Part Three: Goodbye for now

8.5K 66 27
  • Dedicated kay Cha Mae Mayor
                                    

DEDICATION: Bezzie, walang personalan, nagsusulat lang... haha *peace out* Maintindihan mo sana ang takbo ng malanding utak ng best friend mo... (Bleh)

PART 3: Goodbye for now

‘ANG malas ng buwan ko! Letseng APRIL yan… ano ito araw-araw fools day?’ mahina niyang bulong sa sarili habang nag-eempake ng mga anik-anik niya. Tapos na siyang mag-empake ng mga damit niya… Mga collections nalamang niya ang aalalahanin niya mostly mga books, mangas, CDs, at sapatos.

                Tatlong araw na ang nakakaraan simula ng malaman niyang nagkabalikan sila Shelly at Rick, at dalawang araw na ang nakakaraan simula ng sabihin ng mama niya na lilipat na sila ng bahay.

                Siguro nga ay plinano na rin yun ng tadhana para sa ganoong paraan ay makapag-move on siya. Madaling lang naman mag-move on diba? Nagawa na niya yun dati eh nang mag-break sila ng first boyfriend niya, si Jay-M.

                Muli siyang napabuntong-hininga. “Eh ano kaya kung magtapat ka sa kanya,” mula sa pinto ng kwarto niya ang bumungad si Rica, ang truly blooded sister niya.

                “Uy, nandito ka pala…” matanda siya rito ng tatlong taon. Siya ay 21 samantalang 18 ito. Sa ngayon ay hindi muna ito pumasok ng Kolehiyo upang mapatapos siya… pinauna muna siya ng mga ito kaya naman pansamantala ay namasukan itong yaya sa kaibigang doctor ng ate Andrea nila na anak ng Tita nila. So far ay nagustuhan ng mga ito ang performance nito kaya malamang sa malamang ay hindi na ito pakawalan pa ng mga Aguisanda.

                Umupo ito sa tabi niya. “Naman, mag-eempake din ako eh!” nag-peace sign pa ito sa kanya saka naglalambing na yumakap sa tagiliran niya. Natawa naman siya. “Na-miss kita, ate!”

                “Sus, bola…” natutuwang ginulo niya ang buhok nito.

                “Hindi kita binobola at saka alam mo dapat talaga nagtatapat ka na kay kuya Rick…” tila matured na matured  na tinitigan siya nito.

                “Duh, as if naman kaya ko yun noh!” muli niyang pinagpatuloy ang naudlot na paglalagay ng mga libro sa loob ng kahon.

                “Sige na ate…” ungot nito. Binitawan niya ang hawak na libro at muli itong hinarap.

                “Bakit ba gusto mong magtapat ako?” nangunot ang kanyang noo.

                “Kasi nakita ko yung relationship status niya kanina, doon sa Shelly. Eh ate mas maganda ka naman doon eh, mas may laman nga lang sayo…” mahina niya itong binatukan.

                “Mampupuri ka nga may kasama namang panlalaglag. Hmp!”

                Muli itong nag-peace sign bago muling umakap sa kanya. “Joke lang!”

                “Eh oh, ano ngayon sa relationship status niya?”

                “Hindi nga kasi sila bagay nung girl kaya magtapat ka na please? Gusto ko maging kuya si Kuya Rick eh,” nag-beautiful eyes pa ito sa kanya habang magkasiklop ang mga palad. Hindi niya masasabing close ang dalawang iyon ang alam lang niya ay civil ang dalawa sa isa’t isa. Ni wala siyang alam na may ganitong sentimyento pala ang kapatid.

                Mahina siyang natawa, “Ano bang nakain mo at nagkakaganyan ka?”

                “Ah, basta wag mo ibahin ang usapan. Kailangang magtapat ka na sa kanya kung hindi ako ang magsasabi.” Napapadyak pa itong parang isang 10-year old girl.

A Beautiful Affair [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon