P-Phone

7.6K 212 7
                                    

HINDI pa rin matanggal sa isip ni Dianne ang tungkol sa pinag-usapan nilang magpipinsan. May point nga naman ang mga ito. Hindi pa niya lubusang kilala ang binata. Sinulyapan niya ang lalake. Wala naman kasi sa itsura nito ang manakit ng mga babae. Isa pa, masyado itong masunurin, ni hindi pa nga ata nakapag-jaywalk ang isang ito.


"Why are you so silent?"


Napakurap-kurap siya. "Ha? Wala. Wala lang." Umiwas siya ng tingin nang sulyapan siya nito. May pagtatakang gumuhit sa mga mata nito ngunit hindi na ito nagtanong pa.


Ipinilig nalang niya ang kanyang ulo upang mawala ang mga bagay na bumabagabag sa kanya. Wala naman itong magagawa sa kanyang masama. Isa pa, he was driving her car. And she was with her ultimate and most prized possession. Baka nga tumakbo pa ito palayo sa kanya kapag natuklasan nito iyon.


"Magpatugtog muna tayo." Aniya na may pagbabalik ng sigla. "What song do you usually listen to?"


"Ikaw, bahala ka."


Tumaas ang kilay niya. "Seriously, West. What?" Hindi ito sumagot. "Pop? Acoustic? Lullabies? Indies? Rap?" Tumawa siya sa huling sinabi. She can't picture him listening to those songs. Mas bagay rito ang nakikinig ng mga malumanay na kanta. Kaysa iyong mga rock song na puro sigaw ang ginagawa.


"O ano? Alin don? Wala ba don? How about love songs? Country songs? Folk songs? Classical? R&B? Opera? Oh oh! I know!" Bumaling siya rito. Sinulyapan naman siya nito. "Anime jingles?" Aniya at tumawa.


Umiling ito. "Wala pa rin sa mga sinabi ko? Eh ano ba? Huni ng ibon nakikinig ka?" Sarkastikong wika niya. Hindi tuloy nito napigilang mapabuntung-hininga.


"I don't listen to music a lot, Dianne."


Nalukot ang mukha niya. Gaano ba ka-boring ang lifestyle ng lalaking ito? Sa itsura nitong malayo pa sa plain-looking na kahit asong jumi-jingle sa poste mapapalingon at mapapatahol, wala man lang itong ka-spice-spice sa katawan.


"What exactly are you doing with you life, West Fox?" Hindi makapaniwalang sabi niya.


"I work."


"Work for what?"


"For a living. For a future. For my family. For my... future wife."


"Mukha namang magtatrabaho din ang mapapangasawa mo. Ano nalang ang gagawin niyo pareho? Hanggang sa bahay trabaho pa rin?"


Sinulyapan siya nito. Namutawi ang ngiti sa labi nito. "She can decide kung anong gusto niyang gawin namin. As long as it's safe and not life-threatening." Tumigil ang kotse sa tollgate. Nag-abot ng bayad si West. Kitang-kita niya ang pagngiti ng babae rito.


"Have a safe trip, Sir!"


Tumaas ang kilay niya kahit noong makaalis na sila. Sobrang liit ba niya at hindi siya napansin nong babae?

Tied (BS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon