^__^" naramdaman ko pinatong nya yung kamay nya sa kamay ko... napatingin ako sa kanya
"Yumi...." seryoso ang mukha nya kahit mejo malabo.. napakunot noo ako..xD
"baket?"
ang tagal nya bago sumagot..xD
huminga sya ng malalim
"matulog ka na ulit, sabi ng doctor pagod ka daw kase lagi kaya lumalabo ang mata mo"
ngumiti sya sakin haya humiga na rin ako..xD
Inayos nya yung kumot ko tapos hinalikan nya ko sa noo...
"Troy anong oras na?"
tumingin sya sa relo nya
"10:45 na, matulog ka na ^_^"
"Troy diba may prom? di ka na nakapunta don"
nginitian lang nya ko
"ok lang... atlis ok ka na"
"magpahinga ka na rin^__^" sabi ko sa kanya
"oo, may aayusin lang ako sa labas tapos babalik na rin ako kagad"
naglakad na sya palabas ng kwarto ko, pumikit na rin ako
--------------------
Troy's POV
--------------------
Paglabas ko ng kwarto nya, napasandal na kagad ako sa dingding >.<
ang hirap... pakiramdam ko di ako makahinga...
tumingala ako saka pumikit, hindi ko alam kung pano ko ipapaalam sa kanya kung ano ang sitwasyon nya....
Pununtahan ko ang doctor nya
"Troy, anong sabi ng pasyente?" tanong nya sakin
"matagal na daw ang paglabo ng mata nya... pero hindi ko sinabe sa kanya yung tungkol sa sakit nya"
nakayuko lang ako habang kausap ko sya
"pero may karapatan ang pasyente na malaman ang sitwasyon nya.. lalo pa ngayong malala na ang Glaucoma nya, walang nakakaalam kung kelan tuluyang mawawala ang paningin nya..."