PART 2: A new Home
MAGDAMAG siyang hindi nakatulog kaka-isip sa ibinalita ni Rick sa kanya. Halos hindi na nga siya nakapag-concentrate sa pag-aaral. Sa lahat ng oras na pipiliin ng announcement nito ay kung kailan nasa kasagsagan pa siya nagpag-rereview. Mabuti pa ito’t sa December pa kukuha ng exam.
‘Nakakawalang gana!’ Wala! Wala na talaga siyang ganang mag-aral. Wala na siya pakialam kung papasa pa siya o hindi. Ano pang saysay? Marahil ay dapat na niyang wakasan ang buhay niya.
Siya pa naman ang tipo ng taong may Suicidal Instinct. Nalaman niya ‘yun ng maghiwalay ang mama at papa niya. She swallowed the full contents of an antibiotic. Mabuti na nga lang at naagapan ang pagdadala sa kanya sa Hospital. Simula noon ay ingat ang kanyang ina na wag sumama ang loob niya. Bawal na bawal siyang ma-depressed cause depression leads to Suicide ika nga ng Prof nila sa Psychiatric Nursing. Depress depressan lang ang pwede!
At ngayon nga ay feeling depress depressan siya. Sino ba naman kasi ang may sabing umasa siya? Umaasa lang pala siya sa wala.
Sa ka-emohan niya’y halos mag-uumaga na siya nakatulog.
Guns and Roses on the back ground… Sweet child of mine!
She's got a smile that it seems to me
Reminds me of childhood memories
Where everything was as fresh as the bright blue sky
Now and then when I see her face
She takes me away to that special place
And if I stare too long, I'd probably break down and cry
Whoa, oh, oh, sweet child o' mine
Whoa, oh, oh, oh, sweet love of mine
Tunog ng call alert tone niya ang nagpa-gising sa kanya. Agad niyang kinapa ang eye glasses niya’t tinignan kung sino ang tumatawag.
She's got eyes of the bluest skies
As if they thought of rain
I'd hate to look into those eyes and see an ounce of pain
Her hair reminds me of a warm, safe place
Where as a child I'd hide
And pray for the thunder and the rain to quietly pass me by…
Caller ID: Lhyna calling…
“Hello?” nag-aalangang bungad nito.
“Oh, Lyn napatawag ka?” Si Lhyna ay RLE group mate niya at siyang palagi niyang kasama sa tuwing may duty sila. So, masasabi niyang close sila—medyo?
“Nandito kami sa school, mag-eenrol for intensive review program. Ikaw ba hindi?”
Saka niya lang na-alala na nakalimutan niyang banggitin iyon sa kanyang tita. In short, baka hindi siya maka-enroll. Isa pa, anong saysay ng pagpasok sa review program na iyon kung wala naman ang inspirasyon niya. Dahil December pa kukuha ng board exam si Rick ay hindi rin ito mag-aaply for that program, nabanggit na ito ng lalaki sa kanya noon.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Affair [COMPLETE]
RomanceArliza is just an ordinary girl with lots of stories up her sleeves. A newly graduate nurse and an aspiring writer, she thought moving in a new place is just like moving on with heartaches. She was caught in shock at first but with her long time cru...