PART 1: She got a heart-ache
IINAT INAT na bumangon mula sa kama si Arliza. Pasado ala-una na siya natulog ng nagdaang gabi gawa ng pag-susunog niya ng kilay.
Isa siyang newly graduate nurse at kasalukuyang naghahanda para sa paparating na Nursing Licensure exam. Hindi naman siya matalino, hindi rin naman siya bobo, siya ang isang uri n estudyanteng matatawag na sakto lang ‘Average’ kung baga. Kaya nga pospusan ang pag-aaral niya dahil ayaw niyang mapahiya sa tita niya na nagpa-aral sa kanya simula elementary hanggang sa mag College siya. Hindi naman kasi sila mayaman, sakto lang rin.
Kinapa niya ang eye glasses sa side table niya. Nang mai-suot ay diretso kaagad siya sa harap ng kanyang laptop (courtesy of her Tita) hindi para mag-aral kung di upang maki-chika sa mga ka-facebook at ka-tweeter niya. She’s not the nerdy or techie type of girl. Nahilig lamang naman siya sa electronics ng ma-expose siya sa online writing (courtesy of her high school classmate, Eli) and since isa siyang aspiring writer ay naki-sugal siya sa larangan ng pagsulat via online.
The instant she was logged in ay may natanggap kaagad siyang message.
RICK: hi, I miss you
Rick was her batch mate and masasabing pinaka-close friend niya sa campus noon. Kaya nga napagkakamalan silang mag-on. Secretly she was hoping that it’s true.
ARLIZA: hey, I miss you too. Kamuzta?
RICK: ito busy sa work kaya di kita masyadong nakaka-usap
ARLIZA: ikaw na… ikaw na ang may-work
RICK: haha, na-miss mo lang ako e
ARLIZA: oo naman, pero I bet mas miss mo ang kakulitan ko
RICK: di lang miss… miss na miss…
‘Ayeeeeeiii kinilig naman ako… aga-aga eh!’
ARLIZA: haha adik! Uy, ano na? bored na bored ako dito sa bahay, labas naman tayo.
RICK: mag-aral ka nalang…
‘Napaka-KJ talaga nitong lalaking ito…’ Matalino si Rick katunayan ay pangalawang kurso na nito ang Nursing. Marine Biologist ang una nitong kinuha sa PML pero ng mag-break sila ng kanyang long time girlfriend na kumukuha ng medisina ay nag-drop out ito sa kalagitnaan ng taon at nag-transfer sa OC sa kursong nursing. Third year sila ng maging magka-klase at maging mag-seat mate. Simula noon ay want to sawa na ang kulitan nilang dalawa. Minsan nga di niya talaga mapigilang umasa.
ARLIZA: Sige, itutor mo ako… mag-aaral ako
RICK: wala kang matutunan sakin
ARLIZA: ngek! Paano mo naman nasabi? Eh, matalino ka nga diba?
RICK: Kasi titigan mo lang naman ako, eh
Ganyan siya kalakas bumanat, sino ba naman ang hindi tatablan?
ARLIZA: haha kapal mo. ‘wag ka na nga wala kang kwentang kausap. SIge out na ko
RICK: Oi, teka…
Pero nakapag-log out na siya. Kung hindi lamang siguro kumalam ang sikmura niya’y tatagal pa ang pakikipag-kulitan niya sa lalaki. ‘Paano nahulaan noon na titigan ko lang siya? Hihi’
“Ui, gising na ang prinsesa,” bungad ng kanyang mama ng tunguhin niya ang kusina.
“Ang ganda kong prinsesa,” aniyang nakikipag-biruan sa ina. Ganoon naman sila palagi, parang magkabarkada lang ang turingan.
“Mas maganda akooo…” sabad ng 5 year old little sister niya. Napailing nalang siya. ‘Kahit kailan epal ‘to. Kaliit-liit na bata, kamag-anak ni Valentina!’
“What-e-vah!” bulong nalang niya sa hangin na hindi nakatakas sa pandinig ng ina.
“Oh, tama na nga yan. Mag-almusal ka na. Ikaw nalang ang hindi kumakain…” nailing nalang ito.
Sa lahat naman kasi ng mga kapaitd niya, itong bunso ang hindi niya kasundo. ‘Tsanak kasi!’ Isa ito sa apat niyang kapatid sa step-father niya. All in all ay anim sila, dalawa silang mag-kapatid sa unang asawa ng kanilang ina. Ang pinaka-close niya sa mga kapatid niya ay ang pangatlo na si Weng dahil katulad niya’y mahilig din ito sa anime at manga. May pagka-otaku kasi siya.
Umupo na nga lang siya at hindi na pinansin ang bunsong si Angie. Matapos na matapos kumain ay diretso na naman siya sa kanyang kwarto at doon nag-kulong. Walang nakapag-papalabas sa kanya sa kanyang lunga kung di ‘gutom’ lang at wala ng iba, maliban na lang siguro kung may sunog.
Diretso siya sa kanyang study table at muling nag-online. Online pa rin si Rick at tinadtad ng message ang wall niya.
“What the heck?” she exclaimed. Kagulat-gulat naman kasi ang mga posts nito.
RICK: Oi, mag-online ka ulit. Ito naman oh, joke lang… [6 likes. 11 comments. Posted 25 minutes ago]
Isa sa limang wall post nito. Nang i-click niya ang likes at comments ay puro mga batch mate nila ang nakita niyang names. “Naman oh!” ‘Pwede pong kiligin? Eeeehhh!’
RICK: Psst. Lumalapang ka nanaman ano? Online ka na dali. Miss na kita eh. May sasabihin pa naman ako sa iyo… [10 likes. 30 comments. Posted 10 minutes ago]
“Kung maka-like at comment naman itong mga ‘to akala sila ang sinasabihan. Inunahan pa ko!” nakalabi niyang turan. Nang i-click niya ang likes at comments the same people were listed.
‘Ano naman kayang sasabihin nito…’
ARLIZA: oh?
She hesitated for a minute or so before she had the courage to click ‘enter’
RICK: sa wakas! Anong ginawa mo? Kumain ka? Ang tagal mo naman e. Para jino-joke lang
‘Ayaw ko kasi ng joke. Totoo nalang kasi!’
ARLIZA: Ano ba sasabihin mo?
RICK: Naalala mo si Shelly?
Kinabahan siyang bigla.
ARLIZA: Oo, bakit?
RICK: kami na ulit… :D hehe
‘ANO?’ Para siyang pinagbagsakan ng isang kabang sako ng bigas sa nabasa. Hinubad niya ang eye glasses at ipinunas sa damit. Nagbabasakaling namamalikmata lamang siya. Pero ‘yun pa rin ang basa niya.
ARLIZA: ano?
RICK: oo nga… di ka ba happy for me?
‘AKO MAGIGING HAPPY? Sinong magiging happy nun? Is he kidding? Hahaha’
“MAMAaaaaaaaaa… Kailangan ko ng bagong salamin!” in-denial na sigaw niyang umabot hanggang sa terasa ng bahay nila kung saan nag-didilig ng mga halaman sa paso ang kanilang ina.
_________
AUTHOR's NOTE: Moment ko ito... Ay, feel na feel ko... Kasi naman. Kainis na Shelley 'to!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Affair [COMPLETE]
RomanceArliza is just an ordinary girl with lots of stories up her sleeves. A newly graduate nurse and an aspiring writer, she thought moving in a new place is just like moving on with heartaches. She was caught in shock at first but with her long time cru...