Part 2 of 13: Paresthesia
SINASABI na nga ba niya, e. Subalit maniniwala ba siya? Alam niyang sadyang pilyo ang Cum Laude na ito’t sadyang mapag-biro. Ngunit sa pagitan ng mga hantarang flirtation nito’y ‘di niya inaasahan may ganoon itong intensiyon.
Alam naman niyang may lihim itong pagnanasa sa kaniya, eh. Pagnanasa? Pagnanasa talaga,’di ba pwedeng interested muna?
“Joke!” as soon as the words were out of his lips, she breathed out a sigh of relief. Disappointed? A tad harsh almost shame feel of disappointment.
Ano nga bang ini-expect niyang marinig mula rito? That he was serious? And even if the guy’s serious she doubts what will be her answer. Lalo pa’t there’s still the hanging question about Neil’s placement in her heart.
Isa pa, may hinuha na rin siyang this is just one of his silly jokes. So, erase erase erase!
“Shit na malagkit ka! Sinasabi ko na nga ba’t tinitrip mo na naman ako, e…” kinuha niya ang folder na nakalapag sa harap niya’t walang pakundangan inihampas dito.
“Hey… hey…” hindi ito magkadatoto sa pagsalag ng mga atake niya.
“Kayong dalawa talaga,” mula sa opisina ng doktora ay narinig nila ang pamilyar na pagpalatak ni Krizza. Sumunod na sumungaw ang ulo ng doktora.
She had taken in the sight before slightly tilting her lips to a knowing smile. “Sinabi ko na nga bang kapag may maingay, e nagbabangayan na naman kayong dalawa. Ano, may gagamutin na naman ba akong pasa o gasgas?”
Natahimik siya bigla. Sa loob ng halos tatlong buwan na kasama niya ang mga iyon ay alumpihit pa rin siya sa harapan nito. ‘Whaa, mahiyain talaga ako, eh!’
Si Chris ang umiling para sa kaniya matapos inspeksyonin ang katawan. “So, far wala pa namang gaanong damage, Doktora.”
“Hay, mabuti naman!” kunwa’y nakahinga ng maluwang si Miss Maureen. Halata namang nag-eenjoy ito sa bangayan nila ng lalaki sapagkat sa unang pagkakataon ay tila nagkaroon ng buhay sa center gawa ng presensya nilang tatlo doon.
“Bakit kasi hindi ka na umamin diyan kay Liz, hah, Christ?” sabat ni Krizza na sadyang ipinanganak yatang taklesa…
‘Hah? Ano raw? Umamin? Ano namang aaminin nitong mokong na ito?’
“Ito kasing si Babes e, ayaw… masyadong dense…” makahulugan ang pinukol nitong tingin sa kaniya.
‘Isa pang hah? Confused ako mga lola… paki-ulit nga yung sinabi mo, ako dense? Eh, kung dinidiretso mo kaya ako…’
“Oo nga, Christian, sabihin mo na ang matagal mo nang nadarama…” susog ng Doktora. ‘Isa pa ito si Miss Maureen, e. Ako nga lang ba talaga ang clueless dito? Akala ko ba di siya seryoso? Akala ko ba Joke lang ‘yun?’
‘May Diabetes ka nga, MANHID ka, e!’ sumbat ng isang bahagi ng utak ko.
“Eh, tinanong ko kung sasagutin niya ba ako kapag nanligaw ako, eh, parang wala naman yata siyang balak sumagot ng matino, eh!” nakalabi ito. Tila isang batang nagsusumbong sa mga nakakatanda.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Affair [COMPLETE]
RomanceArliza is just an ordinary girl with lots of stories up her sleeves. A newly graduate nurse and an aspiring writer, she thought moving in a new place is just like moving on with heartaches. She was caught in shock at first but with her long time cru...