"eh pano na pag-aaral natin?" tanong ko pa sa kanya
"ade... mag-aaral parin" sagot nya
napaisip ako..xD wala naman kase talaga akong pinagsisisihan kase mahal ko naman sya e, ang iniisip ko lang yung mangyayari pagkatapos nito
Napatingin sya sakin
"natatakot ka ba?" biglang tanong nya sakin
"hindi naman" sagot ko... relax lang naman talaga ako e..xD
bigla nya ako hinalikan sa noo
"wag kang matakot.. di naman kita pababayaan eh"
nangiti ako sa sagot nya.. im so happy..xD
lalo kong naramdaman na mahal talaga nya ko
1 week ago
grabe boring TT_TT
wala tuloy akong kasabay pag papasok >.< isang text lang din natanggap kong text galing kay Kevin
Kevin= goodmorning mahal! ingat pagpasok, dito na ko sa office, dont worry mabaet to, iloveyou!
ay nakakainis!! lalo nat nandun pa yung Via na yun T_T
"oy Yumi !"
napalingon ako sa likod ko... si Colleen pala
"bakit parang latang lata ka?" tanong nya sakin
"wala naman.. stress lang T_T" sagot ko sa kanya
"oy malapit na Christmas vacation, anong plano mo?" tanong nya sakin
Ano nga bang plano namin? bakasyon? san naman ako magbabakasyon dito? T_T
"Yumi?! tignan mo oh?! si Derrek!" tinuro nya sakin tas napatakbo kami palapit kay Derrek >.<
May binubugbog syang lalake!
"Derrek tigil mo nga yan!" sigaw ko sa kanya mula sa gilid nya
di nakikinig si loko T_T
nilapitan ko sya saka ko sya inaawat, hinahawakan ko ko sya sa braso pero ang lakad nya
"Tama na nga sabe!!!!" sigaw ko, as in sigaw na sigaw..xD
Parang nagstop dance silang lahat tas tumigil ang music...
"itigil mo nato" sabi ko pa kay Derrek habang tahimik ang lahat
"bakit ka nakikialam" hingal nyang sagot sakin pero hindi sya tumitingin sakin
"anong nakikialam? eh halos mabasag mo nga tong mukha ng lalakeng to e" sagot ko sa kanya, pero medyo malakas
"hindi mo ba alam ginawa ng gagong yan?" tanong nya sakin
Napatingin ako dito sa lalakeng to
"ano?" tanong ko kay Derrek
"tumabi ka dyan" saka sya naglakad papalapit dun sa lalake at hinawi ako
"please!! please!! hindi ko na uulitin! parang awa mo na!!!!!" sigaw ng lalake habang gumagapang papalayo kay Derrek
"Derrek tama na nga!! di mo ba nakikita?! di na nga sya makagalaw eh!!" humarang ulit ako para pigilan sya
"pinagtatanggol mo yung lalakeng yan?!! eh kinakalat ng gagong yan na....." hindi natuloy ni Derrek ang sasabihin nya... parang naalangan sya
"ano?" tanong ko sa kanya
hindi sya kumikibo
"ano?!" tanong ko pa