C7- A DEAL

980 43 26
                                    

[Chloe's POV]

It's been a week. Ganoon pa rin ang nangyayari. Pero pagkatapos nang nangyari noong nakaraan, iniwasan ko na si Zach, hindi ko kasi sya maintindihan! Nakakainis sya!  Asungot talaga ang putek!

Nandito nga pala ako ngayon sa school, as usual. Wala namang ginagawa e. Wala kasi kaming teacher ngayon, ang iingay ng mga kaklase ko! Kaya wala naman akong ibang ginawa kundi kunin yung headphone at magplay ng music. Matutulog nalang ako.

Pipikit na sana ako ng biglang may tumutusok tusok sa pisngi ko.

"ANO?!" napasigaw na ako dahil nakakainis na! Paulit ulit!

"Wala. Eto naman. Bored din kami e. Chika naman dyan, girl." Jusko. Si Jhaycee at Kate lang naman pala.

"Chika? Anong chika naman?"

Tinanggal ko ang headphone ko at humarap sakanila. Pagchismis pareho active 'tong dalawang 'to e.

"Sainyo ni Fafa Zach!" sabay nilang sabi tapos kinikilig.

Ayoko ngang pag usapan ang lalaking iyon, pinapaalala naman nila. ( 一一)

"Anong sa amin? Walang kami!"

"Ay. Feelingera ka din e! Ang sabi namin ichika mo tung nangyari sainyo noong nakaraan! Hindi yung kung anong meron kayo! Kase wala namang KAYO!"  aray ah. Syempre alam nyo naman siguro kung sino ang ganyan magsalita dba? The one and only Kate Mendoza. *sabog confetti* buset .

"Walang nangyari noong nakaraan, ok?" sabi ko at sumandal sa upuan.

"MERON!" sabay ulit nilang sigaw. Iisa ba ang utak nila? Iisa rin mag isip eh!

"Alam nyo kayong dalawa ah, kung bored kayo, wag ako ang pagtripan nyo! Masasabunutan ko kayo ng wala sa oras eh!"tinignan ko sila ng masama pero ang mga bruha inirapan lang ako sabay alis at nakipagtsismisan na sa iba pa naming kaklase.

Agh! Ano naman kayang magandang gawin? Ano ba naman kasing teacher yan e! Siniswelduhan tapos absent ng absent!

"Goodmorning Class!" nagulat ako nang may nagsalita. Tinignan ko ito at ang aming Principal ang nakita ko.

"Goodmorning Mr. Principal." Yes. Lalaki ang principal namin. Mr. nga dba?

"I am here because I have an announcement. Next week, your section will be having a camp." pagkatapos sabihin yun ni Mr. principal ay nagsihiyawan agad ang mga kaklase ko. Camp? Ohh. Exciting.

"Wait Sir! Saan po sya gaganapin?" excited na tanong ng kaklase kong si Marie.

"Hahaha. Wait class. I am not done yet." natatawang sagot ni Sir.

"So what I've said, your section will be having a camp next week. At sa Tagaytay yon gaganapin. Exciting right?" pagpatuloy ni Sir sa sinasabi nya.

Waaaah TAGAYTAY? (✽ ゚д゚ ✽)
Gustong gusto ko ang place na yun! Sasama ako! Mas lumakas pa ang hiyawan ng mga classmates ko. Nakaka excite naman kasi talaga e.

"If you want to join, ask your adviser for the things you need to bring. That's all. Bye!"

Umalis na si Mr. Principal at nag usap usap agad kami ng mga maaaring gawin doon.

"Chloeeee! Sama tayo ha? Ha? Ha?"
sigaw ni Kate at tumakbo papunta sa akin. Iniwan yung mga kachismisan nya kanina -_-  Sumunod naman si Jhaycee.

"Oo nga Chloe! Sama tayong tatlo!" sabi naman ni Jhaycee.

"Ayoko sumama. Kakatamad." Pero syempre nagsisinungaling ako. Haha. Pagtitripan ko lang 'tong dalawa. ^_^

"Ay Kj naman nito! Sama kana! Para kumpleto tayo!"

Ms. Sungit meets Mr. YabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon