[Zach's POV]
Tama nga sila. Mula ng mawala ako, nawala na rin ang mga alaala nya. Mababalik pa kaya lahat? Lahat ng pinagsamahan namin?Lahat ng kulitan, asaran at lambingan namin?
Noon.
Maibabalik ko pa ba ang dating Chloe? Ang babaeng mahal na mahal ko? Ang babaeng nagpasaya sakin noon? Ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang patawanin ako? Hindi ko alam.........at walang nakakaalam..
4 years ago...
Nakipagkita ako kay Chloe sa isang restaurant. After 1 week pagka-uwi ko galing America.
1 week akong hindi nakipagkita sakanya dahil inayos at hinanda ko ang sarili ko.Habang naglalakad ako papasok ng restaurant, nakita ko kaagad si Chloe. Nakangiti. Mami-miss ko yan Chloe. Mamimiss kita.
"Oh my God! I miss you so much Zach!" Niyakap agad nya ko at hinalikan sa pisngi. Gusto kong ngumiti ng malapad, pero hindi ko ginawa. Mawawala rin naman kasi ang ngiting iyon mamaya.
Tinignan ko sya ng walang emosyon. At nagbago naman ang ekspresyon nya. Nalungkot sya bigla.
I'm sorry Chloe, but I need to do this.
"Ahh, Let's sit?" Pinaghila ko sya ng upuan. At bumalik rin ulit ang ngiti sa labi nya.
1 minute.
5 minutes.
10 minutes.....
Walang nagsasalita ni isa sa amin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tinignan ko si Chloe, at nahuli ko naman syang nakatingin sa akin. Wala ni isa sa aming dalawa ang umiwas ng tingin. Pero maya- maya pa ay binasag nya na ang katahimikan.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit meets Mr. Yabang
RandomAno kaya ang mangyayari kung magtagpo ang landas ng dalawang taong magkaiba ang personalidad? Si Mr. Yabang, na akala mo ay may sariling aircon sa katawan dahil sa hangin? At Si Ms. Sungit na akala mo ay araw-araw nasa red days? Magawa pa kaya silan...