T-Twenty

9.5K 247 29
                                    

"HOW OLD ARE YOU, EXACTLY?"


Tiningnan lang siya nito habang nakaupo sa isa pang couch roon. Tinawagan na nito ang isa sa mga pinsan niya matapos nitong kunin nang sapilitan ang cellphone niya. She didn't mind though. She was done playing tonight, she thought.


Ang gusto lang niya sa ngayon ay humiga at matulog ngunit kung ganito namang pakalat-kalat sa paligid ang imahe ng binata, hindi niya kayang magpakahila sa antok.


"Birthday mo di ba? Thirtieth birthday, I supposed." Lihim siyang napangisi. Gusto lang niyang asarin ang binata. Kanina pa kasi siya nito hindi pinapansin. Hindi siya sanay nang hindi napapansin. Umigting ang panga nito pagkuwan.


"It's twenty seventh." Tagumpay siyang napangiti sa sagot nito. He turned twenty seven on twenty seventh of February. So he's already that old? Well, not that old, actually. 


"What's your name?"


Hindi ito nagsalita bagkus ay sinulyapan lang siya. 


"What's your name?" Ulit niya rito. Humikab siya ngunit pinigilan niyang ipikit ang mga mata. Darating pa kaya ang pinsan niya?


"Can't you just sleep?"


Hindi niya pinansin ang sinabi nito. "I heard your name's Western. Ikaw ba yon? O iba pa yon?" Lalong nalukot ang mukha nito. Balak pa sana niyang asarin ito ngunit kita na niya ang pagod sa mukha nito.


"Sleep."


"That's not how you make someone sleep, Western." Malambing na wika niya at napanguso ng bahagya. Napabuntong-hininga ito.


"Sleep, Ms. Perez." He insisted.


"I sleep naked." She answered. Kita niya ang pagguhit ng gulat sa mukha nito. "You still want me to sleep, hmm?" Hamon niya rito. Napaiwas ito ng tingin sa kanya. Napangisi naman siya. Sa lahat ng pinagtripan niya non, ito lang ang hindi siya sinagot ng kabastusan. Wow. Mahiyain pala si Western.


They went again into a total silence. It made her even more sleepy... or maybe it's just the alcohol kicking. Papikit-pikit na siya habang ang mga mata ay nakatuon pa rin rito. He was reading a book. She sighed.


"Hey, Western—"


"It's Westley, okay? Westley Fox." Iritadong putol nito sa kanya.


Natawa siya sa reaksyon nito. "Okay, okay. You don't have to be so angry." Itinaas niya ang kamay. "Mr. Fox. Western Fox." Pag-ulit niya sa pangalan nito sa kanyang bibig na para bang pinapraktis iyon. Umikot naman ang mata niya sa isang mesa doon.


Naihilamos nito ang palad sa mukha. "You're not listening, are you?" 


"Kaanu-ano mo nga pala si Megan Fox?" tanong niya, completely, ignoring his words. Naging blangko ang mukha nito nang subukan niyang bumangon. Bumagsak din siya pabalik sa couch. Muli siyang napahikab. Geez... she was really that sleepy, huh?

Tied (BS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon