DEDICATION: Thanks for reading, girl!
PART 6: Confessions and Denials
“WHAT are you talking about? Hindi ako nakikupagbiruan sa’yo ah, bawiin mo yang sinabi mo bago pa ako tuluyang maiinis sa’yo,” aniyang pinipigil lang ang sariling ‘wag sumambulat ang galit. ‘Anong iniisip nito’t gusto pa ata akong pagtripan?’
“Hindi nga ako nagbibiro. See, I’m even wearing pink, ‘yan yung napag-usapan niyo ni John ‘di ba?”
“Bakit mo ginawa ‘yun? Alam ba ito ng mama ko? Akala mo ba nakakatuwa ka? Pwes for your information isang malaking HINDI!” inis niyang wika na bagaman mahina dahil sa takot sa eskandalo ay pinagdiinan niya.
Nag-about face siya’t iniwan ang lalaking sumira ng araw niya. Sinasabi na nga ba niya’t tama ang hinala niya tungkol sa John na iyon eh. ‘Sayang lang, kinikilig pa naman ako sa mga sweet nothings niya tapos pagmumukhain niya lang pala akong tanga!’
Binilisan niya ang pagmamartsa ng makita paglingon niya na nakasunod pa rin sa kanya si Neil. Lakad-takbo na ang ginawa niya ‘wag lamang maabutan nito. “Arliza, ano ba? Hintayin mo ako…” hingal na sigaw nito sa pagitan ng paghabol sa kanya.
“Layuan mo ako, pwede? Ayaw kitang makausap ni makita!” ganting singhal niya rito na ikinalingon ng mga nadaanan nila.
“Sobra naman ito… para sa ganoon na bagay lang?”
“Oo! Bakit? Akala mo ba nakakatuwa ang pagsisinungaling mo? Paano pa ako magtitiwala niyan sa iyo?” Alam niyang malaking scene na ang nililikha nila sa loob ng mall at may possibility na damputin na lang sila ng security doon pero wala siyang pakialam. Nang mga sandaling iyon ay tila naglahong parang bula lahat ng matuwid na katwiran sa utak niya.
“Lahat naman ng sinabi ko sa’yo totoo ah… maski ang pangalan ko,” napahinto siya sa huling isinigaw nito. Pumihit siya paharap at nakapamaywang na hinarap ito.
“Anong ibig mong sabihin?” sinamantala nito ang paghinto niya’t nagmamadalang tinawid ang kanilang distansya.
“Hi, I’m John Neil Cruz nice meeting you,” nagawa pa nitong ilahad ang palad na lalong ikinairita niya.
“Ewan ko sa’yo,” muli’y tinalikuran niya ito ngunit hindi na siya muli pang tumakbo. Hinayaan niya lang itong bumuntot sa kanya. Sa nalama’y tila humupa ang galit niya but not totally forgotten. Naroroon pa rin ang irita—Irita sa presensya nito na sa di mawaring dahilan ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Subalit, hindi pa rin maalis sa isip niya na niloko siya nito. ‘Arte ko diba?’
“Arliza…” matapos ang ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila’y anito.
“Hmm?” aniyang hindi ito nililingon.
“I have something to tell you…”
‘What? Don’t tell me…’
“I just wanted to tell you the reason behind what I had done,” nahigit niya ang paghinga. ‘Ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito? At bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?’
Huminto siya sa paglalakad at tinapunan ito ng naghihintay na titig. Ano man ang nakatakda nitong sabihin—bahala na kung paano niya tatanggapin. “Ano kasi… gusto ko lang naman na maging magkaibigan tayo, ang suplada mo kasi masyado eh.”
BINABASA MO ANG
A Beautiful Affair [COMPLETE]
RomanceArliza is just an ordinary girl with lots of stories up her sleeves. A newly graduate nurse and an aspiring writer, she thought moving in a new place is just like moving on with heartaches. She was caught in shock at first but with her long time cru...