Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng maghiwalay kami ni Chloe. Sobrang hirap. Ang sakit. Lagi akong nakakulong sa kwarto. Binabasag lahat ng mahawakan ko. Umiinom ng sandamakmak na alak. Pero wala akong pakialam!
"Zach! What are you doing?!" pumasok si Mommy sa kwarto ko at agad akong niyakap.
Eto na naman sya. Tumutulo na naman. Luha, kelan ka ba titigil ha?!
"Mommy, ang sakit sakit. Ayoko syang mawala sakin. Mahal na mahal ko sya pero bakit? Bakit bakit?!!!!" sigaw ko habang patuloy na nagwawala habang yakap si Mommy.
Sige luha, tulo pa, tulo pa, ang sakit sakit na.
'Tama na' 'tama na'. sabi naman ng puso ko."Everything will be alright anak. Everything will be alright." umiiyak na pag alo sa akin ni Mommy habang yakap ako.
"Kelan ba maaayos ma?! Ang sakit sakit na kasi! Hindi ko na kaya! Mamatay na ko!" bumitiw ako sa yakap ni Mommy at agad na tinapon ang nahawakan ko. Pero bigla akong napatigil ng makita ko ang tinapon ko....... picture frame.
Kinuha ko ito at tinignan. Basag na basag na. Sirang sira na.
Ang saya saya namin dito ni Chloe. Naka peace sign sya at nakangiti ng malapad. Ako naman hinalikan sya sa pisngi. Tumulo ulit ang luha ko ng sunod sunod.
Pota! Ano ba?! Kelan ba matatapos tooo?!!!
"Mommy, iwan mo muna ko"
"But--"
"Please. Please."
"Okay."
Narinig ko na ang pagsara ng pintuan sa kwarto ko, lumabas na si Mommy.
"Mapapatawad mo pa ba ko? Chloe? Mamahalin mo pa ba ko? Kasi ako mahal na mahal kita. Sobra pa sa sobra. *sniff*"
--"ZACHHH! COME DOWN! ANDITO NA SI ALICIA!" narinig kong sigaw ni Daddy galing sa baba.
Ano na naman bang gagawin dito ng babaeng yun?! Bumaba rin ako habang suot ang walang ekspresyong mukha. Hindi ko mahal ang babaeng iyan.
"What now?" umupo ako sa sofa at pumikit. Nakaupo na rin sila Mommy, Daddy at Alicia.
"Since malapit na ang kasal nyo, napag usapan namin na sa IGNAZIO DE CARMELA HOTEL ang venue. It's our own hotel naman kaya mas engrande. Ano ag gusto nyo i suggest?" sabi ni Daddy.
Kasal kasal. Tss.
"Uhm. Tito, san po ang church na pagkakasalan samin ni babe?" Rinig kong sambit ni Alicia at naramdaman ko nalang na umupo sya sa tabi ko. At hinawakan ako sa braso.
"Bitawan mo nga ako! Mukhang kang linta! Walang kasal na magaganap! " marahas kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko at agad na umakyat sa hagdan. Pero napatigil ako ng magsalita si Alicia.
"Sige Zach. Pumili ka, magpapakasal ka sa akin o uutusan ko si Daddy na patayin ang pinakamamahal mong Chloe? Tandaan mo Zach, mafia ang Daddy ko. Huh." malokong sambit ni Alicia 'THE BRUHA'.
Tinignan ko sya ng masama.
"Subukan mo lang." nanginginig na sabi ko at umakyat na sa kwarto.
Ang babaeng iyon ay si Alicia Kaith Hermosa. At sya rin ang babaeng ipinagkasundong ipakasal sa akin.
Hindi ko sya kilala. Sabi lang ng mga magulang ko, mayaman sila. At isang mafia boss ang tatay nya. Nakakainis.Sya rin ang dahilan kung bakit nagawa kong hiwalayan ang pinakamamahal kong si Chloe. Matagal na palang may gusto sa akin ang babaeng iyon hanggang sa punto na pinilit nya ang tatay nya na ipakasal ako sakanya. Sa totoo, ayaw din ni mommy sakanya. Maarte kasi ang babaeng iyon. Tss. Malandi pa! At ayun nga, sa una hindi pumayag si Mommy pero si Daddy oo kasi maganda at mayaman naman daw sila. Inis na inis ako nun. Todo tanggi ako. Pero pinagbantaan ako ng tatay nya....
Papatayin nya daw si Chloe pag hindi ko pinakasalan si Alicia. Galit na galit ako sakanya noon, lalo na sa tatay nya. Halos saktan ko na nga sya e, pero nagpigil ako. Kasi mula noong muntik ko ng masaktan si Alicia, may mga death threats na dumadating araw araw kay Chloe. Muntik na syang sagasaan ng kotse. May kutsilyong nilagay sa kama nya na puno ng dugo tapos may nakasulat na..
'IWAN MO NA SYA, BAGO PA KITA PATAYIN'
Mas nagalit ako. Pero wala rin akong nagawa kaya pumunta ako sa America. Pagbalik ko sa Pilipinas, pumayag na akong magpakasal kay Alicia. Isang linggo kong hinanda ang sarili ko sa pag uusap namin ni Chloe. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Takot, kaba, sakit, lungkot at lahat!
Kaya lagi akong umiiyak kasi naaalala ko lahat ng masasayang alaala namin ni Chloe. Naghiwalay kami pero hindi natuloy ang kasal. Lagi kasing nakikita ni Alicia na nasasaktan ako, kaya sya na ang bumitaw sa akin. Sobrang pasasalama5 ang ibinigay ko sakanya noon. Kasi Hanggang ngayon, mahal ko pa rin si Chloe. Mahal na mahal ko pa rin sya. At hindi magbabago yun.
-End of Flashback-
Habang naaalala ko ang mga nangyari dati, naiiiyak ako. Pero inalis ko muna yun sa isip ko. Si Chloe muna.
Kinausap ko rin si Jhaycee at Kate na magpanggap na hindi ako kilala at walang nangyari sa nakaraan. Gusto ko kasing si Chloe mismo ang makaalala. Hindi ko alam ang buong pangyayari pero nagkaroon ng AMNESIA si Chloe, car accident. Yun ang dahilan. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sakanya kaya sana.... sana.... makaalala na sya.
---
"ZACH! " napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Yup?" tanong ko naman. Sya si Neo.
Andito ako ngayon sa may locker room. Kakatapos lang namin magpractice ng basketball.
"Ah, may sulat daw para sayo. Galing yan dun sa babaeng baliw na baliw sayo." sabi nya at narinig ko ang mahina nyang tawa.
"Tss. Tapon mo na yan. Hahaha" sagot ko naman. Di ako tumatanggap ng sulat o regalo sa kahit kanino, no!
"Basahin ko nalang 'to. Hahaha. Tas kunwari bigay sakin! Hahaha" hagalpak na tawa nya. Loko talaga 'to. Hahaha.
"Sige na. Hahaha. Loko ka. Mauna kana. Susunod na ko." sabi ko sakanya at sinunod nya naman.
Naiwan akong mag isa sa locker dahil lahat sila ay umalis na rin. Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa locker ko. Pero biglang may nahulog. Pinulot ko ito at tinignan........
bracelet.........
Ito yung unang binigay na regalo sakin ni Chloe noong kami pa. Hays. Nakakamiss. Nakakamiss lahat ng meron samin noon. Kung pwede lang sana ibalik lahat agad agad. Kung pwede lang sana talaga....... kaso hindi na e. Hinding hindi na.
Jusko. Mamaya na nga ang drama! Uuwi na ko!
Inilagay ko ulit sa locker ko ang bracelet at isinara na ito. Lumabas na ko sa locker room at nagtungo sa parking area. Obviously, nandun ang kotse ko. Tsk.
Pagdating ko ng parking area, may narinig agad akong maiingay.
"HUY ANO BA?! KAYO NA KASI ANG MAGDRIVE!" sigaw ng babaeng matinis masyado ang boses.
"AYOKO! IKAW NA KASI CHLOEEEE!" sigaw naman ng isa. Wait . CHLOE?!
Tinignan ko ang mga babaeng maiingay.
"ANONG AKO?! AYOKO! PAGOD AKO, JUSKO! NAG DRIVE NA KO KANINA!" sigaw naman ni Chloe.
Napangiti naman ako bigla. Nagka amnesia lang pala sya pero tulad pa rin sya ng dati ^_^ Madaldal at maingay pero cute (^^).
Lumapit ako sakanila.
"Hey ladies? Any problem?" tanong ko sabay ngiti.
Nagkunwari namang kinikilig si Jhaycee at Kate. Tumingin ako kay Chloe at nakakunot ang noo. Pffft. So cute.
"WALANG PROBLEMA! UMALIS KANA DITO! JUSKO! LAHAT KAYO NAKAKAPANG INIT NG ULO!" sigaw nya sa pagmumukha ko. OPO, SA PAGMUMUKHA KO TALAGA.
Hindi ko na napigilang matawa dahil sa sobrang cute nya. Ugh. Nakakamissss! Napatawa na rin sina Kate at Jhaycee. Baka pareho ng dahilan ko? HAHAHA.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit meets Mr. Yabang
RandomAno kaya ang mangyayari kung magtagpo ang landas ng dalawang taong magkaiba ang personalidad? Si Mr. Yabang, na akala mo ay may sariling aircon sa katawan dahil sa hangin? At Si Ms. Sungit na akala mo ay araw-araw nasa red days? Magawa pa kaya silan...