"It is better to have loved and lost than never to have lost at all." ~Samuel Butler
DEDICATION: I dedicate this part sa isa sa Favorite writer ko dito. Siya rin ang sanhi at tanging sanhi kung bakit nagawa kong muling tumipa ng para sa istoryang ito. *whisper to self* Na-inspire kasi ako sa mga kwento niya. Bakit ba? Walang aangal... moment ko 'to!
Teehee, enjoy!
PART 14: I love you
MAAGA silang nakarating sa Cavite gawa na rin ng dalang sasakyan ni Krizza. Habang nasa biyahe sila ay walang imik si Christian at talaga naninibago siya roon. Dati rati'y ang aga-aga nitong mangulit at usually ang target nito ay siya.
'Eh, bakit ba affected ako? Ayaw mo noon walang nangungulit sa iyo?'
'Oo nga naman, at least tahimik ang umaga mo, 'di ba?'
'Eh, Bakit hindi niya pa ako binabati ng Happy Birthday? Si Krizza kanina pa ako binabati...'
'Ano ngayon kung hindi ka pa niya binabati? Expecting much?'
'Shemmay naman oh, 'wag ka nga magulo diyan, wala akong pakels kung di man niya ako batiin!'
'Tulak ng bibig... kabig ng dibdib...'
"Shut up!" sabay na napalingon sa kaniya ang dalawang naka-upo sa unahan ng sasakyan.
"Okay ka lang, birthday girl?" nangu-ngunot ang noon a tanong ni Krizza. Her expression is the mirror of Chris'.
"H-huh? Oo naman... ma-may naalala lang ako!" nginitian niya ito, tumango lamang ang dalaga. Hindi lingid sa kaalaman nito ang naging relasyon niya sa isang lalaki na may asawa't anak niya. Matapos malaman ang buong storya, akala niya'y huhusgahan siya nito katulad ng iba subalit nagkamali siya sa akalang iyon. Heto nga't naging isa ito sa mga loyal friends niya.
Nang tumapat sa gate ng kanilang tahanan ay nakailang busina ang dalaga bago ito napagbuksan. Nang makababa sila ng sasakyan ay agad siyang dinumog ng mga kamag-anak, unang-una ang kaniyang Mama.
"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis ee!" she coed as if she's talking to a little 5-year old girl.
"Ma!" she gave her mother a warning glare as if to say, "Don't you dare embarrass me in front of my friends!"
"Ow!" nakakaunawang natawa ang ginang bago binalingan ng pansin ang mga bisita niya. Ngunit bago pa man ito makapagsalita ay nauna ng nag-kumento ang kapatid na si Rica.
"Boyfriend mo, ate?" napa-ubo siya sa tanong na iyon. At sa unang pagkakataon ng umaga na iyon ay sumilay ang ngiti sa labi ng nanahimik na si Chris.
"Oo!" patay-malisya na aniya. Sa pagtingin niyang pailalim kay Chris ay ito naman ang na-ubo sa tinuran niya.
"Talaga?" excited na napatalun sa kinatatayuan si Rowena, "Ang gwapo ng boyfriend mo, ate, hindi katulad ni Ku—" pinutol na niya ang sinasabi nito bago pa man mabanggit ang pangalan ng tao na minahal o minamahal pa rin hanggang sa mga sandaling iyon, mali man iyon...
"Naniwala ka naman... joke lang 'yun... JOKE!" pagdidiin niya.
"Anong joke? Ikaw, Mhie ha, dinideny mo ako... Totoo po 'yun, mama!" ani Chris sa kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Affair [COMPLETE]
RomanceArliza is just an ordinary girl with lots of stories up her sleeves. A newly graduate nurse and an aspiring writer, she thought moving in a new place is just like moving on with heartaches. She was caught in shock at first but with her long time cru...